38

11K 359 35
                                    

Third Person's P.O.V

"Mahal hindi mo naman na kailangan pang sumama sa akin sa trabaho" ulit muli ni Callista ng huminto ang sasakyan ni Adrianna sa tapat ng bar na pinagt-trabahuhan niya. Mula pa lamang ng makasakay ito sa sasakyan ng sunduin siya ng dalaga ay paulit ulit na nitong kinukumbinsi ang huli na wag na ngang sumama sa kanya dahil unang una ay masyado ng gabi, at kung gagawin nga nito ang gusto nito na antayin siya hanggang matapos ang oras ng kanyang trabaho ay mapapagod lamang ito.

Agad naman itong napa-buntong hininga ng lingunin ang kinaroroonan ni Adrianna, walang emosyon lamang itong nakatingin sa kanya habang nakahalukipkip.

Matapos nga ang naging paguusap nila at pagaargumento patungkol sa pagkakaroon niya ng trabaho noong nakaraang araw ay agad na nagpumilit ang huli na sumama sa kanya sa trabaho na agad naman niyang hindi sinang ayunan. But Adrianna throw a fit earlier that left her with no choice but to agree sa gusto nito.

"Will you be okay waiting till my shift ends? Isama mo kaya si Manong sa loob para may magbantay sayo mahal? Nagaalala ako kasi baka magulo at maraming lasing ngayon dahil sabado, maraming tao kaya baka hindi kita mabantayan. Pero please tawagin mo ako when you felt uncomfortable ha? O may nanggugulo sayo" malambing na turan nito sa dalaga habang marahang niyang ipinatong ang kanyang kamay sa ibabaw ng hita nito at bahagyang tinapik ang tuhod nito. She sighed once again ng mapasadahan ng tingin ang suot ng dalaga.

Adrianna is wearing a backless haltered body con black dress, partnered with a 3 inch stiletto heels. Adrianna looked stunning, ng una ngang masilayan ito ni Callista ay literal nga itong napanganga. At sigurado itong magiging agaw atensyon ang dalaga once na pumasok na sila sa loob ng bar.

"If you're that worried why don't we just go home? Call your manager and tell him that you're quitting Callista" saad nito habang matiim na nakipagtitigan sa kanya. Nang malaman ni Adrianna ang pagkakaroon ng trabaho ng manliligaw ay agad itong nag pakita ng disgusto at di pagsang ayon sa bagay na iyon. Ilang beses na niyang sinabihan ito na tumigil at umalis na ng trabaho na madiin naman din nitong hindi sinang ayunan.

Callista tried her best to explain to Adrianna the reason why she cant quit her job. And she's been very patient with Adrianna's outburst since she finds out about her job. Adrianna on the other hand do actually understands Callista's reasons, she just cant help her self but worry about Callista's health. Ang buong araw nito ay nakalaan na sa pag-aaral at pagt-training, tapos  agad pala itong dumidiretso sa trabaho matapos saglit na makatulong sa kanyang ina. Madaling araw na rin itong nakakauwi kinabukasan tapos kailangan pa nitong gumising ng maaga para maghanda sa pagpasok. Halos wala na talaga itong tulog at pahinga.

"Mahal diba napag-usapan na natin to? Alam mo--"

"Whatever. I dont want to hear it." hindi na nito pinatapos pa ang sasabihin ni Callista dahil ilang beses na niya itong narinig. Kahit na naiintindihan niya ang sitwasyon ng huli ay hindi pa rin nito mapigilang hindi mainis. Adrianna is used to getting things in her way, sanay itong nakukuha ang lahat ng kanyang gusto, she's not used to being said "no". Lalong lalo na pagdating kay Callista, sa ilang buwang opisyal na panliligaw nito ay lagi itong nakikinig sa mga bagay na gusto niya, lagi itong sumasang ayon sa kanya, she knows na sometimes she's just being a complete brat and unreasonable, but the latter would always choose to understand her, in which she is actually grateful for. She genuinely appreciate Callista.

Pero naiinis pa rin talaga siya.

Kaya naman agad nitong binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan at agad na lumabas, kaya naman agad na nagpanic si Callista at dali daling sumunod rito.

"Mahal!" sigaw ni Callista dito ngunit hindi man lang siya nito nilingon at dumiretso na sa loob ng bar.

Nang makapasok sa loob ay ingay at usok agad ang bumungad sa kanya, alas diyes pa lamang ng gabi ngunit halos mapuno na ng mga customer ang bar, marami na ang nagsasayawan at ang iba ay bakas na ang pagiging lasing. Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Adrianna at nakita itong nakaupo sa isang couch, nakahalukipkip ito at naka dekwatro, face still not showing any emotion. Huminga muna ito ng malalim bago nagtungo sa pwesto ni Adrianna.

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon