35

11.2K 352 48
                                    

Third Person's P.O.V

"Good morning Adi, here I got you this" napahinto si Adrianna ng bigla na lang humarang si Miguel sa kanyang dinadaanan, hindi niya ito agad na nakita dahil abala ito sa pag-aayos ng gamit niya mula sa locker.

Napataas ang kilay nito ng makita ang bitbit nitong malaking bouquet ng pulang rosas at isang box ng mamahaling tsokolate na ngayon ay nakalahad na sa kanya.

Hindi na sana niya ito papansinin ngunit iniharang muli nito ang kanyang sarili ng magtangkang maglakad muli.

"Adi Im sorry, can you please just give me another chance?" nagmamakaawang pahayag nito sa kanya.

"Move" tipid na sagot nito ngunit bakas ang awtoridad sa kanyang boses.

"Adi please... You cant do this to me! You know I like you and you admitted that you like me too. Im sorry please... let's make this work.." pagmamakaawa nito sa dalaga na bahagyang ikinatawa naman nito.

"For you its Adrianna, you dont have the right to call me that anymore Miguel, and its true that I used to like you. And I have made it clear that I dont want anything to do with you anymore Miguel, so move." madiin na tugon nito. Bakas na rin ang inis sa boses ng dalaga. Adrianna doesn't really have the patience to deal with Miguel right now. Lalo na at kanina pa nito hindi ma-contact si Callista, kanina pa ito nag-send sa huli ng message ngunit hindi man lang ito nagrereply. Kadalasan kasi ay nauuna itong magising kaysa sa kanya kaya agad na nakakatugon sa messages niya tuwing umaga, ngunit kanina nga ay wala man lang itong paramdam. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi ito sumasagot hanggang sa mag cannot be reach na lamang ang cellphone nito. Lalo pang nakadagdag sa inis nito ng hindi nito masilayan si Callista ng makarating ito sa paaralan.

"You dont like me anymore? Adi naman... We promised. You promised that we're going to be together after Senior High.." gumuhit ang sakit sa mukha ni Miguel pati na rin sa boses nito. It never occurred to him that this day would come. He was always complacent that Adrianna would be his one day. Everything was planned, they would be together when they reached college, engagement after graduation, and marriage after a couple of years working on their career.

"This is the last time that I will say it Miguel so you better listen. I don't like you anymore. And I wont be changing my mind so stop bothering me!" galit na turan nito at naglakad na papalayo sa lalaki ngunit iniharang na naman nito ang kanyang sarili sa dadaanan ni Adrianna.

"Is it because of that fucking Casanova!? Are the rumors true!?"

"Answer my question Adi! Is it true!?" sigaw nitong muli ng hindi umimik ang dalaga. Napapitlag si Adrianna ngunit hindi nito ipinahalata ang nararamdamang takot, afterall Miguel doesn't seem to be in a good condition at all. He looks disheveled, and aggressive. His eyes are flaming in anger.

"Answer what!? Look Miguel, I dont have the time and patience for you so please—"

"Is it true that you're allowing that motherfucker to court you ha!?"  hindi na nito pinatapos ang kanyang sasabihin ng hablutin nito ang kanyang kaliwang braso.

"Its none of your business Miguel. Let go." saad nito habang sinusubukang alisin ang hawak ni Miguel sa kanya na lalo naman nitong hinihigpitan.

"Bakit hindi mo masagot!? Gusto mo siya!? Nagpapaligaw ka sa hampaslupa na yun!?" tila naman nagpantig ang tenga ng dalaga kaya agad nitong nailapat ang kanyang palad sa pisngi ni Miguel.

"Watch your mouth Miguel, and let go! Nasasaktan ako!" galit na galit na singhal nito.

"Bakit!? Totoo naman ah! Anong mapapala mo sa tomboy at pulubi na yon!? Seriously Adrianna!? For all you know eh peperahan ka lang non!"

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon