42

10.2K 337 65
                                    

CALLISTA'S P.O.V

"You're smiling too much" inalis ko ang tingin ko mula kay Adrianna at sa mga kaibigan naming nagkakasiyahan sa kwentuhan at ibinaling ito kay Kris na papalapit sa akin habang may bitbit na dalawang bote ng Smirnoff. Inabot nito sa akin yung isa na agad ko namang kinuha at marahan pa kaming nag cheers.

"Sobrang saya ko lang" sagot ko rito habang ngiting ngiting ibinalik ang tingin kay Adrianna na humahagalpak na ngayon ng tawa dahil ang dalawa sa teammates ko ay sumasayaw ng toxic challenge. Ang titigas kasi ng katawan ng mga ito kaya pati ako ay hindi na rin napigilan ang pagtawa.

Kasalukuyan kaming nasa rest house ng mga Ferrer dito sa Tagaytay. Kakatapos lang kasi ng semi-finals ng the League for women's basketball at nagawa naming makapasok sa Finals without any losses kaya nagkaayaan ng celebration.

Two months na ang nakakalipas simula ng sagutin ako ni Adrianna myloves so sweet, at sa loob ng dalawang buwan na iyon ay naging malapit rin ang mga kaibigan niya at kaibigan ko sa isa't isa. Noong una kasi ay nagsasalit salit pa kami ni Adrianna ng sasamahang grupo tuwing lunch, na di kalauna'y napagpasyahan na namin at ng aming mga kaibigan na kumain na lamang sa iisang lamesa during lunch time para hindi na kami nahihirapan. Alexandrea and Alethea easily got comfortable with my teammates habang ang mga mokong naman ay naintimidate pa sa mga ito. Natatawa na lamang kami kapag nakakagawa sila ng kapalpakan dahil sa pagpapanic tuwing kasama namin ang tatlo.

"Im happy for you too, Cali. Napakalupet mo. Parang kailan lang ay para ka lang aso na sunod ng sunod kay Adi, tapos ngayon ay.. parang ganon pa din naman" natatawang turan nito sa akin kaya naman bahagya ko siyang siniko.

Para pa rin naman talaga akong aso na laging nakasunod at sunod sunuran kay Adrianna. Kaya napasapo na lang ako sa aking noo. Adrianna is a demanding partner, she demands too much time and attention from me. Kaya naman kung may pagkakataon at hindi kami busy sa kanya kanya naming buhay ay makikita niyo talaga akong laging nakabuntot sa kanya. Nasabi ko na ata na quality time at physical touch ang love language niya, but during the months that we became official, she started demanding assurance and word of affirmation too. Adrianna is a jealous woman, napakabilis nitong magselos maski sa maliliit na bagay lamang. Noong una ay nagtataka pa ako kung bakit nakakaramdam pa siya nito, eh alam naman niya kung gaano ako kabaliw na baliw sa kanya. At kung gaano kawalang binatbat ang kahit sinong babae dahil siya lang ang pinakamaganda sa aking mata. Then the incident with Amanda hit me, the fact that I was able to make out with another girl when I am chasing and trying to court her affect Adrianna greatly. Kaya naman hindi ko mapigilang hindi ma-guilty. For me and Amanda it was nothing, my feelings for her didn't even waver a bit when that happened. But that one single fact affected her trust and confidence in me and my feelings for her. She even lose confidence in herself, and God knows how my heart shattered into pieces when she started questioning her worth. So I tried my best to understand her when her jealousy is getting out of hand. Ako na din ang umiiwas sa mga bagay at tao na ikakaselos niya, I would constantly assure her that she is the only one I want. The only one that I want to be with and the only woman I love.

And as much as possible, for her mind to be at peace ay sinusunod at pinapakinggan ko ang mga gusto nito. Our friends would always say that Adrianna runs the relationship, and would constantly tease me of being "under" na ikinakailing ko na lang. If being "under" would bring her peace, assurance, and her confidence in herself and my feelings for her back, then I would gladly admit na "under" nga ako.

"Pero di ko talaga akalain na mapapapayag mo si Adrianna na ligawan mo siya, tangina. Lalong lalo naman na di ko akalaing mapapasagot mo siya Tol. Asan na yung prayer reveal na hinihingi ko ha!?" hampas nito sa balikat ko at inilahad pa ang kanyang palad kaya naman hindi ko na napigilan ang pagtawa at napa-iling iling pa.

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon