18

9.7K 366 123
                                    

CALLISTA'S P.O.V

Napahinto sa kani kanilang mga ginagawa ang halos lahat ng tao sa SC Office at nabaling sa akin ang atensyon ng mga ito ng makapasok ako sa loob. Iba't ibang reaksyon ang makikita sa kanilang mga mukha, may mga mapanghusgang tingin, may mga nagtataka at ang iba naman ay may bahid ng awa. Maririning mo rin ang mahihinang bulong bulungan nila.

Agad naman akong napayuko, hindi ko alam kung dahil nahihiya ba ako sa mga tingin nila o nakakaramdam ng lungkot dahil mukhang hinusgahan na nga ako ng mga ito base lamang sa mga narinig nilang kwento.

I looked at Sofia at itinuro na nga niya ang pintuan ng opisina ni Adrianna, sumunod naman ako kaagad rito. Kumatok muna ito ng tatlong beses bago pinihit ang door knob

"Make sure that it is already Casanova, because I don't have any patience to that woman anymore! Kanina ko pa inutos—" napahinto ito sa kanyang pagsasalita ng tuluyan ng bumukas ang pinto at agad na magtama ang aming mga mata. Nakita ko naman itong huminga ng malalim na tila ba nagtitimping huwag sumabog ang galit na kanyang nararamdaman.

"Seat." malamig na wika nito. I gulped at dahan dahang naglakad patungo sa upuan sa kanyang harapan.

Ramdam ko ang galit at inis na bumabalot rito, kaya naman hindi ko magawang itaas ang aking tingin at sulyapan ito. Napakalakas at bilis rin ng kabog ng puso ko ngayon sa di malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan eh alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ang may kasalanan ng nangyari kanina.

"I think you already know why you are here Casanova." panimula nito.

"Why do you looked so scared right now? Eh just a while ago lang ay you were so wild and aggressive and was ready to beat a helpless man to death?" dugtong pa nito na dahilan upang mapaangat ang tingin ko sa kaniya. I looked at her in disbelief na sinalubong lamang ng tingin niyang galit na galit. A helpless man? Si Miguel? Na may mga kasama pang alipores at pinagtulungan ako? Yun ba ang helpless?!

"Im still weighing your punishment Casanova, your action awhile ago violated a school rule and is under the major offenses category, which only leave me with two choices, I either suspend you, or permanently expel you from the Academy." she told me and smirked. Na tila ba sinasabi na nasa kanyang mga kamay nakasalalay ang aking magiging kapalaran.

"But Im not that cruel you know, so Im giving you another option. I just want you to say sorry to Miguel, and after that, stay away from me and him. Then I would minimize your punishment to at least 300 hours of community service. What do you think? A fair deal isnt it?"

"No." mabilis kong sagot rito. No way in hell na magsosorry ako sa Miguel na yon! Siya dapat ang mag-sorry sakin! Ilang beses ko na bang pinalampas ang pambubully na ginagawa niya sa akin? Atsaka ano daw? Layuan ko kamo siya? Nahihibang na ata tong si babes! Eh kapag tinanong ako kung para kanino ako bumabangon ay "Kay Adrianna Blanc" ang agad na isasagot ko eh.

"Then I guess you're perfectly fine with expulsion? Because either way a 1 month suspension will only result to you, losing your scholarship grant." prenteng saad nito at nginisian pa ako ng nakakaloko.

"How about Miguel?" hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para magsalita at itanong ito sa kanya. Nakita ko naman ang mabilis na pagkunot ng noo nito?

"What about Miguel?" she asked me confusedly.

"W-we are both in the fight. Bakit ako lang ang kinakausap mo about sa p-punishment" sagot ko rito habang nakayuko at nilalaro ang aking mga daliri, hindi ko kasi kayang tumingin dito ng diretso dahil parang nadagdagan lang lalo ang galit nito ng magsimula akong magsalita. Hindi ko rin mapigilang hindi mautal ng sabihin ko ito sakanya dahil sa sobrang kaba.

Loving Adrianna BlancTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon