♚GAME ENTRY #6 ♚

15.9K 448 57
                                    

SAHTI NAKAHARA [POV] 

Napamulat ako dahil masakit ang sinag ng araw na tumama sa mga mata ko kahit na nakapikit ako, ginala ko ang mata ko asan nanaman ako?! Kumirot ang ulo ko dahil bumalik ang mga nangyare saken kung paano ako habulin ng tatlong magkakapatid na yun, at yung taong kumidnap saken! Dapat ba akong magpasalamat sa taong to? Argh! Pero di ko alam kung mabuti ba siyang tao o hindi. Bumangon ako at maglalakad bakasakaling makahanap ng mapagtatanungan, pipihitin ko na sana ang pinto ng mapagalaman kong nakalock yon!

Bumalik ako sa kama at umupo doon sa ngayon di ko pa ata kayang maglikot dahil sumasabay ang kirot ng ulo ko sa galaw ng katawan ko, masyado matapang yung amoy na pinagtakip sa ilong ko kaya-

"Oh? Gising kana pala Sahti?" napaangat ako ng ulo ng makita ko ang isang lalaki di ko alam kung nakita ko na ba kung saan. "Sarap ng tulog mo ah? Alam mo bang 2days kang tulog?" umupo siya sa tabi ko at naglapag ng isang tray ng pagkain, napalunok ako dahil umiikot sa ilong ko ang amoy ng bacon, fried egg, at fried rice. "Kumain ka muna, wag kang mag alala walang lason yan, tsaka wag kang lumunok you can have it all" tsaka siya tumayo, sinundan ko lang siya ng tingin.

"A-ano- pano mo nalaman ang pangalan ko? Tsaka ikaw anong pangalan mo?"

"Thown, sabihin na nating--" di niya tinuloy ang sasabihin niya ng mabilis ang paglapit niya saken habang nakatukod ang mga kamay niya sa may kama isang dangkal nalang ang layo nalang ang mga mukha niya sa mukha ko. "Im your Stalker?" tsaka niya ako iniwan ng nakatulala. Bumalik ako sa diwa ko ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa may side ng kama.

Si Kuya Colt! At nakaka 60 missed call na siya, the F?! dali-dali kong sinagot ang tawag .

"What the hell, Sahti? Nasaan ka? Dalawang araw kang wala!" bulyaw ni kuya Colt na kahit na sumisigaw siya, di maalis sa boses niya ang pag alala.

"Di ko alam ang ang lugar na to kuya Colt, may kumidnap kasi-"

"The hell? Kumidnap? Sayo?! What the fuck!"

"Kuya. Bat di nalang tayo mag report sa mga pulis" dinig ko ang boses ni beshy sa kabilang linya, at parang bumabalik na ang dating siya, napangiti ako doon.

"Shut up! Now Sahti, tell us anong nakikita mo sa paligid?"

Tumayo ako at lumapit sa bintana, inopen ko yon at bumulaga sa akin ang isang dagat, at maraming puno.

"May nakikita akong isang dagat at maraming puno." sagot ko kay kuya Colt na hindi maalis sa mga mata ko ang kulay asul na dagat, napapikit ako ng sumalubong ang hangin sa mukha ko.

"What? Dagat at maraming puno? Ano pa?" ginala ko ang mga mata ko at wala na akong ibang nakikita kundi ito lang, dagat at maraming puno.

"Yun lang ang nakikita ko."

"Sheez! Madaming ganyan sa pilipinas Sahti" mukhang nawala sa mood si kuya colt kaya binabaan niya ako agad.

(A/N: Thown - a rice wine)

----

RUM TAKANO [POV]

Dalawang araw na kaming naghahanap kay Sahti pero fuck! Saan siyang lupalop na nagtago? Argh! Masyado kaming confident ng gabing yon! Argh!! Hinagis ko ang cellphone ko sa pader na dahilan para magkawasak ito. Napatingin ako sa table ko ng biglang tumunog ang telepono.

GAME (Obsession, Posession, Desperation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon