♚GAME ENTRY #19 ♚

7K 181 7
                                    

SAHTI [POV]

Sinakay niya ako sa sasakyan niya, Hindi ko alam kung saan kami pupunta tumingin lang ako sa kniya na sobrang seryoso ng mukha nasa daan lang ang kniyang mata hindi siya lumilingon man lang.

"Saan Mo ako dadalhin?" Nilakasan ko ang loob kong tanungin siya, napahigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan niya, kaya naman napa atras ako sa kinauupuan ko.

"Uuwi na tayo ng pinas sahti." Nagulat ako sa mababang pagkakasabi niya.

"Pero paano ang mga kapatid mo?" Tinigil niya ang sasakyan sa isang gilid, saka siya tumingin saken ng daretcho, naninibago ako sakniya. Nasanay kasi ako na lagi siyang sumisigaw napalunok ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Sa-sahti ako ang kasama mo ngayon, pwedeng ako na muna ang isipin mo?" nag crack ang boses niya, tumingala siya para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya, inalis ko ang mga kamay kong nakahawak sa kamay niya at tumingin ako sa labas ng bintana.

"Pa-paandarin mo na ang sasakyan, gin." Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero ayokong makipag-laro sa kniya, dahil isa lang ang nasa isip ko ngayon. Iyon ay ang makauwi sa pinas.

"May Gusto ka ba sa kapatid kong si rum, sahti?" Napalunok ako, Kapag nasa tabi ko si Rum nagiging abnormal ang tibok ng puso ko, May gusto nga ba ako kay rum? Umiling ako sa isip ko imposible ang iniisip ng utak ko.

"Wa-wala." Ilang oras lang ang tinagal namin sa biyahe at bumaba kami sa may airport. Nakita ko ang isang pamilyar na dalawang eroplano, isa kay gin at kay rum paano ko nalaman? May pangalan sa labas.

"Tara na."

Sumunod ako sa likod niya, pero napatigil ako ng parang bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko, Nakasakay na kami sa eroplano niya, hindi siya normal na eroplano lang dahil parang bahay ang nasa loob.

"Anong plano mo, gin?" tanong ko ng makaupo ako sa sofa.

"Wala akong plano sahti, maghihintay lang kami ng dalawang lingo." Ng sabihin niya yon nag-iwas siya ng tingin, pahina ng pahina ang huling katagang sinabi niya.

"Ba-bakit?" Hindi ko naiwasang magtanong sa kniya.

"Sahti, what the hell? Ganyan ka ba talaga ka-inosente ha?! For My own sake, may nangyari sa inyo ng kapatid ko! Sinabi na niya sa amin na he didn't use protection!"

Feeling ko natakasan ng kulay ang mukha ko, bigla nalang akong pinagpawisan ng malamig, maya-maya naramdaman ko ang paglipad ng eroplano niya, bakit ko nga ba nakalimutan yon?

"A-anong gagawin ko, gin?" Gumargal na ang boses ko, nakipag unahan na din ang mga luha ko sa may mata ko.

"Ikaw, anong gusto mong gawin?" Inangat niya ang baba ko at sinalubong ako ng kulay chocolate niyang mga mata.

"Hi-hindi ko a-alam." Yumuko ako, hindi ko talaga alam ang gagawin ko, paano kung may mabuo nga?

"Then I suggest you, to-"

Tumingin ako sa kniya, napapalunok siya habang papalit-palit ng direksyon ng tingin, huminga muna siya ng malalim saka pumikit ng mariin.

"To-marry me." Literal na nanlaki ang mata ko, ganun lang ba kabilis mag decision? Ayoko, wala akong gustong gawin sa buhay ko, total ako nalang ang namumuhay mag-isa ang kailangan ko nalang hintayin ang dalawang linggo.

"Ayoko." Humiga ako sa sofa, sana lang talaga walang mabuo sa may tiyan ko, dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Biglang pumasok sa isip ko si lager, siya pa naman ang inaasahan kong makakatulong saken sa oras na yon pero nagulat ako ng sabihin ni chicha na umalis na ito ng bansa, ganun lang ba kadali sa kaniya na iwanan ako? Pero aaminin ko man na magmula ng makilala ko ang magkakapatid na'to hindi siya pumasok ni minsan sa isip ko, iniisip ko din si beshy chicha kamusta na kaya siya? Ang baby niya? Bigla akong napahawak sa may tiyan ko ng inimagine ko ang maumbok na tiyan ni beshy.

GAME (Obsession, Posession, Desperation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon