♚ GAME ENTRY #34 ♚

3.8K 97 8
                                    


Rum Takano [POV]

"Ang lakas naman ng loob mong ikumusta ang babaeng yon sa mismong harapan ko?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang lakas naman ng loob mong ikumusta ang babaeng yon sa mismong harapan ko?!"

Masama ang naging tingin saken ni Rousanne ng matapos kong sabihing ikumusta ako ni Nii-san Gin kay Sahti, Napahilot naman ako ng sentido sa pinagagawa niya, tumayo ako lumapit sa may Ref para kumuha ng maiinom.

'Sige lang Rousanne, sulitin mo na ang nalalabing araw mo na kasama ako dahil sinisiguro ko sa'yo na pag oras na makuha ko ang Camera at malinis ang Basurang Ginawa mo, Gagawin kong impyerno ang Buhay mo!'

Bulong ko sa isip ko, sinilip ko ang ulo ko at tinignan ng masama ang nakatalikod na si Rousanne, Ngumiti muna ako bago ako bumalik sa kinauupuan ko kanina saka ko nilapag ang isang gatas na nasa Kahon.

"Subukan mo pang gawin ang bagay na yon Rum, hindi na ako magdadalawang isip na ipost sa Media at ipakita sa publiko ang litrato na yon!"

Nakatingin lang ako sa kniya, tumayo siya saka niya ako iniwan mag-isa sa kusina, ngumisi naman ako, huminga muna ako ng malalim bago ko tinuloy ang kinakain ko nahulog ako sa malalim na pag-iisip, anong iniisip ko? Dalawang Araw nalang ang natitira kay Sahti sa Kung magkaka-period ba siya o hindi.

Kaninang narinig ko palang ang pangalan niya ng banggiting ni Nii-san Gin ang kaniyang pangalan literal na nagkarambulan ang dibdib ko.

Napahinga ako ng malalim ulit ng maalala ko ang Naging hitsura ni Sahti Kagabi, hindi malabong hindi niya ako nakita o hindi niya nakita ang naging paghalik saken ni Rousanne kagabi, napahigpit ang hawak ko sa kutsara dahil sa Galit at inis na nararamdaman ko habang naalala ko ang ginagawa saken ni Rousanne.

Riiiiiiiing ~

"Oh? Natapos mo na?"

[Yes, Mr. Takano.]

"Anong Nakuha mo?"

[Hmm. Yung Camera Mr. Takano at yung lalaking kasama ni Rousanne Kagabi.]

"Sige, hintayin mo ang bayad ko sa'yo."

[May Mas Nakuha pa akong magandang balita sa'yo Mr. Takano.]

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi ng lalaki sa kabilang linya, umayos naman ako ng upo at tumingin sa bukana ng kusina baka nandoon si Rousanne.

"Ano Yon?"

[May Kakilala akong Nakakakilala kay Rousanne Yamagutchi, isa siyang Psychiatrist ng mabanggit ko ang pangalan ni Rousanne sa Kniya nagulat siya at nagmamadaling ipaturo sa'akin ang kinalalagyan ni Rousanne.]

"Asan ang Good News sa sinabi mo?"

[Easy Lang kasi Mr.Takano, Ang sabi ng kakilala ko, ang Psychiatrist na yun ang naging doctor ni Rousanne noong mga panahong nagpapagamot pa siya na dulot na ginawa niyo sa kniya, ang sabi ng Doctor na yon ay hindi nakumpleto ang theraphy ni Rousanne, Meaning HAHAHAHA~ Baliw yang babaeng kasama mo ngayon Mr. Takano.]

GAME (Obsession, Posession, Desperation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon