♚GAME ENTRY #22 ♚

5.9K 203 34
                                    

(Watch niyo yung ANIME sa multimedia, after you read this CHAPTER, mag eenjoy kayo hoho ~)

***

Sahti [POV]

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagbiyahe, seryoso pa din siya walang lingon-likod masyadong seryoso ang kaniyang mukha tumingin ako sakniya.

"Saan Tayo pupunta?"

"Sa Bahay ko."

Ramdam ko ang pagiging malamig niya, hindi ko na siya kinausap pa dahil naiinis ako sa malamig na boses niya. Teka? Ano nga ulit ang sinabi ko? "NAIINIS AKO?"  umiling ako sa isip ko, ayaw ko talaga sa natatangap at naiisip ng isip ko.

"Malapit na tayo."

Nagulat ako ng bigla nalang siyang magsalita kaya naman tumingin nalang ako sa labas ng bintana, mag-aalas-diyes na ng gabi, kinakabahan pa ako dahil naiwan si beshy sa hinayupak na si zinfandell, maya-maya tumigil kami sa isang di kalakihang bahay, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto agad na akong bumaba, nilibot ko ang mata ko may mga kapithbahay naman pala kami kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Follow me."

Humakbang ako at sumunod sa likod niya, madilim sa buong bahay niya binuksan niya ang pintuan at pag-apak niya sa loob nagbukas ang ilaw, bumungad saken ang mga antiques na gamit, simple lang siya pero masarap tirhan.

"Maupo kana muna diyan."

Umupo ako at tinignan ang mga nakasabit na picture sa may dingding niya, tumayo ako para tignan yon, napangiti ako ng makita ko na mga litrato nilang tatlo na puro nakangiti na halatang masasaya sila ditto.

"Tara may sa kwarto ko na ikaw magpahinga, may tatapusin lang akong mga papeles tapos kakain tayo ng hapunan sa labas."

Hapunan? Sa alas-diyes ng gabi? May bukas pa ba sa mga oras na yon? Tumingin ako sa kaniya na sa ikatlong baitang siya ng hagdan habang naka-pamulsa ang magkabila niyang kamay, daretcho lang siyang nakatingin saken. Hindi malamig ang tingin niya, yung mga mata niya para bang may sinasabi saken na hindi ko alam.

"Si-sige."

Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng dumaretcho ako sa may kusina hindi ko siyang nakitang sumunod sa likod ko, malakas ang kaniyang pakiramdam na hindi ako aalis sa bahay niya.

"What Are You doing?"

Napatalon ako sa gulat ng marinig ko siyang nagsalita sa may likod ko.

"Gagawa sana ako ng ka-kape kaso walang asukal eh."

"Oh? Misanan ko lang kasi gamitin ang bahay na ito eh, kaya hindi kumpleto sa gamit."

Lumapit siya saken at hinila ako, paakyat sa kwarto niya pagdating namin doon hindi na niya ako niyaya pang maupo agad na siyang umupo sa may higaan na nandoon, dahil sa hindi niya ako niyaya umupo nalang ako basta sa may sahig. Namuo ang matagal na katahimikan sa pagitan namin dalawa.

"Lumapit ka ditto."

"Huh?"

Tumayo ako at umusog siya ng kaunti, pagkaupo ko sa tabi niya nagulat ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Alam mo bang ayaw kitang nakikitang umiiyak? Na dulot ng takot na dala namin sa'yo, ayaw ko din nakikita kitang malungkot o kaya nasasaktan, gusto ko lagi kitang nakikitang nakangiti at ako ang nagpapangiti sa'yo, lahat gagawin ko kahit na kamuhian ako, yun ang napagdesisyonan ko. Pero masakit gusto ko kasi ako lang yung tumitingin sa'yo, gusto ko ako lang. pero hindi ko kaya."

GAME (Obsession, Posession, Desperation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon