♚ GAME ENTRY #39 ♚

1.3K 36 2
                                    


SAHTI NAKAHARA [POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SAHTI NAKAHARA [POV]

Hindi pa din maalis ang ngiti sa may labi ko, kaninang nag-usap kami Rum ay nalaman kong Parehas kami ng nararamdaman, kinilig ako-- pero kahit na sobrang saya ko ay hindi ako pwedeng maging sobrang masaya dahil baka mamaya may kapalit to ng disgrasya diba?

*TOK* *TOK* *TOK*

"BESHY? BEEEEESHY?"

"Besh? ang init-init nasa labas ka? kasama mo si Zin? Halika pasok ka."

Pinaupo ko muna si Beshy saka ko tinutok sa'kanya ang electric fan.

"Akala ko ba aapply ka ng trabaho?" 

Baka magtaka kayo sa kung paanong nalaman ni Beshy na aapply na ako ng trabaho? nakitawag ako dyan sa mga taga dito , nakigamit ng cellphone.

"Hindi na sana eh."

"HA? bakit naman?"

Napangiti ako ng maalala ko yung kanina.

"Eh kasi galing si Rum Dito--"

"OMO! OMO! OMO! Nagkabati na kayo?" Kinikilig pang tanong nI beshy sa'ken.

Umupo ako sa Tabi niya saka ko kinuwento sa'kanya ang mga nangyari kanina.

"KYAAAAAAAAA!! WAAAAAAHHH!! ANG SWERTE MOOOO GIRL!!"

"SHHH!! Take it easy!" Paghihinahon ko sa'kanya!

"Sorry naman, kinilig kasi ako eh HAHAHAHA!! Oh eh? anong oras ang date niyo?"

"Ewan baka siguro susundin ako dito?" nagkibit balikat lang ako.

"May susuotin ka na ba?" Huminga ako ng malalim saka ako umiling sa'kanya.

"Haayy naku!! Tara! ako na bahala sa susuotin mo!" tumayo siya saka hinawakan ang kamay ko.

"Pero-- sige na nga."

"Good. wait-- " Hinugot niya ang cellphone sa may bag niya saka siya nagsimulang mag-dial. 

"Babe? asan ka? puntahan mo kami dito sa bahay ni Sahti, pupunta kami ng mall-- No-no! you will come to me." saka siya ngumiti sa'men.

Maya-maya pa ay dumarating na si Zinfandell dala ang isang flashy car nila, seryoso ba siya? nasa pinas kami baka mahuli kami ng mga Pulis niyan dahil sa sasakyan namin?

"Tara na Beshy."

*MALL*

"Tara Beshy! Dalian mo!" Hinila niya'ko saka kami pumasok sa isang stall don.

"Ahm-- Mukhang mahal ata dito?"

"Akong bahala sa gastos! ano ka ba? tara pili ka'na ng damit mo."

GAME (Obsession, Posession, Desperation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon