♚GAME ENTRY #21 ♚

6K 175 7
                                    


Sahti [Pov]

"Beshy, Mauuna a-ako bibisitahin kita ulit diyan."

Tinulak ko lang ng kakaunti ang pintuan at doon ko dinungaw ang ulo ko, tinignan niya lang ako saka siya tumango, huminga muna ako ng malalim bago ko sinara ang pintuan, nakita ng mata ko si RedWine habang nakaupo, nakayuko siya sa mga palad niya kaya naman nilapitan ko siya nag-angat siya ng tingin saka siya ngumiti ng pilit saken.

"Kumusta?"

"Ok lang?"

Patanong niyang sagot saken, naawa ako sakniya nakita ko na talaga kung gaano ka-importante sa kniya si beshy, hindi ko man siya natulungan noon pero malakas ang pakiramdaman ko na mahal na mahal niya si beshy.

"Handa ka na bang ikwento saken ang nangyari bakit ganun nalang ang takot sa'yo ng kaibigan ko?"

Napatingin siya saken, nanlaki ang mga singkit niyang mata.

"Hindi ko pa kaya.. ."

Sa tingin ko malala ang naggawang kasalanan nitong si red wine sa kaibigan ko, napailing akong tumayo at nag-unat.

"Tara Kape tayo sa may baba."

Tumingin ako sa paligid hindi ko Makita si Gin, Teka? Bakit ko naman siya hinahanap? Umiling ako sa ikalawang pagkakataon, sabay kaming naglakad ni redwine. Kita mo ang pagod sa mukha niya iilang beses ko din siyang nahuhuling bumubuntong hininga.

"Oh, kape ka muna."

"Salamat."

"Magsabi ka lang saken Red, handa akong makinig sa'yo."

"Salamat."

Naging matahimik ang pag-inom namin ng kape, at hayun nanaman ang pag buntong niya ng hininga.

"Malapit na Malapit na ang pasko. Red wine. Anong regalo mo sa kaibigan ko?"

"Regalo? Ang lumayo sa kniya."

Napatigil ako sa pag-sip ko ng kape ng yumuko siya at halatang umiiyak dahil yumuyugyog pa ang kniyang mga balikat.

"Nakakapagod na eh, tao din ako sahti marunong mapagod."

"Ganun mo nalang ba siya susukuan?"

"Ginawa ko na lahat sahti, nakipaglaban na ako na kahit alam kong wala akong dalang bala kahit isa. Pinaglaban ko siya pero anong ginawa niya? She keep pushing me away na parang may nakakadiri akong sakit. I'm done pagod na'ko."

Damang dama ko ang bigat ng kaniyang pakiramdam. Kung pagod na siya wala na akong magagawa, tama naman siya tao din tayo at marunong masaktan at mapagod.

"Can i hug you for the last time?"

"E-eh?"

"Yayakapin lang kita ng mahigpit at ipapasa mo ito kay chicha."

"Bakit hindi nalang ikaw?"

"She's scared to me. Remember?"

Walang sabing-sabi na niyakap niya akong sobrang higpit dama ako ko ang sakit niya, naramdaman ko na nagging basa ang balikat ko, umiiyak nanaman siya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak, oo hindi ko man nakitang umiyak ang hinayupak na si lager! He has no balls! Iniisip ko na siya ang makakatulong saken sa paghabol saken ng magkakapatid.

"Salamat, by the way nakita mo na ba yung pitaka mo noon?"

Napatigil ako, oo nga pala bakit ngayon lang ulit pumasok sa utak ko ang pitaka ko, hindi ko alam kung saan siya nahulog, hayaan ko na yun pero kasi importante ang nasa litrato eh, sino ba yun? Siya yung taong makakatulong sana saken na kung sino ang pumatay kina mama at papa.

GAME (Obsession, Posession, Desperation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon