♚ GAME ENTRY #35 ♚

3.9K 97 9
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gin Takano [POV]

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Rum na yon agad siyang umalis kaya naman huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok ulit sa may loob ng Bar hindi ko alam kung ano ang gagawin niya besides hindi ako naniniwala na natapos na niya ang gusot niya, knowing Rousanne hindi yon agad susuko ng ganun-ganun lang.

Pumasok ako ulit sa may VIP room na kinuha ko at nagsimulang mag-iinom, Yung sinabing gagawin akong Option ni Sahti hindi ko alam pero may parte kong wag maniwala dahil alam ko namang si Rum na ang mahal niya kaya imposible ang sinasabi niya.

Huminga ako ng malalim para sa ikalawang pagkakataon, dalawang araw nalang ang natitira , nung unang sinabi niyang pag walang nabuo pakakasalan ako, nung una nag decide ako na kelangan ko talaga siyang i-ISI para wala siyang kawala saken pero nung sinabi niyang pakakasalan niya ako, umurong ang balak kong yon.

Tumayo nako at lumabas sa bar, sasakay na sana ako ng may mahagilap ang mata ko, It's CHICHA and ZINFANDELL!! Kaya naman sumandal muna ako sa may sasakyan ko at pinasok ang magkabilaang kamay ko sa bulsa, pinagmamasdan ko lang si Chicha na nakahawak sa may Tiyan niya habang si Zin naman ay nakaalalay sa may likod niya, matik na gumalaw ang mata ko pabalik sa bar na katapat ko, napangisi ako ng makita ko si Asti na nakatingin sa papalapit na sina Zin at Chicha pero mababasa mo ang lungkot sa mga mata niya, kaya naman nagdecide siyang isara nalang ang kurtina ng bintana kung saan siya nakasilip.

Ng mapadaan sila sa tapat ko napatigil sila.

"Oh, Gin?"

"Yo."

"Mukhang natakasan ka nanaman ni Beshy Ah? Tss. Alam niyo? Nakakapagod na kayo alam niyo yun? Ulit-ulit nalang ang Scenario niyong Magkakapatid, Kukunin siya ng isa tapos matatakas then makukuha ulit sa iba naman siya mapupunta, sakit niyo sa ulo."

Napangiti ako sa panenermon ni Chicha saken.

"Wala eh, ito na yung hobby namin."

"Ah—hindi ba nasa iyo si Beshy? Tapos natakasan ka? Ngayon naman na kay Brandy siya."

"Brandy?"

"Oo, ang alam ko sumunod siya sa Heaven Mall dahil doon ko kanina nakita si Beshy eh."

Hindi ko na nagawang magpasalamat agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinasibad papunta sa Heaven Mall, Anong iniisip ni Brandy? Ano? Walang idea ang pumapasok sa utak ko dahil ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang Makita kong muli si Sahti at wala ng iba pa.

Nakarating ako agad sa Nasabing mall saka nagmamadaling pumasok, agad kong nilibot ang buong mall pero wala akong Makita.

"Where the hell are you, Sahti?"

Bulong ko, para sa ikalawang pagkakataon nilibot ko ulit ang mall pero wala talaga akong makitang Sahti, Napaupo ako habang nakasabunot ang mga kamay ko sa may buhok ko kaya naman pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan.

GAME (Obsession, Posession, Desperation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon