Kabanata 16

20 0 0
                                    

"Ang bobo naman kasi, kung hindi ba naman isa't kalahating kalandian, nagkasakit pa. Tapos ngayon susuka-suka ka? Buntis ka na! Oh my goodness!"

"Hoy! Bobo! Hindi ka ba nakakaintindi na nakakain ako ng panis kagabi? Pahingi na kasi ng tubig!" sigaw ni Annie kay Maylene.

Hirap na hirap pa si Annie na maglakad dahil sa sobrang sakit ng kaniyang ulo at tiyan, ni hindi niya pa nga magawang buksan ang mata niya dahil sa pagkirot nito base na rin sa kanina niya pa inirereklamo. Inilapag ko muli ang hawak kong walis at saka uminom ng tubig. Ako ang pinakamaagang umuwi kanina kaya ako rin ang nagising ng maaga. Sabay kaming natawa ni Maylene nang sumuka ba naman si Annie.

"Buntis ka na girl! Yari ka," pang-aasar ni Maylene na minura lang ni Annie. "Ada? Puwede bang ikaw muna ang mag grocery ngayon? May pupuntahan kasi ako tapos tulog pa 'yong iba," sabi nito na nginitian ko lang.

"Sige, may bibilhin din ako, e. Ito lang ba lahat?" tanong ko nang iabot niya sa akin anh listahan ng mga kailangan.

"Yap! Ingat sa daan." Pangingindat nito saka niya ako iniwan sa kusina.

Medyo marami ang nasa listahan, pero hindi naman na bago ito sa akin dahil ako na talaga ang bumibili nang kusa noon. Nag-ayos na lang ako ng aking sarili, nagsuot lang ako ng pajama at manipis na t-shirt dahil mataas pa ang sikat ng araw.

Sobrang daming nagbago, hindi ko alam kung dahil ba naging abala ako sa sarili kong nga gusto kaya hindi ko alam na may nagbabago na pala. Nagbago na nga ata ako. Noon naman ay takot na takot ako lumabas at nagpapasama pa ako kay Jona noon, pero ngayon, mas gusto kong ako na lang ang mag-isa, kahit na medyo kinakabahan ako dahil sa mga taong nakakasalubong ko na madalas tingnan ang aking katawan... na hindi naman bago sa akin.

"Ano bang meron?" tanong ko sa aking sarili saka tinitigan ang imahe ko sa sasakyan na nakatigil sa gilid.

Wala naman akong dumi at maayos naman ang itsura ko. Nailing na lang ako at saka muling naglakad. Hindi ko na lang sila pinansin dahil mukhang alam ko naman na kung ano ang tinitingnan nila sa akin. Bakit pa ako mahihiya? Nakita na ng iba ang lahat sa akin, wala na ata akong kailangan pang itago.

Isang sipol ang narinig ko mula sa aking likuran, dinig ko ang ingay ng sapatos nitong mas lalong lumalakas habang papalapit sa akin. Ni hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kaya mas binilisan ko ang paglalakad.

"Matapos ang ilang beses na may nangyari sa atin, iiwas ka lang? Adaline Sanchez?" isang pamilyar na boses ang nagbigkas no'n kaya imbes na bumili ay bumagal ang aking pagkakalakad.

Bumagal hanggang sa magkapantay kami.

"Missed me, Ada? Bakit parang hindi ka makapaniwala na nandito ako?" tanong nito sa akin na hindi ko pa rin mai-alis ang aking paningin sa kaniya.

Kahit na anong maskara ang suotin ko ay may nakakakilala pa rin sa akin. Dahil may pagkakataong inaalis ng mga lalaki ang suot kong maskara sa tuwing may nangyayari sa amin.

"Magkano ba alok mo?" ngising tanong nito sa akin saka ako tumingin sa daan at binilisan ang paglalakad.

"Layuan mo na ako Erick—"

"Whoah!" natatawang anas nito saka hinigit ang aking braso. "Nasaan na ang Adaline na mahinhin noon? Ha? Alam mo Ada, kahit magkano puwede kong ibigay sa 'yo.' Dahan-dahan itong lumapit sa akin at saka sinadyang idikit ang labi sa aking tenga.

"Name your price again, then let's—"

"Ayoko nga! Bakit ba hindi mo na lang ako layuan? Ibang babae na lang ang alukin mo, Erick," mahina kong saad at pinipigilan ang sariling sumigaw na naman dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon