Kabanata 20

37 0 0
                                    

Halos dalawang oras lang ang inilaan namin sa pag-iikot, no'ng una kasi ay okay na kami, pero masyadong tahimik at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi naman niya ako kinikibo. Para bang may gusto siyang sabihin sa akin na ayaw naman niya.

"Dalawa po ate," sabi nito sa nagtitinda ng burger.

Napakunot pa ako dahil masyadong malaki ang tinda nila na in-order pa ni Gab. Kanina pa kasi kami nag-iikot at panay tingin sa paligid, literal na hindi talaga bumubukas ang bibig namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari, siguro ah hindi ako sanay. Tahimik naman kasi talaga siya, madaldal ako sa kaibigan niyang si Jack na hindi ko na napapansin ngayon.

"Here." Abot nito ng pagkain sa akin.

"Salamat," sagot ko.

At katahimikan na naman.

Malayon ang tingin niya na para bang nagdadalawang-isip kung kakain ba siya kasama ko. Napatingin ito sa akin at ako naman ang umiwas ng tingin. Mabagal kaming naglalakad, hindi ko alam kung mas papakiramdaman ko siya o ang kinakain ko.

Huminga ako nang malalim, saka siya nilingon. "May problema ba? Ang tahimik mo," sabi ko na hindi ko na lang siya nilingon.

Ramdam ko ang pagtingin niya sa akin. Pero wala akong ibang narinig kundi ang pagsinghap niya. Hinawakan nito ang aking kamay at saka marahang hinila.

"Let's have a seat here."

Naupo kami. Ngayon ay nakatitig na siya sa akin at halos ilang beses niyang isinuklay ang buhok niya gamit ang kaniyang mga daliri.

"Puwede ko bang malaman kung anong trabaho mo?" marahang tanong niya sa akin na hindi pa rin ginagalaw ang kaniyang pagkain.

Umiwas ako ng tingin. At saka muling ngumuya. "Waitress ako, roon sa may La Paz Food court," diretsong sagot ko na hindi pa rin siya tinitinganan.

Ewan, pero feeling ko kasi ay parang may mali. Kinakabahan ako. Napansin ko na lang ang daliri nitong tinatapik ang mesa nang paulit-ulit, hanggang sa maigapang ko ang aking tingin sa kaniya. Nakatitig ito sa akin at saka bahagyang ngumiti.

"G-Good for you. Ubusin mo na 'yan, tapos ihahatid na kita sa inyo," ngiting sabi nito na hindi pa rin ako mapakali.

Bakit naman? Bakit parang naiiling siya at ilang beses na tiningnan ang kamay ko. ang leeg at ang aking braso.

"Hindi ba magagalit ang asawa mo?" tanong ko.

Natigil ito sa pagtitig sa kung saan at saka nangunot. "What? Asawa?"

"Oo. Asawa mo si Ma'am Sunny, 'di ba?" tanong ko.

"N-Not like that. Mahabang kuwento."

"Puwede mong i-kuwento sa akin para naman may alam ako sa 'yo. Magkaibigan naman tayo 'di ba?"

Huminto siya. Perahas kaming natahimik. Magkaibigan naman kami dahil ganito rin ang ginagawa sa akin ni Sir Andrada, si Sir Jack na kaibigan niya. Mas madaldal nga lang iyon at halos ang dami kong natutuhan sa kaniya. Si Gab naman kasi, minsan madaldal, minsan nakakatakot at tahimik.

"Mag kaibigan?"

"Oo."

Suminghap siya. "Right." Ngumiti ito sa akin at sumilip sa relos. "Kailangan mo nang umuwi. Maybe next time? Let's go?"

"Sige."

Tumayo na ako at muling sumabay sa kaniyang paglalakad, naglakad lang kami. Hindi ko napansin ang kotse niya at mas lalong panay ang tingin niya sa akin.

"May gusto ka bang sabihin?" Hindi ko na napigilang magtanong dahil parang naiilang siya.

Ayoko pa naman ng gano'n. Mas gugustuhin ko pang lumayo kaysa pagtiisan niya akong kasama.

"Hmm, is your financial is stable?"

"Oo naman. May trabaho na ako," sagot ko.

"Okay. Just a waitress at La Paz?"

"Oo."

"Okay."

Nanatili kaming naglakad. Tinuro ko sa kaniya ang bahay na tinutuluyan ko na may kalakihan pero dahil nangungupahan lang ako ay kwarto lang ang meron ako. Mabuti na lang at ako lang ang mag-isa sa kwarto. Bawal kasi magpapasok ng iba lalo na kapag lalaki. Bawal sa amin iyon at puwede akong paalisin.

"Dito na lang siguro. Salamat. Ingat ka sa pag-uwi." Kumaway ako saka siya ngumiti.

Ipinasok ang mga kamay sa bulsa at saka tumango. "Good night, Ada. See you around."

At umalis na siya. Mabagal ang pagkakalakad niya bago ako nagpasiyang isara ang gate. Pumasok na ako at saka nahiga sa kama at hindi na tinitigan ang tseke na nasa bag. Inaalala ko si Gab, bakit gano'n siya makatingin? Bakit parang hindi niya ako kilala kanina?

Nang sumunod na araw ay hindi kami nagkita. Ilang beses niya akong t-in-ext pero tumanggi ako, hindi ako sumagot at ayoko munang makipag-usap, pakiramdam ko ay lagi akong pagod kahit na gusto ko ang ginagawa ko. Pero ang mga lalaki, ang iba ay nakatingin sa akin at itanggi ko man ay kilala ko sila. Binabayaran nila ako para serbisyuhan sila.

"Ada? Kung hindi mo kaya sa trabahong ito, puwede ka namang umalis na," sermon sa akin ng isang chef dahil aksidente kong natapon ang lalagyanan ng pasta.

Nagkamali pa ako ng pagkabigay sa costumer kaya halos pagalitan ako buong araw.

"Sorry po—"

"Ilang sorry na ba 'yan Ada? Kapag hindi ka pa umayos magsasabi na ako sa manager at ipapatanggal ka na namin," mariing sabi nito na tinanguan ko lang.

Tumalikod ako. Pinunasan ko agad ang aking matang namamasa. Hindi dapat ako umiyak dahil maraming nakatingin sa akin, maraming nakarinig ng sinabi ng chef. Napahiya ako.

Maaga akong pina-uwi at halos umikot ang paningin ko. Mas lalo akong napuyat dahil minsang pumapasok akong waitress sa club house, tip lang naman ang inaasahan ko roon, may kalakihan din kaya ayos na sa akin.

Ilang oras lang din kasi ang tulog ko. Tapos hindi pa ako masyadong makatulog. Bihira ko na lang din makumusta ang pamilya ko. Pagka-uwi ko sa bahay ay agad akong naglinis ng aking sarili. Kumain lang ako nang kaunti at habang nanonood ay napasilip ako sa selpon na bigla na lang umilaw.

Gab:
Are you okay? If you want someone to talk to, I'm here. Just text me.

Gab:
Can I call? Just reply here if you want.

Napaayos ako ng upo. Gusto ko ng kausap, pero parang ayaw ko rin. Nanatili akong nakatitig sa selpon hanggang sa nagdesisyon akong tawagan na lang siya, na agad niya ring sinagot.

[Hey, Ada.]

"Hi!" mahinang bati ko saka nahiga.

[You okay?]

"Oo naman."

[I guess you're not.]

Kumunot ako. Paano niya nalalaman? Sa tono ko ba? Nakita kaya niya ako na pinagalitan? Isa ba siya sa mga taong tinawanan ako kanina?

"Paano mo nasabi na hindi ako okay?"

Malalim ang paghinga niya. Narinig ko ang mahinang pag-ikot ng kaniyang upuan at ang pagsara ng pinto.

[I just felt it. I'll listen. You can tell me.]

Biglang kumalabog ang dibdib ko. Dahan-dahan akong napangiti at para bang nasagot ang panalangin ko na sana may makinig sa akin ngayon araw na makakausap ko. Pero si Jona. 'Yong mga sinasabi ni Jona sa akin noon, na huwag si Gab.

"Magpapahinga na kasi ako. Ibaba ko na. Goodnight."

[Oh. Right—]

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon