Kabanata 42

14 0 0
                                    

Maaga kaming nagising dahil darating ngayon si Lucy, tuwing MWF kitaan nilang dalawa pero dahil sabado ngayon ay pinagbigyan na ni Gab dahil na rin next week ay aalis na si Gab, hindi pa namin alam kung anong araw. Nagsuot lang ako ng maayos na damit at siniguradong maayos akong tingnan. Bumaba na ako ng kwarto at nadatnan si Gab na may kausap sa telepono, seryosong-seryoso ito na gusto man niyang sumigaw ah kinokontrol niya ang sarili siya dahil halata ang pagkuyom nito sa kaniyang kamao.

Hindi ko na lang siya tinawag at dumiretso ako ng kusina para makapaghanda ng pagkain, nasabi na rin naman kasi sa akin minsan ni Gab kung anong mga pagkain ang kinakain ni Lucy, mabuti na lang at may iba ritong mga ingredients. Hindi ko na lang pinakilaman si Gab dahil alam kong mainit ang ulo niya, mahirap din kasing magpigil ng galit lalo na't ayaw ko pa naman na masyado niyang tinatago ang nararamdaman niya na baka maapektuhan ang lahat.

Hindi rin nagtagal ay napansin ko ang presensya nito at saka lumapit sa akin. "Sunduin ko lang si Lucy. Is it okay if you cook—"

"Okay lang, ako na bahala," ngiting sabi ko saka muling bumalik sa pagluluto.

Tumango lang ito at hinalikan ako sa pisngi at saka umalis sa aking tabi. Kapag mainit ang ulo niya ay hindi ko siya tinitingnan ng diretso, aminado naman ako na una palang ay nasusungitan na ako sa kaniya, hindi ako sanay na nakikita siyang galit kaya hindi ako kumportable minsan.

Pinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa at nang matapos ay agad na hinugasan ang ilan sa mga ginamit ko. Nakangiting umalis ako sa kusina at saka pumunta agad sa banyo para mag-ayos ulit ng sarili. Ngayon ko na lang kasi ulit makikita si Lucy, ang huling pagkikita namin ay no'ng pumunta sila sa mall at nagpaiwan ako sa kotse, hindi ko naman iyon puwedeng hadlangan dahil kailangan nilang mag-ama ng oras.

Agad akong napangiti nang marinig ko agad ang boses ng bata, alam kong nariyan na sila dahil sa tawa ni Lucy na halos ngayon ko lang narinig.

"Daddy! It's my favorite! Thank you!" sigaw ni Lucy kaya nag-init ang pisngi ko.

Kurot ko lamang ang aking daliri nang magtama ang paningin namin ni Gab na tinanguan ako na para bang pinapalapit ako. Ngumiti lang ako sa kaniya at saka pumasok sa kusina at doon ko nadatnan si Lucy na sobrang tamis ang ngiti nito ngunit nagpalitan ng simangot nang magkatinginan kami.

"Hi! Lucy!" Kumaway ako ngunit tumingin siya sa daddy niya.

"Say hi to your Tita Ada, she cooks those for you," ngiting sabi ni Gab at tumingin na naman sa akin si Lucy.

"Thank you," pilit na sabi nito at saka naupo sa upuan.

Agad na inalalayan ni Gab si Lucy sa pagkain na gusto niya na halatang hindi siya interesado. Nakatingin lang siya sa akin nang masama at ako na ang kusang ngumingiti. Pero natigil iyon nang tumunog ang selpon ni Gab.

"Opss, sorry baby, I have to answer this. I'll be back," bulong nito at ngumiti sa akin.

Tumango lang ako saka sinundan siya ng tingin hanggang sa nawala sa paningin ko.

"Why are you always with my daddy?" masungit na sabi nitong nakataas ang kilay kaya ako napatingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil ayoko naman siyang masaktan kapag may sinabi akong kung ano. Bata pa siya, gusto ko kay Gab lahat magmumula kung may dapat ba malaman si Lucy. Ngumiti na lang ako at saka nanatili sa tapat niya.

"You said you are his co-worker, but why are you here again?"

"T-Tinulungan ko lang siyang magluto," ngiting sabi ko.

"But why are you still here? You can now go because it's already cooked."

Nanatili akong nakaupo. Hinabaan ko ang pasensya ko dahil bata siya. Ngumiti lang ako ngunit mas lalo lang sumasama ang tingin niya sa akin.

"Are you his mistress? Mommy said, you are a loser one and chasing my daddy, you even broke our family," mariing sabi nito saka siya tumayo at kinuha ang manika sa kaniyang tabi.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o masasaktan dahil ang bata niya pa at nasasabi na niya ang gano'ng bagay na sigurado akong si Sunny ang may gawa no'n, hindi niya dapat sinasabi ito sa kaniyang anak.

"Lucy? Makinig ka sa akin okay? Kung anuman ang sinabi ng mommy mo huwag kang maniniwala, puwede kang magtanong sa daddy m—"

"No! You hurt my mommy!" sigaw niya dahilan para kabahan ako dahil baka kung anong isipin ni Gab.

Pero akma sana akong lalapitan siya nang umurong ito at saka napahiga dahilan para tumama ang ulo niya sa sahig. Halos mataranta ako dahil doon kaya agad ko siyang hinawakan para tulungan sana kaso dumating agad si Gab na naunang hinawakan si Lucy.

"What happened?!" nag-aalalang tanong nito na hinihimas ang ulo ni Lucy at kinuha ang baso para painumin ang bata.

"N-Nadulas siya Gab," bulong ko habang pinipigilan ang panginginig ng kamay ko.

Wala pa ring tigil sa pag-iyak si Lucy na nakayakap sa dibdib ng tatay ni halos mamula ang mukha dahil sa inis at galit.

"No, daddy, she pushed me," sumbong nito dahilan para manlamig ako sa kinatatayuan ko lalo na nang tingnan ako nang masama ni Gab.

"Ada? Tinulak mo siya?"

"Hindi, hindi Gab, maniwala ka sa akin, umatras lang siya tapos nadulas siya—"

"Sinasabi mong sinungaling ang bata gano'n?" inis na tanong ni Gab para mas lalo akong kabahan.

Tuluyan akong natahimik at prinoseso ang mga nangyari kanina, halos hindi ko alam kung paano ipaliwang ang mga nangyari kanina. Agad na binuhat ni Gab ang batang si Lucy at narinig ko ang pagsara ng pinto. Alam kong umalis na sila sa condo ngunit hindi pa rin ako makagalaw, kita ko ang galit at gulat sa mga mata ni Gab kanina.

Hindi ko alam kung anong nangyari at basta na lang ako umakyat sa taas at magang-maga ang aking mata, hindi ko naman dapat na iyakan iyon pero sobrang sakit lang dahil hindi niya ako pinakinggan, hindi ko rin alam kung bakit kailangang idamay ni Sunny ang anak niya para lang makuha ang atensyon ni Gab para sa bata na hindi ko naman ipagdadamot.

Lumipas ang maghapon na nakatulog ako at paggising ko ay narinig ko ang agos ng shower sa banyo, alam kong nandiyan na siya kaya hindi ko na naman alam ang gagawin ko, kung kakausapin ko ba siya o ano. Pero wala naman akong ginagawang masama talaga.

Pinili ko na lang na lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina, naroon pa rin ang mga pagkain at may iba na kalahati na lang, kumain na siguro siya na hindi man lang ako ginising, araw-araw kasi ay sabay kaming kumakain, pero hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka sobrang gutom lang siya.

Umalis na agad ako sa kusina at saka nagdire-diretso sa pinto nang mahagip siya ng paningin ko na papunta rin sa pinto. Parehas kaming natigil, ngunit pinilit kong ngumiti at umiwas ng tingin at mabilis na pumunta sa pinto.

"A-Ano, lalabas lang ako, sandali lang ako," sabi ko sa kaniya at napansin siyang tumango.

"May bibilhin ka? Ako na lang, masyadong mahamog sa labas," sabi nito ngunit umiling ako.

"H-Hindi, ayos lang, ako na lang. Huwag mo na siguro ako hintayin baka mabagot ka," ngiting sabi ko saka siya tiningnan na titig na titig sa mga mata ko.

Agad akong napayuko dahil magang-maga pa naman ang mata ko, may sasabihin pa sana siya pero lumabas na ako. Nagmadali akong bumaba at hinanap agad si manong na nagtitinda ng isaw. Madalas kasi siya rito pero ngayon mukhang wala siya dahil gabi na rin. Kahit madilim na ay naglakad na lang ako dahil gusto ko ring libangin ang aking sarili, gusto kong alisin 'yon sa utak ko.

Hindi ko alam kung saang lugar na ako nakarating, basta't maraming tao rito at pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa. Pumunta agad ako bilihan ng mga isaw ngunit mas gusto ko ang mangga na may bagoong, masarap kasi ito lalo na kapag inulam. Dito na lang siguro ako maghahapunan, hindi rin kasi ako kumportable sa condo at baka pag-awayan pa namin ang nangyari kanina kaya ako na lang iiwas.

Okay lang naman ako parati, kapag may nagtatanong kung kumusta ako, sinasabi ko na lang na okay lang.

Na maayos kahit hindi naman.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon