Kabanata 29

16 0 0
                                    

"Ikaw na ang bahala rito kay Ada, babalik din ako after one week," pagbibigay alam ni Ate Calli nang ayusin niya kaniyang gamit.

Naupo ako sa sofa at tinitigan kung paano niya ayusin ang kaniyang sarili, kanina pa naman ako gising at nag-asikaso na lang ng gawain bahay dahil kami lang dalawa ni Maylene ang nandito, ang iba kasi ay may mga pinuntahan.

"Take your time lang tita, at saka sa trabaho lang naman kami later," sagot nito saka inilapag ang mangkok sa mesa.

Nakaramdam agad ako ng gutom at inayos ang aking upo, sopas iyon kaya hindi ko na tatanggihan.

"Anong sasabihin ko sa mama mo kapag nagtanong?"

Literal na napahinto ako dahil sa mga sinabi niya. Uuwi kasi siya sa probinsya at malapit lang ang bahay namin sa kanila kaya paniguradong kukumustahin ako ni mama sa kaniya.

"Sabihin ninyo po na saleslady ako sa isang mall tapos malayo ang bahay ko sa inyo, may boarding house ako gano'n tapos kasama ko puro estudyante, ikaw na lang bahala ate," ngiting sagot ko saka pinagtuunan ng pansin ang pagkain.

"Ikaw ang bahala. Oh siya, aalis na ako. Ingat kayo," sabi nito saka kami nilagpasan.

Kami na lang ang natira ni Maylene at napangiti pa ito sa akin. Halos isang taon na rin na nandito ako sa kanila, masasabi kong hindi nila ako pinapabayaan at tinuturuan pa sa ilang mga bagay. Sobrang kumportable ko sa kanila.

"Ibibigay ko na lang sa iyo ang birth control ko, since may isang bote pa naman ako riyan," biglang sabi nito.

Sinabi ko kasi sa kaniya na dalawang araw na akong hindi nakakainom no'n kaya nataranta at nagalit pa si Jona, mabuti na lang at hindi ko iyon pinaalam kay Ate Calli dahil hindi ko pa rin makalimutan kung paano magalit si Ate Calli noon sa isang kasamahan namin na nagbuntis. Ayoko rin na sabihin niya kay mama dahil malinaw ang usapan namin ni ate.

"Ikaw naman kasi! Bakit mo pinapadala sa kanila lahat? Akala ko ba ay medyo okay na roon? Magtira ka naman para sa sarili mo," saway nito saka inusog ang kape sa harapan ko.

Ngumiti lang ako. "Hayaan mo na, may makukuha naman ata ako mamaya dahil holiday ngayon, maraming mga tao," sagot ko.

"Ilang taon ka na ulit?"

"23," sagot ko.

"Ahh, mas matanda pa pala ako. Wala kang balak mag college?"

Ngumiti lang ako at umiling. "Wala na."

Minsan kasi, may mga bagay na mas kailangang unahin kaysa sarili.

"Ano bang pangarap mo? I mean, 'yong dream job gano'n."

"Flight Attendant," sagot ko.

Sa pagkakataong ito ay napangiti ako. Para akong sampung taong gulang na tinatanong kung anong gusto ko maging paglaki ko. Lagi kong sinasagot iyon kay papa noon at sinabi niya na magtatrabaho siya ng maiigi para mangyari ang gusto ko. Pero sabi niya lang iyon.

Napangiti si Maylene at saka humigop ng sabaw. Tumingin ito sa akin at saka tinitigan ang katawan ko na nanlaki pa ang mga mata. "Kung sabagay, bagay naman sa 'yo, sayang lang kasi ano? Ang hirap talagang maging mahirap, tapos sasabihin ng iba na kasalanan na natin once na mamatay tayong mahirap. Hindi ko lang ma-gets kasi bakit parang kasalanan pa natin e, hindi naman tayo binibigyan ng matinong trabaho, ang baba ng tingin sa mga high school graduate, tapos grabe na lang ang mga gastusin, mga responsibilidad na hindi naman tayo ang gumagawa dapat," mapaklang paliwanag nito habang patuloy lang sa kinakain.

Tama naman siya. Bakit kasalanan pa namin kung mamatay kaming mahirap, e, hindi naman lahat nabibigyan ng oportunidad?

"Hayaan mo na lang. Intindihin mo na lang ang sarili mo, hindi naman lahat ng sinasabi nila ay importante."

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon