Kabanata 49

20 2 0
                                    

Isa sa pinaka magandang desisyon na nagawa ko ay ang pagsama kay Annie rito sa kaniyang probinsya, para bang bumalik ako sa dati kong buhay kung saan presko ang hangin, nabibigyan ko ng oras ang aking sarili at mas lalo pang naghanda. Pakiramdam ko, binigyan ko ng halaga ang sarili ko sa mga taong tinalikuran ako... o baka sadyang hindi lang nila maintindihan ang kalagayan ko.

Ilang buwan na ang nakakaraan nang lumuwas kami rito, no'ng una ay sobrang hirap dahil parehas kaming walang pera, may ipon naman ako pero ayaw iyon kunin ni Annie dahil para na raw iyon sa pagpapaanak ko. Ang tanging bunubuhay sa amin ay ang pagluluto niya ng pagkain at ako ang nagtitinda, dahil marami daw ang mahilig kumain dito at malapit din kami sa dagat ay naging madali lang ang kumita ng pera, karaniwan sa niluluto ni Annie ay ang mga putaheng hindi pa nakikita rito sa La Union o bihira lang maluto.

"Punyeta talaga 'yang mga iba riyan, akala mo naman kung sinong magaling magluto," pandadaldal ni Annie.

Nailing na lang ako habang himas-himas ang aking tiyan, dahil nga halos lahat dito ay tabi-tabi ang tindahan ay naaagawan kami ng costumer, kaya minsan ay gumagawa na siya ng paraan para lang mahakot ang iba, kung minsan ay kaming dalawa ang nagtitinda at siya ang nagtatawag o nakikipagkuwentuhan, lalo na sa mga kalalakihan, hindi rin naman kasing maitatangging maganda siya lalo na't may lahi ito.

"Hayaan mo na, bawi na lang tayo bukas," sabi ko saka tumayo at lumakad na naman.

Ang sabi kasi ng matatanda dito ay kailangan kong sanayin ang sarili na lumakad nang lumakad para hindi ako mahirapan sa panganganak. Panay lang ang hawak ko sa aking balakang at minsan pa ay nahihilo na si Annie dahil sa akin.

"Bukas? Huwag na muna, ilaklak nila 'yang mga costumer na 'yan, at saka punta tayo sa bayan, bili tayo damit ni baby," nakangiting sabi niya na pumalakpak pa at napatingin sa malaki kong tiyan.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa aming dalawa ay siya mismo ang abang na abang sa paglabas ng bata, minsan, hindi ko alam kung concern ba siya sa akin o nang-aasar lag dahil masakit daw ang manganak, nakakamatay daw.

"Okay sige, tig-tatlong pares na lang siguro ng mga damit—"

"Bakit tatlo lang? Damihan na natin, kaya nga tayo nagtitinda para may ipon kay baby," nakangiting saad pa nito at nailing nang tingnan ako. "Huwag mo akong alalahanin okay? Never akong nanghinayang sa mga desisyon ko, at saka may bago akong natututuhan kung sakaling magkamali ako. Dati nga kapag may nabubuntis sa kasamahan namin, hinahayaan ko lang kung ipapalaglag nila o hindi, tahimik lang kami, pero alam mo 'yon? No'ng dumating ka sa amin, ang dami kong natutuhan, mukha lang wala pero meron talaga," nakangiting sabi nito saka ako tinalikuran dahil kumukulo na ang pangtanghalian namin.

Bigla akong nanlalambot sa mga sinabi niya.

"Grabe 'yong mga sacrifices na ginawa mo, never mong pinakitang pagod ka at nakikisama ka sa amin, never kang nagreklamo. Tuwang-tuwa ka na kahit sa maliit na halaga samantalang ako, hindi makuntento. May kutob na talaga si Jona na buntis ka dahil panay ang pagsakit ng katawan mo, kaya nga no'ng nalaman namin na buntis ka, hindi namin hinayaan na ipainom sa 'yo ang lintek na gamot na 'yon. Sayang kasi 'yong bata kung madadamay sa problema, asksidente man o hindi ginustong mabuo, nariyan na 'yan, kung tayo nga hindi naman natin ginusto na gano'n ang mangyayari sa buhay natin pero tinanggap na lang natin, ang bata pa kaya?" mahabang paliwanag nito.

Parang ibang Annie ang kaharap ko ngayon, hindi ako sanay na ganiyan siya magsalita dahil si Maylene ang naririnig ko na ganiyan. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil mas lalo akong naliwanagan, isa sa mga matatapang na babaeng nakilala ko ay si Annie. Lahat ng desisyon niya, wala siyang pinagsisihan.

"Oh? Kinabog na naman kita sa speech ko? Kalma, si Annie lang 'to." Parehas kaming natawa dahil sa sinabi niya na halos muntikan na siyang mapaso sa kawali.

Tinulungan ko na lang siyang maghanda ng pagkain sa mesa. Halos ang usapan lang namin ay tungkol kina Jona. Maayos naman daw sila sa Maynila at dalawang beses lang sila dumalaw sa amin dahil baka masundan sila ng pamilya ni Gab. Halos hindi ko pa rin maintindihan kung paano iyon nasabi ng mga magulang ni Gab. Kaya ba gano'n na lang kung bakit magmadali sina Jona noon? Noong una ay hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Jona dahil napaka-imposible.

Ngunit hindi niya kayang magsinungaling. Alam kong kaligtasan lang namin ng anak ko ang iniisip niya.

Walong buwan na ang lumipas mula nang umalis ako sa Maynila. Ewan ko kung nakalimutan ko na ang mga nangyari noon o sadyang pinagtuunan ko na lang ng pansin ang sarili at anak ko. Wala akong galit na nararamdaman sa kanila dahil wala naman iyon magandang maidudulot sa akin. Baka makasama pa. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong hindi papatalo si Sunny sa akin. Hindi rin por que kinalimutan ko ang mga nangyari noon ay papayag akong makuha nila ang bata sa akin.

"May relasyon ba si Jona at Jack?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagwawalis ko ng sahig.

Halos mahinto ako dahil sa pagtawa ni Annie at panay pa ang pag-iling. "Feel ko nga, mapapatay na ni Jona 'yang Jack na 'yan e. Alam ko naman na naging kaibigan mo si Jack, pero alam mo naman 'yan si Jona, walang exception, damay lahat kapag may kinalaman kay Gabriel Andrada," natatawang sabi nito na tinawanan ko na lang.

Hindi na lang ulit ako nagsalita, nag-asikaso na lang ako ng aking sarili at inayos ang mga dapat pang ayusin.

Kinabukasan ay gaya nga ng usapan namin ay pumunta kami sa bayan para bumili nga ng gamit ng bata. Dahil may kalayuan ang hospital sa amin ay tatlong beses pa lang anong nakakapag-check up. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na nang malaman namin na lalaki ang anak ko. Dismayado pa no'ng una si Jona pero ang halos ang iba sa amin ay tuwang-tuwa... huwag lang daw kamukha ni Gab na mas lalo kong ikinatawa. Bakit ba hindi na lang nila kalimutan ang nangyari noon?

Halos hindi ako magkanda-ugaga dahil sa dami ng mga damit at gamit ng bata na puwedeng gamitin, mura lang din ang mga gamit dito kumpara sa Maynila, pero dahil mga importanteng damit lang ang bibilhin  ko ay sapat na siguro iyon.

"Ada?" tawag sa akin ni Annie habang namimili pa rin ako ng damit.

"Bakit?"

"Hmm, kapag ba bumalik sa 'yo si Gabriel, tatanggapin mo?" tanong nito.

Sandali akong nahinto ngunit nagpatuloy ulit at saka maingat na ngumiti. "Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang, siyempre, at the end of the day malalaman at malalaman niya na siya nga ang ama at marerealize niya na mali siya. Tapos babalik siya para akuin ang bata, papayag ka ba?"

Sana nga ma-realize niya ang lahat, at kung babalik siya para sa bata okay lang sa akin. Ayokong lumaki ng walang ama ang bata. Dahil alam ko ang hirap.

"Oo, para sa bata papayag ako."

"Paano ka? I mean, mahal mo pa ba?"

Ngumiti lang ako at mahinang tumango. Kahit naman na gano'n ang nangyari, marami pa ring magagandang alaala na magkasama kami, ang pagpapakilala niya sa akin sa parents niya ay isa sa mahirap ka paraan at nagawa niya iyon. Siguro, naging magulo lang sa dulo kaya nangyari iyon.

"Paano kung inaya kang magpakasal? Papayag ka?"

"Hindi."

Natahimik kami.

Nangunot ito at saka napatitig sa akin. "Mahal mo tapos hindi ka magpapakasal?"

"Kung babalik siya para sa bata, okay lang sa akin. Mahal ko si Gab, at hindi por que alukin niya ako na magpakasal dahil magsasama ulit kami, ay kailangan kong tanggapin iyon. Ayoko naman na magpakasal lang sa kaniya dahil nabuntis niya lang ako."

May punto naman siguro ako.

Tinalikuran ko na si Annie at lihim na ngumiti. Ganito siguro 'yong pakiramdam na tanggap na lahat ng nangyari, na baka iba ang plano ng diyos sa akin, na baka kailangan ko muna mahalin ang sarili ko bago ulit sumubok.

O kahit huwag na lang.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon