Kabanata 40

13 0 0
                                    

Halos isang oras na akong nandito sa banyo dahil sa mga nangyari kanina. Sabay naming kumain ng tanghalian ang mga magulang ni Gab. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil halos wala akong ibang makita sa mga mata ng magulang ni Gab kundi ang pagkabigo.

Lalo na nang marinig nila kung ano ang trabaho ko. Para bang gusto nilang masuka dahil sino nga ba ang may gustong marinig iyon sa harap ng pagkain. Sinabi man ni Gab na tapikin ko lang siya kung gusto ko ng umalis, pero mas pinili kong manatili. Pinasok ko ito kaya kailangan kong tanggapin.

Halatang dismayado si Gab hanggang ngayon dahil sa pag-alis ng nanay nito na sinundan ng tatay ni Gab. Mas lalo pang nakakahiya dahil medyo maraming tao roon na mukhang narinig pa ng mga katabi namin.

"Ada? You okay? Kanina ka pa riyan." Kumatok ito nang mahina kaya ako napahawak sa tuwalya.

"A-Ah, oo, magbibihis lang ako," sabi ko saka sinuot ang damit na binili niya.

Pinunasan ko agad ang aking luha at saka  nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na agad ako ng banyo at nakita si Gab na nakasandal sa dingding na tumuwid ng tayo.

"S-Sorry, sobrang tagal ko." Ngumiti ako nang pilit at nag-iwas ng tingin.

"I-I'm sorry Ada for getting you in trouble," bulong nito at hinalos ang aking pisngi.

"Wala 'yon. Hindi naman maiiwasan ang gano'n. Ayoko rin kasing magsinungaling, mas lalo lang nakakahiya kasi iyon naman ang totoo," ngiting sabi ko ngunit wala siyang naging tugon.

"Just forget about that. Don't mind them, okay? Umalis na rin naman sila kaya walang makakagulo sa atin. Anyway, what do you prefer this night?" tanong nito kaya ako napalingon.

Hindi ko alam kung anong meron sa tanong niya at kung bakit ako napahawak sa aking hita, nang lakihan ko ito ng mata ay napaawang pa ito at saka napapikit.

"W-What I mean is, you want to swim? Or just rest?" pagbabawi nito.

"Swim? Since hindi ko pa nata-try mula nang pumunta ako rito sa Maynila," nakangiting sagot ko.

"But you know how to swim?"

"Oo naman," ngiting sagot ko saka siya tumango.

"For now... let's what? Hmm, rest?" Bahagya siyang pumunta sa likuran ko at paulit-ulit na hinalikan ang aking batok.

"Rest? Bakit ganiyan?" tanong ko saka siya natawa.

"Just rest." Inaya ako nito na mahiga at saka hindi humiwalay sa akin.

Gustuhin ko man magpahinga pero hindi ko magawa, parehas kaming nakatingin lang sa kung saan at nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang pipikit.

"Can't sleep, Ada."

"Ako rin," natatawang sagot ko.

"Hmm, let's talk about something. Like having a family," bulong nito kaya hindi ko maiwasang panlakihan siya ng mata.

Mas okay nga kung pag-uusapan ito pero hindi pa ako handa, twenty-three pa lang ako at sobrang bata pa.

"Anong tungkol doon? Mag-aanak na ba agad tayo?" tanong ko dahilan para mamula siya at saka napakurap. "A-Ah, hindi pala, ano, ang ibig kong sabihin, bakit natin pag-uusapan?" mahinang sabi ko saka lumayo sa kaniya nang kaunti.

Baka kasi kung ano isipin niya sa mga sinabi at tinanong ko. Wala naman akong ibang ibig sabihin, nagtataka lang ako kasi minsan kung anu-ano ang sinasabi niya.

Agad itong nausog palapit sa akin at saka mahinang kinagat ang aking balikat. "I don't do family... seriously."

Agad akong natahimik. E, bakit gusto niyang pag-usapan namin ito kung ayaw niya o wala siyang plano?

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon