Kabanata 43

15 0 0
                                    

Paggising ko pa lang ay bumungad sa akin ang isang maleta sa aking harapan, pero hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin dahil pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit at kirot, ni hindi ko rin magawang uminom ng gamot dahil hindi ako sanay, mas lumalala kasi ang kalagayan ko kapag iniinom ng gamot kaya tubig na lang parati.

Nag-asikaso na lang ako ng aking sarili, habang naliligo ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Medyo gabi na rin kasi at halos alas-onse na pala ako nakauwi, naabutan ko siyang naka-upo sa sofa at titig na titig sa akin, akala ko magagalit siya dahil gabi na, pero alam kong pilit ang ngiti niya sa akin kagabi. Hindi ko na rin siyang nagawang kausapin kagabi dahil bukod sa pagod ako ay ayokong sabayan ang inis o galit niya.

Nang matapos akong maligo ay nadatnan ko siyang nakatayo lang sa harap ng pinto at ngiting tumingin sa akin.

"Ada? I'm sorry about what happened last night, I ignored you and didn't listen," mahinang sabi niya saka ako niyakap.

Tumango lang ako saka siya tiningnan na halatang bihis na bihis na. Alam ko naman na  ngayon na ang alis niya dahil kagabi pa lang ay nag-impake na siya habang nagpapanggap akong tulog.

Humiwalay siya ng yakap saka ako ngumiti, at nilagpasan siya. "Okay lang, sorry din sa mga nangyari. Kahit naman magpaliwanag ako walang maniniwala sa akin," ngiting sabi ko na hindi ko pagsisisihang ilabas sa bibig ko.

Kitang-kita ko ang pananahimik niya. Nakakapagod din kasing saluhin lahat. Kung ayaw maniwala, hindi ko na lang pinipilit, ayaw ko na lang sabihin ang totoo kasi wala rin namang saysay.

"I know na hindi mo 'yon kayang gawin sa bata, pero hindi nagsisinungaling si Lucy sa akin—"

"Galit si Sunny sa akin, at posible din na sabihin ni Sunny ang mga bagay na iyon sa anak ninyo," kalmado kong saad saka siya nangunot.

"Let's leave it all from yesterday. Tapos na, nangyari na."

Nanatili akong nakatayo habang nagsusuklay ng buhok, pansin ko ang paglapit nito sa akin at ang mahinang paghalik sa pisngi. "I'm sorry, let's forget it. Don't be mad at me, aalis na ako oh," sabi niya na inilingan ko.

"Ihahatid pa ba kita?" pag-iiba ko ng usapan para hindi na mas lalo pang lumala.

Agad siyang umiling at kinuha ang suklay para siya ang tumuloy ng gawain ko. "Nope, rito ka na lang, wala rin maghahatid sa 'yo kapag pauwi na. You can visit your friends habang wala ako, and text me as much as you can, okay?" tanong nito na sinang-ayunan ko na lang.

Sa palagay ko naman ay wala na kaming masyadong problema kaya hindi ko na lang iniintindi iyon. Katulad ng sinabi niya ay hindi ko na lang siya hinatid, inayos ko ang polong suot niya na hindi maayos ang kuwelyo. Paulit-ulit din ito ng pagpapaalala sa akin na tumawag lang ako kapag may problema.

"I love you." Humalik ito sa pisngi ko.

"Ingat ka," sagot ko saka siya tumawa nang mahina.

"I'll buy a lot of pasalubong, I promise," sabi nito at saka ako ngumiti ng pilit.

Nang mawala na ito sa paningin ko ay isinara ko na ang pinto. Ni hindi ko alam kung bakit wala akong gana at sobrang sakit ng katawan ko. Nawalan ako ng gana pati sa pakikipag-usap.

Dumiretso na lang ako ng kwarto at saka nahiga muli. Inisip ko na lang ang mga puwedeng mangyari sa mga susunod na araw na wala akong kasama, hindi rin naman puwedeng nandito lang ako.

Hinablot ko agad ang selpon at saka tinawagan si Jona na agad niya ring nasagot kaya napangiti ako.

[Bakit? Anong nangyari?] bungad nito na hindi ko naman alam kung ano 'yong tinutukoy niya na nangyari.

"Punta sana ako riyan? Wala naman kasi si Gab dito, wala akong kasama, at saka baka madaanan ako ni Sunny, e," sabi ko.

[May pamasahe ka?]

"Meron."

[Sige, rito ka na magtanghalian, tawag ka kapag malapit ka na.]

"Salamat," ngiting sabi ko saka iyon ibinaba at inayos ang sarili.

Hindi kasi ako sanay na mag-isa kaya mas lalo akong naiirita na ewan. Nagdala na lang ako ng pera at ng selpon ko. Sinigurado kong patay na lahat at walang nakaiwang bukas. Sumakay na lang ako ng jeep at dahil isang sakay lang naman pero may kalayuan ay nag-tiis na lang ako, traffic din kasi.

Matapos ang halos trenta minuto ay nakarating na rin ako sa bungad, nag-iwan na lang ako ng mensahe kay Jona dahil paubos na ang load ko.

Wala pa man ako sa gate ay unang bumungad sa akin si Leni na may hawak na garbage bag at napakaway pa sa akin.

"Hala! Hindi mo sinabi na darating ka para masundo ka namin sa airport, ay teka nga, nasaan ba kasi ang maleta mo?" nagtatakang tanong nito na kinunotan ko.

Sa pagkakaalala ko ay ang alam lang nila ay pupunta ako sa probinsya para magbakasyon, hindi ko nga pala pinaalam ang nga nangyari.

"Ah, 'yong maleta nasa condo ni Gab," ngiting sabi ko saka siya tumango.

"Nagsasama na kayo?" gulat na tanong nito na tinawanan ko lang.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko agad si Annie na ngiting-ngiti sa akin at alam ko na ang madalas niyang bungad na mabuti na lang ay hindi niya tinanong. Nakangiti lang siya at titig na titig sa katawan ko at sinundan ako hanggang sa makapasok.

"Hoy Jona! Nandito na alaga mo!" sigaw ni Annie dahilan para tumakbo palapit sa akin si Maylene.

Hindi ito nagsalita pero alam kong maraming tanong sa kanilang mga mata, lalo na si Jona na kalalabas lang ng kusina. Ngumiti ito at saka inalok akong pumunta sa kaniya na sinunod ko naman. Naupo ako sa upuan habang naglalagay ito ng pagkain sa mangkok. Gusto kong mainis dahil titig na titig sa akin sila Maylene, Leni at Annie na hindi ko alam kung bakit.

"Oh, kain ka muna." Inilapag nito ang mainit na sabaw at kanin.

"Salamat. Nasaan pala si Ate Calli?" tanong ko.

Tumalikod na sa akin si Jona para ayusin ang ilang kalat sa lababo samantalang ang tatlo ay nakatitig pa rin.

"Ay, may pinuntahan na naman, naghahanap ata ng babaeng ipapasok. Anyway, kumusta ka naman? Kumportable ka ba sa condo ni Gabriel?" tanong ni Maylene na tinanguan ko.

"Okay naman. Maluwag tapos tahimik, safe naman doon."

"Anyway, ano bang dahilan mo bakit ka pumunta rito? I mean, welcome ka naman, kaso parang alam mo na, anything bother?" dugtong ulit ni Maylene na nginitian ko lang.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi tungkol sa mga nangyari nitong nakaraang linggo, okay kaming dalawa tapos biglang magbabago tapos okay na naman.

"Wala naman, nasa Singapore kasi siya dahil sa trabaho, e, wala akong kasama kaya rito muna siguro ako. At saka pinapaalis na rin niya ako sa trabaho," mahinang sabi ko sa dulong parte.

"Oh? Anong say mo?"

"Wala. Hindi na lang ako sumagot, baka mag waitress na lang ako at hindi tumanggap ng kahit na sino, para kahit papaano may kinikita pa rin ako."

Tumango sila. Nanatiling tahimik at ako naman ay pinagpatuloy ang pag-kain. Naupo sa tabi ko si Jona na may timplang mga kape na inilagay sa bawat harap namin.

"Hindi ka naman niya sinasaktan?" tanong ni Jona na ikinatango ko.

"Hindi naman, gano'n pa rin siya gaya ng dati," sagot ko.

Ramdam ko ang titig ni Jona. Ang tatlo ay nakikinig lang at nakatitig lang din sa akin.

"Simula pa lang kasi kayo. Pero kapag tumagal diyan mo makikita ang pagbabago ng isang tao—"

"Basher mo!" pagpuputol agad ni Annie.

"Nagbabago naman siguro pero hindi naman lahat ng tao," depensa din ni Len na ikinailing ni Jona.

"Depende pa rin naman 'yan sa 'yo, Ada. Kung may problema ka puwede mong sabihin sa amin, huwag kang mahiya, huwag mong kimkimin, bakas mas makatulong pa kami kaysa sa lalaking 'yon."

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon