Kabanata 39

14 0 0
                                    

"Kaya pala nag-asikaso agad, kasi may date si Mr. Andrada," bungad ni Sir Davela nang makababa kami sa kotse.

Dumaan kasi muna kami sa kumpaniya dahil may kukunin lang siya, ako naman ay nagpa-iwan na lang dito sa kotse  dahil baka mamaya ay maulit na naman ang nangyari noon. Halos kagabi lang din kami nag-impake na good for three days, hindi naman related sa trabaho ang pupuntahan namin kaya buong tatlong araw kaming magkasama.

Dahil wala pa si Gab ay lumabas na muna ako ng kotse para sana magbanyo, alam ko naman kung saan puwedeng gumamit dito dahil dito ako nagtrabaho noon. Inayos ko ang aking sarili, medyo okay naman na ang pakiramdam ko at hindi na inisip ang mga nangyari no'ng nakaraang araw. Tapos na iyon, mas gusto ko na lang pagtuonan ng pansin ang mga mga mangyayari pa ngayon sa buhay ko.

Lumabas agad ako ng banyo nang matapos at nakita si Gab na may bitbit na envelope, papasok na sana siya nang kinuha nito ang selpon at agad na lumayo sa kotse. Agad akong nagtago dahil papunta siya sa gawi ko kaya sumingit ako sa dingding na mas gilid ng kotse.

"Nag-usap na tayong dalawa, Sunny... lagi mo na lang dinadahilan sa akin si Lucy, why you can't approach her real father? Hindi mo kaya dahil sa magulang mo?... No, you are the one who's make this situation more difficult, Sunny— huwag mong idamay si Ada rito dahil wala kang alam tungkol sa kaniya."

Sinikap kong hindi marinig ang mga iyon dahil matapos niyang sabihin ang tungkol sa akin ay hindi na siya muling nagsalita, kahit naman na sabihin ni Sunny ang tungkol sa trabaho ko ay alam naman na iyon ni Gab. Wala naman na akong tinatago sa kaniya.

Napansin kong lumakad siya ulit pabalik sa kotse at ako naman ay mabagal na naglakad, napansin kong sumilip ito at sa loob at saka napabaling sa akin. Nang makalapit ako ay nangunot lang siya.

"Nagcr lang ako," sabi ko saka siya ngumiti. "Nakuha mo na?" pagbabago ko ng usapan dahil mukhang apektado siya sa nangyari kanina.

"Ah, yes. Puwede kang matulog dahil medyo malayo iyon. Hmm, song? You should try it," natatawang sabi nito dahil alam niyang mabilis akong antukin sa kanta.

Natatawang tumango na lang ako at saka siya nagpatugtog. Mahina lang iyon at mabagal kaya mas mabilis akong nakatulog.

Inabot ng alas-onse ang byahe, halos apat na oras din naging byahe dahil sa La Union pa ito. Unang bumungad sa amin ang hilera ng puno ng buko, sobrang sariwa ng hangin at dinig na rinig ko ang hampas ng along ng dagat sa bandang kaliwa na tanaw na tanaw ko.

Mahigpit na hinawakan ni Gab ang aking kamay at saka pumanhik sa loob, may isang lalaki na nakasunod sa amin na dala ang aming gamit at ang isang babae na inaalalayan kami sa daan.

"Here's your key ma'am, sir, have a nice day!" magiliw na bati ng babae sa harapan namin saka ako ngumiti.

Hindi masiyadong madilim at maliwanag sa loob, tanghaling tapat din kasi kaya mas okay ang ganito, dagdag init kung nakabukas pa ang mga pa-ilaw. Hindi ko alam kung anong klaseng design ang meron ang resort na ito, sobrang simple niya at gawa sa mga bato ang mga disenyo, gawa naman sa makikinis na muwebles at kawayan ang mga gamit.

Nang makarating kami sa kwarto ay mas lalo akong napangiti dahil bahagya pang sumasayaw ang mga kurtina dahil sa bintanang naka-awang nang kaunti, kitang-kita ko ang dagat mula sa terrace at ang kaunting tao roon.

"Tatlong araw lang tayo rito, baka magpa-extend ka pa," natatawang sabi niya.

"Kahit iwan mo na ako rito," natatawa kong sagot saka siya nailing at inilagay sa gilid ang gamit namin.

Hindi ko alam kung bakit mas gumaan ang loob ko. Nagmadali pa akong pumunta sa terrace at saka napansin ang mga ibon na nagliparan pa dahil sa pagdating ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang mahinang paghaplos nito sa aking braso at ang pagyakap pati ang pagsiksik sa aking leeg.

"We can stay here for one week if you want, I barely see that smile... resort lang pala ang sagot."

"H-Hindi ah! Ang ganda lang kasi," depensa ko agad at saka kami natawa.

"Mas maganda ka naman kaysa rito." Pangingindat nito kaya ako napailing.

"Kaya mas gusto mong nasa condo mo ako?"

Walang pag-aalinlangang tumango ito at paulit-ulit na hinalikan ang aking pisngi, napapikit na lang ako sa ginawa niya at saka napasimangot. Naalala ko 'yong sinabi ni Father na mas magandang kasal muna bago magsama, hindi raw kasi kinikilala ng diyos ang pagmamahalan ng mga taong nagsasama lang.

"Mas maganda kung kasal bago magsama," sabi ko saka siya napahinto sa paghalik.

Napabaling naman ako dahil doon at hindi ko alam kung akong itsura iyon.

"You want me to marry you?" tanong niya na agad kong inilingan.

"H-Hindi, ah. Ang ibig kong sabihin, mas magandang nagpapakasal muna bago magsama ang isang babae at lalaki, at saka for general naman 'yon," ngiting sagot ko saka nag-iwas ng tingin.

Kasal siya kay Sunny.

Kahit na akong gawin ko, kabit pa rin ako. Baka nga magbago pa ang isip niya sa akin kaya ayoko ring gumawa ng desisyon na puwede akong masira, na puwedeng masira ang pangalan niya.

May sasabihin pa sana si Gab nang tumunog ang selpon nito, tumingin siya sa akin at saka ako tumango at siya naman ang lumabas. Nanatili akong tumingin sa paligid, ang mga bata na tumatakbo sa dalampasigan at ang mga magkarelasyon na sabay na naglalakad.

Medyo swerte pa siguro ako ngayon dahil naranasan kong magkaroon ng lalaking kasama ko sa ganito. Natatakot akong magmahal pero wala namang masama kung susubukan ko. Ang sabi kasi nila, kung anong ginawa ng tatay, iyon din ang mangyayari sa  panganay. Ibig sabihin ba nito, iiwanan niya rin ako? Iyon kasi ang ginawa ni papa kay mama.

"Ada?" tawag nito kaya ako napalingon.

Lumapit ito sa akin at saka inayos ang aking buhok at mariin akong tiningnan. "My parents are here, I guess related sa work. They offered us to lunch with them. We'll go if you want," nakangiting sabi nito na may bahid na pag-aalala.

Agad akong napalunok. Hindi ko maiwasang matakot dahil sa magulang niya. Gusto kong tumanggi, pero ayoko rin namang mapahiya si Gabriel.

Dahan-dahan akong ngumiti. "O-Oo naman, okay lang," sagot ko saka niya hinalikan ang aking labi.

"Don't worry, sa tabi mo lang ako. If you feel uncomfortable, just tap me and we'll leave."

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon