Kabanata 30

23 0 0
                                    

Halos hindi ako makagalaw sa puwesto ko nang gawin namin iyon. Wala naman nangyari sa amin, hinalikan niya lang ako sa labi. Iyon lang. Pero pakiramdam ko ay parang may nangyari na sa amin. Siya lang ang kauna-unahang lalaking humalik sa aking labi. Karamihan sa mga lalaking nakakasama ko sa kama at literal na katawan ang habol sa akin. Alas-dyes na ng gabi at katatapos lang namin kumain, nandito pa rin kami sa mismong VIP room. Muli ko siyang pinagmasdan bang tumayo ito para ilagay sa lalagyan ang mga pinagkainan namin, may mainit na ring kape na kakatimpla niya lang din.

"What with that stare?" natatawang tanong nito saka ako tinalikuran.

"Sasabihin ko naman talaga sa 'yo 'to—"

"You are not obligated to tell me about your work. I mean it is your choice, who am I to refuse you?" sabi nito saka bumalik sa pagkakaupo sa aking harapan.

Napayuko na lang ako. Nilakasan ko ang aming loob na himasin ang sarili kong kamay at saka pinilit na ngumiti. "Nakakahiya ang trabaho ko," bulong ko pero wala akong narinig sa kaniya.

Hindi naman lahat ng trabaho eh, mukhang maipagmamalaki, kung alam ko naman na hindi marangal. Pero kasi trabaho. Trabaho lang.

"Ito ang trabaho mo mula nang umalis ka sa amin?"

Tumango ako. "Kailangan ko rin kasi ng pera eh. Kaya napilitan ako. Imposibleng makakuha ako ng pera na katumbas sa kinikita ko rito dahil high school lang ang tinapos ko."

"And your family... they didn't know?"

"Ang alam nila, saleslady ako."

Parehas kaming natahimik. Natigil ako dahil sa bahagyang pagtabi nito sa akin. Maya-maya pa naramdaman ko ang mainit nitong kamay na pumalibot sa aking baywang, ang paghawi nito sa aking ulo at isinandal sa kaniyang dibdib.

"Anong oras natatapos ang trabaho mo rito?"

"Madaling araw."

"Natutulog ka pa ba?"

"Depende."

Ang dalawang kamay nito na ngayon ay nakayakap na sa akin at mahinang tinatapik ang aking likuran. Mahina lang itong kumanta kaya unti-unti akong nakaramdam ng antok na sobrang aga dahil kadalasan at halos inaantok na ako kapag umaga.

"Gab? Anong oras ka aalis?" mahinang tanong ko.

"Why? Gusto mo na ba akong umalis?"

Tumingala ako sa kaniya at kitang-kita ang pagkunot niya. "Hindi naman. Pero kasi madaling araw na."

"I told you, sa akin ka ngayong gabi. Puwede naman na i-uwi na kita para makapagpahinga ka since sinabi sa akin na ako na ang bahala sa 'yo." Kumindat ito sa akin at saka humalik sa noo.

Bahagya akong nangunot. "Bakit mo ba 'to ginagawa?"

Tumahimik siya, ngunit nanatili ang mga mata niya sa akin at saka ako dahan-dahang inalis sa pagkakahiga sa kaniyang dibdib. Inayos nito ang buhok ko at inayos ang butones ng polong pinasuot niya sa akin.

"Because you are important to me, Ada. Masyado mong pinapagod ang sarili mo kahit hindi mo na kaya. You should take care yourself, because you deserve it." Ngumiti ito saka muling hinalikan ang aking ilong.

Nanahimik lang ako at hindi na nakapagpaalam kay Maylene, nagkatinginan pa kami ni Tonet na nanlaki ang mata bago kami tuluyang nakalabas ng club. Hindi malinaw kung saan niya ako dadalhin pero sumama lang ako sa kaniya. Wala pa namang madaling araw pero madilim na sa dinaraanan namin. Tahimik lang ako at pinipilit na magising dahil hindi ko pa rin alam kung saan niya ako dadalhin.

"Saan ba tayo pupunta?"

"My condo," sagot niya.

Tumango na lang ako hanggang sa huminto ang sinasakyan namin. Nang makababa ay tumambad agad sa akin ang mga naglalakihang building sa paligid namin. Naramdaman ko agad ang paghawak niya sa aking kamay at ang pagdiretso namin sa elevator.

"Ako na lang bahala magpaliwanag bukas kay Jona kapag hinatid kita," ngiting sabi nito na tinawanan ko nang kaunti.

"Bakit ka ba natatakot sa kaniya?"

"Hindi naman ako takot talaga. Gano'n lang talaga siya mula no'ng bata kami. Then, nakita ko siya kung paano niya muntik na sampalin si Jak no'ng araw na inaway ka ni Sunny. You know, you are lucky to have her." Natigil kami dahil sa pagbukas ng elevator.

Hinawakan niya agad ang aking kamay at may kung anong kinuhang susi sa bulsa, binuksan niya agad ang ilaw at saka bumungad ang maluwag nitong espasyo. Maayos ang mga gamit at halos kaunti lang din, may mga litrato roon na mukhang siya at isang family picture.

"Dito ka madalas na umuuwi?" tanong ko saka siya tumango.

"Yes. Depende kapag kailangan ako ng bata."

"Ang anak mo?"

"Anak ni Sunny," ngiting sagot niya saka ako iniwan sa sala.

Napatingin ako sa family picture na nasa harapan ko. Siya lang ang nag-iisang anak at mukhang strikto ang mga magulang, lalo na ang mama niya. Hindi ko alam kung bakit siya umalis sa pamilya niya gaya ng kuwento niya noon.

"Parents mo?" tanong ko nang makabalik siya na may hawak ng tubig.

"Yeah."

"Mukha silang masungit."

"Not really," natatawang sabi niya.

Ininom ko ang binigay niya at napansin kong titig na titig siya sa akin. Nang tingnan ko ito ay nag-iwas siya ng tingin at ngumiti nang kaunti.

"May problema ba?"

Kitang-kita ko ang paglunok niya at saka namula ang mukha. "A-Ah, I'm just attempted to— nevermind. Ihahatid na kita sa isang kwarto para makapaglinis ka ng sarili mo."

"Marumi ba ako?" Tinitigan ko ang sarili ko.

Napatitig siya sa akin at saka natawa. "Not that, I mean, ayaw mo naman atang matulog ng nakaganiyan? May mga damit naman ako rito and, okay na ba ang boxer sa 'yo?"

Tumango lang ako saka siya sinundan. Binuksan nito ang isang kwarto sa isang pasilyong sobrang linis. Bumungad sa akin ang malaking kama at ang mga gamit na nakaayos.

"Dito ako matutulog?" tanong ko na tinanguan niya. "Saan ka naman?"

Sabay kaming nagkatinginan at nangunot lang ito. "What do you mean by that?" natatawang tanong niya.

Bahagya ko pang kinurot ang aking kamay dahil hindi ko alam kung mali ba ang paraan ko ng pagtatanong o talagang may ibang ibig sabihin iyon.

"A-Ah, hindi wala."

"Kapag may kailangan ka, nasa kabilang kwarto ako. Good night." Hinalikan nito ang noo ko at pinilit akong ngumiti sa kaniya.

Nang marinig ko ang pagsara niya ng pinto ay roon lang ako nakahinga nang maluwag. Dumiretso agad ako sa banyo para makapaglinis ng katawan, tama lang ang laki ng Cr at kumpleto ang gamit, pati tuwalya ay naroon na din. Hinubad ko ang lahat ng suot ko kaya kitang-kita ko sa salamin ang kabuoan ko. Malayo na ang katawan ko noon, medyo pumuti at kuminis na ang aking balat dahil na rin sa ginagamit ko. Nagkalat ang mga nunal ko sa hita at sa aking tagiliran. Hindi ko naman masabi na payat ako pero gusto ko ang kurba ng aking katawan.

Pero agad akong natigil nang maalala kong wala pala akong damit, ni hindi ako nakahingi ng damit kay Gab kanina. Binilisan ko na lang ang pagligo at saka itinapis ang tuwalya sa aking katawan, agad akong lumabas ng banyo at nadatnan doon si Gab na hawak ang selpon at ang damit ay nasa kaniyang palad.

"Gab? Buti nandito ka, nakalimutan ko ang ano, 'yong damit," nakangiting sabi ko.

Napatingin ito sa akin at dahan-dahang inilapag ang damit sa dulo ng kama na malapit sa akin, kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya at ang pagngiti sa akin.

"Y-Yeah, ahm, I'll go now. Anyway, take a rest." Tumango lang ako at saka niya isinara ang pinto.

Agad akong napangiti. Lahat ng takot, kaba at inis ko ay nawala dahil sa mga nangyari ngayon, sobrang layo sa mga inisip ko noon at masasabi kong kahit papaano ay tanggap niya ako.

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon