Kabanata 33

16 0 0
                                    

"So you ready?" tanong ni Gab sa akin matapos ako ayusan ng kaibigan niyang babae para sa pupuntahan namin ngayong hapon.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon saka sumama sa kaniya papunta sa kotse. Inimbitahan kasi siya para sa isang event at ako ang kaniyang sinama, hindi puwede si Ma'am Sunny dahil na rin sa mas mahalagang meeting. Kabado na ako ngayon lalo na't ngayon lang ako nakapag-suot ng ganitong damit, halatang pangmayaman talaga dahil nga puro miyembro ng kumpanya ang naroon. Pati ang kaniyang magulang ay nandoon.

"G-Gab? Ano bang gagawin natin doon bukod sa pag-upo?" kinakabahang anas ko.

Napalunok na lang ako dahil sa biglang pagtingin niya sa akin.

"Ipapakilala kita sa parents ko—"

"Paano kung ano, kung ayaw nila?"

"Then don't. For formality lang naman ang pagpapakilala, hindi naman nakasalalay sa kanila ang desisyon ko," ngiting sabi niya na pinanghawakan ko na lang.

Kahit na kabado ay pinilit kong maging normal, puro mayayaman ang naroon at hindi imposibleng ako lang ang babaeng pinipilit na makibagay sa kanila. Hindi naman na bago sa akin ang pagsama sa kaniya dahil halos ako ang sinasama niya sa tuwing may event, pero hindi ganito kalaki. Napangiti pa ako dahil huminto na ang sasakyan, pinagbuksan ako ng pinto at saka inalalayang makababa.

Nakasuot ng black suit si Gab samantalang ako ay black Long gown, at dahil masquerade party ay bumagay sa amin ang maskarang suit namin. Siguradong walang makakakilala sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso hanggang sa tumambad sa amin ang red carpet.

"Just chill. Ako ang bahala sa 'yo." Parehas kaming ngumiti at saka kami naglakad na.

Maraming pa-ilaw at mga mayayamang taong nakakasabayan namin sa pagpasok, may ilan pang hindi ko maintindihan ang lengguwaheng ginamit at halos mahimatay ako dahil sa mga amoy nilang pinangligo na sa katawan, ang mga alahas na kanilang leeg at mamahaling tela ng kanilang suot lang ang nakikita ko. Pagkapasok namin ay tumambad sa amin ang napakalawak na lugar, nasa kabilang espasyo ang mga mesa habang nandito naman sa harapan namin ang mga gustong sumayaw o anoman.

"Good evening, Mr. Andrada and your lovely one," mahinhing bati sa amin ng nakasalubong namin.

"Good evening Mrs. Ybanez," bati ni Gab at ngumiti lang ako.

Nilagpasan lang kami no'n at may ilan pang bumati sa aming dalawa. Iyon naman ang sabi sa akin ni Gab na kahit ngumiti at tumango na lang ako ay okay na sa kanila iyon. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang dumikit sa kanila dahil sa sobrang ganda ng kanilang kutis.

"Let's go to our table—"

"Nandoon ba parents mo?" biglang tanong ko na ikinatawa niya.

"Nope. Kasama niya ang mga kaibigan nila, don't worry kasama naman natin ang mga kaibigan ko, they're nice. Okay lang na huwag mo silang kausapin since naikuwento naman kita sa kanila," bulong niya habang lumilihis kami ng direksyon palayo sa mga taong panay ang pagpapakilala.

Pagkapasok namin sa kabilang kwartong mas malawak pa ay tumambad nga roon ang mga taong nakaupo na sa mga bawat puwesto, may ilan na bakante pa. Napunta kami sa medyo gilid, may tatlong lalaki ang naka-upo roon na napakaway sa amin.

"Our couple," ngiting sabi ng isang lalaki na mukhang natigil sa pagkukwentuhan.

Inalalayan ako sa pag-upo ni Gab at saka ako napatingin sa tatlong lalaki, hindi sila pamilyar sa akin at mukhang hindi pa kami nagkikita.

"So, kami ba ang magpapakilala sa sarili namin o ikaw na mismo?" sabi ng lalaking katabi ko na mukhang mabait naman.

"Paul, Levi, Arthur. And this is Ada—"

An Innocent Courtesan | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon