Chapter VIII

582 27 7
                                    

Marami ang nangyari sa loob ng isang linggo na ibinigay ng ama ni Rio sa kanya. Halo araw-araw ay magka-sama si Rio at si Irene sa buong mag-hapon.

"Sama ka sakin bukas!" Naka-ngiting sabi ni Irene.

"Saan?" Tanong ni Rio habang may laman pa ang bibig.

"Nag-set ng lunch yng friends ko eh." Sabi ni Irene.

"Actually inaaya nga din ako ng mga friends ko, kaso tumanggi ako kasi mas gusto kita kasama." Natatawang sabi ni Rio.

"Loko ka talaga, mamaya di mo pa ko pinakikilala sa kanila galit na yung mga yon sakin." Natatawang sabi ni Irene sabay subo ng kanyang cake.

"Hindi naman, hayaan mo lang sila."

"Dun nalang tayo mag-kita."

"Sabay na tayo, dun nalang ulit tayo mag-kita sa BGC para dun mo nalang ipark yung sasakyan mo."

"Eh sa BGC nga tayo eh." Natatawang sabi ni Irene.

"Susunduin nalang ulit kita sa gate ng subdivision niyo."

"Wag na, para di ka na umikot."

"Ah.....basta, dun ako mag-aabang."

"Aba syempre alam ko namang hindi ka mag-papatalo eh."

Nang matapos silang kumain ay agad nang ihinatid ni Rio si Irene sa gate ng kanilang subdivision.

"Maganda nanaman ang ngiti mo ah." Sabi ni Imelda na naka-upo sa sala.

"Mommy, naman napaka-hilig niyo talagang mang-gulat ng daddy."

"So bakit nga ganyan ang ngiti mo?" Tanong ni Imelda.

Gustong-gusto mang sabihin ni Irene ang tungkol dito ngunit hindi pa niya kaya. Alam niya kasing posibleng ilayo siya ng kanyang mga magulang kay Rio kaya hindi niya ito msabi.

"Si Bonget mommy, anjan ba?" Pag-iiba nito.

"Nako wala, andon kila Anton."

"Si Ime?"

"Kasama ng Daddy mo, sila kumuha nung mga ipamimigay naming souvineers sa susunod na kampanya."

"Sa labas po ako mag-lunch bukas ha. Kasama ko naman po si Bonget." Paaalam ni Irene.

"Oo nabanggit na sakin ni Bong yan, kaso baa daw sumunod nalang siya kasi magpapa-sama naman sa kanya bukas ang daddy mo kapag nakipag-meeting sa kapitolyo."

"Ahh, mauuna na po ako kay Bonget ganon?"

"Oo, yun sabi niya eh."

Sagot ni Imelda tsaka na ito nagpa-tuloy sa kanyang ginagawang pananahi. Agad na din namang umakyat si irene dahil kanina pa niya nararamdaman ang kanyang teleponong nag vibrate at alam niyang si Rio na ang nag-tetext sa kanya.
_________________________________________________________________________________

"Bong, pwede bang ikaw na kumuha nung mga pie? Baka daw kasi di na makuha ni Anton." Natatarantang sabi ni Dawn.

"Oo sige." Sagot nito.

Love in the darkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon