Chapter V

602 27 4
                                    

Sa sobrang enjoy ng dalawa sa kanilang bakasyon at pag-takas sa katotohanan ay hindi na nila namalayan na bukas na pala ang balik nila pa-maynila. Tuwing umaga ay lagi silang nag-jojgging sa tapat ng dalampasigan at sa tanghali naman ay walang sawa sila sa pag-kukwentuhan habang nanonood ng kung ano-ano at sa hapon naman ay nag-aaral sila mag-surf aya ngayon ay sanay na sila pareho.

"Ayoko pang bumalik ng maynila." Malungkot na sabi ni Rio.

"Ako din naman, kaso namimiss ko na sila Daddy eh." Sabi ni Irene habang naka-sandal ito sa kanya.

"Isa to sa mga mamimiss ko kapag inupo na ko ng daddy sa kompanya."

"Bakit sa tingin mo ba hndi mo na to magagawa?"

"Oo, ilang kumpanya kaya ang hahawakan ko once na maupo na ko."

"Bakit ba kasi atat na atat ang daddy mong maupo ka don? Alam kong hindi lang naman ang pag reretiro at pag-sabak sa politika ng tatay mo ang dahilan eh."

"Well,     tama ka. Gusto niya kasing mag-asawa nako, kaso wala pa talaga yunng iniintay kong babae....kaya sabi niya, if wala naman akong balak mag-asawa, ako na ang mag-maneho ng kumpnya kesa naman daw ubusin ko ang kinikita niya sa pag-punta sa iba't ibaang lugar." Natatawang kwento ni Rio.

"Wala pa ba talaga?" Tanong ni Irene ngunit hindi io tumingin kay Rio.

"Meron na, kasso ayaw ibigay yung number eh." Pag-bibiro ni Rio.

Isang hampas naman ang nakuha ni Rio galing kay Irene.

"Sira ka talaga!"

"Bakit? Wala naman akong binanggit ah? Hindi ko naman sinabing ikaw? Paano kung yung receptionist pala yon dun sa hotel?"

"Ay oo nga pala, iba nga pala ngiti mo don." Sabi ni Irene na kungwareng nag-seselos pero ang totoo ay gusto niya talagang magalit kay Rio.

"Hindi biro lang, sa ngayon. Isang babae lang ang tinitingnan o at posible kong pakasalan." Sabi ni Rio habang naka-tanaw sa malwak na karagaan.

Sa dami. Ng kanilang nagiging kwentuhan ay madalang nila mapag-usaan ang tungkol sa kanilang mga personal na buhay gaya ng ganito kaya ibinalik nalnag nila sa tawanan ang kanilang pag-uusap dahil ayaw pa muna nila isipin ang mga mang-yayari sa oras na maka-balik na sila ng maynila.

"Parang ang sarap ng cake." Sabing bigla ni Irene habang paakyat sila patungo sa kanilang kwarto.

"Talaga ba? Sa ganitong oras cake ang hinahanap mo?" Natatawang sabi ni Rio.

"Mauna ka na, hahanap lang ako ng cake." Sabi ni Irene.

"Anong mauna? Halika sasamahan kita."

"Huwag na at mapapagod ka lang, mag-ayos ka nalang ng mga gamit mo para mabilis na tayo bukas."

Agad namang inangkla ni Rio ang braso ni Irene sa kanya. "Kung makikipag-alo ka pa sakin, wala ka na mabibiling cake. Kaya halika na." Sabi ni Rio at nag-lakad na pababa dahilan para mahatak si Irene.

"Nako ma'am wala na po talaga kaming cake." Sabi ng chef ng hotel na pinag-tanungan ni Irene.

"Wala na ba talaga kahit last piece? Kahit reject lang." pag-mamakaawa ni Irene.

Love in the darkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon