Chapter XX

529 28 3
                                    

Mabilis lang na nag-bihis si Imee at lumabas na siya agad. Pinag-masdan lang naman muna ni Imee si Irene mula sa pinto ng bahay ni Greggy habang nakikipag-tawanan si Irene sa mga kaibigan nito.

"Nauna pa siyang ikasal satin."

Halos mapa-talon naman sa gulat si Imee dahil kay Bong na biglang nag-salita sa kanyang likuran.

"Hay nako Bonget mamaya ka na mag-drama." Sabi naman ni Imee dito.

"Ako pa talaga ang mag-dadrama? Sino kaya ang naka-tanaw kay Irene at nag-gigilid ang luha?" Natatawang sabi ni Bong.

Agad namang nag-pahid si Imee dahil hindi na din naman niya namalayan na may luha na pala siya.

"Ay, oo nga pala. Parating na daw si pastor." Sabi ni Bong.

"Hay nako, papasukin mo na si Irene at baka pumasok na si Greggy." Sabi ni Imee.

Agad namang lumapit si Bong kay Irene at sa mga kaibigan nito at dali-dali na niya itong pina-pasok sa loob dahil baka nga naman pumasok na si Greggy.

"Nervous?" Tanong ni Bong dito habang naka-upo at inabutan niya ng tubig.

"Happy." Masayang sabi ni Irene pagka-inom ng tubig.

"I'm glad na masaya ka." Naka-ngiting sabi ni Bong.

Ibinaba naman ni Irene ang baso upang mayakap niya si Bong. Ngayon ay maga-yakap ang dalawa na para bang wala nang balak mag-hiwalay sa higpit habang pareho silang naluluha.

"Hindi na kita baby." Natatawang biro ni Bong habang nag-papahid ng luha.

"Hmmm, ako parin ang baby mo ano!" Sabi naman ni Irene.

"Irene, ayos na. Andiyan na si pastor." Sabi ni Dawn dito.

Agad naman ng lumabas si Bong at si Dawn upang pumwesto na din sila sa dapat nilang pwesto. Habang pumepwesto si Irene sa may pintuan na kurtina lamang ang naka-harang ay narinig na rin niya ang piano na pinatutugtog ni Dawn. Dahil sa tagal ng pagkaka-tayo ni Irene mula sa likod ng kurtina ay nag-tataka na ang lahat kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nag-lalakad o lumabas man lang. Gayon pa man ay tanaw parin naman nila si Irene na naka-tayo sa likod ng manipis at puting kurtinang naka-harang dito.

"Ako na." Mahinang sabi ni Bong kay Imee nang lilisanin na sana nito ang kanilang pinag-aabangan sa gitna.

Agad na tinungo ni Bong ang loob at itinigil na din muna ni Dawn ang kanyang pag-tugtog. Maya-maya pa ay lumabas na si Bong ngunit hindi din nito kasama si Irene na inaakala ng lahat. Pag-labas nito ay agad nilang napansin na hindi na ito naka-suot ng barong kaya naman nalungkot  na ang lahat dahil alam na nila ang ibig-sabihin nito. Agad na nilapitan ni Bong ang pastor at binulungan ito.

"No problem." Naka-ngiting sabi ng pastor habang tinatapik ang balikat ni Bong bago ito umalis.

"Anong nangyari?" Tanong ni Dawn kay Bong.

"Bro, puntahan mo si Irene sa loob." Sabi ni Bong kay Greggy na parang di narinig ang tanong ni Bong.

"Bakit? Ayaw niya ba----" naputol ang sasabihin ni Greggy dahil agad siyng inunahan ni Bong.

"Hindi, pero puntaan mo nalang siya kasi may sasabihin daw siya sayo. Tinaanong ko kung anong nangyari kaso ayaw niya mag-salita. Basta sabi niya, ikaw daw ang gusto niyang maka-usap." Paliwanag ni Bong.

Hindi na muling nag-tanong pa si Greggy at dali-dali na itong pumasok sa loob upang puntahan si Irene.

"Anong sabi ni Irene?" Tanong muli ni Dawn.

"Actually, hindi ko talaga alam. Pag-pasok ko kasi pinaupo ko lang siya sa sofa, tapos ayun na umiyak na." Kwento ni Bong.

"Wala ba siyang nabanggit sayo kanina?" Tanong ni Anton kay Dawn.

"Wala naman. Si ate Imee ang huli niyang kasama bago si Bong eh." Sagot ni Dawn.

"Eh nasan si Ime?" Tanong ni Bong.

"Pumasok kanina habang kausap mo si Irene, sumama daw ang tiyan eh. Hindi mo ba napansin kanina?" Tommy.

"Hindi, kasi pilit kong tinatanong si Irene kaso ayaw niya talagang mag-salita." Sabi ni Bong.

"Mabuti pa siguro, magsi-uwi na muna tayo. Balitaan niyo nalang kami kung anong nangyari." Sabi ni Small.

Agad namang ihinatid ni Bong ang iba nilang mga kaibigan sa labas at naiwan muna si Anton at Dawn sa loob dahil tutulungan pa nila si Bong at Liza na mag-ligpit ng hardin ni Greggy. Si Tommy naman ay naiwan din muna dahil hanggang ngayon ay iniinta niya parin si Imee.

"What?!"

Gulat na sabi ni Imee mula sa loob ng bahay ni Greggy na sapat lang upang marinig ng aat dahil malapit lang naman talaga ang sala ng bahay ni Greggy sa hardin lalo pa at naka-bukas ang pinto nito sa likod at manipis na kurtina lamang ang humaharang dito.  Agad namang nag-taka ang lima sa naging sigaw ni Imee kaya naman dali-dali nilang tinungo ang loob ng bahay ni Greggy kung nasan si Irene, Imee, at Greggy.

So short update muna para sa chapter na'to. Huwag ayong mag-alala at di ko naman kayo bibitinin dahil isasabay ko naman ang pag pub k neto para sa next chapter. Hindi ko kasi pwedeng isama dito yung next part kasi ma iispoil kayo kung sakaling maputol yung pag pub. Yun lang and belated Merry Christmas to everyone! Mag-iingat kayong lahat! Love y'll!










    

Love in the darkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon