Habang umiiyak si Irene ay naka-rinig siya ng katok mula sa kanyang pintuan. Hindi niya sana ito pag-bubuksan ngunit narinig niya ang boses ni Bong kaya agad siyang tumayo at pinag-buksan ito.
"Shhhhh." Sabi ni Bonget habang yakap ito at hinahagod ang likod ni Irene.
"Ayokong pumunta ng Hawii." Sabini Irene habang tuloy parin sa pag-iyak.
"Alam ko, pero wala na tayng magagawa." Sabi ni Bong.
Ilang minuto lang matapos siyang kausapin ni Bonget ay naka-tulog na din si Irene. Dahil nga alam naman ni Bong na pagod din ito ay muli na din siyang bumalik sa kanyang kwarto upang makapag-pahinga na din.
Habang tulog si Irene ay pumasok si Imelda dito dahil inutusan siya ni Macoy na siya na ang mag-handa ng mga gamit nito para sa pag-alis ni Irene bukas. Nang matapos si Imelda sa pag-aayos ng gamit ni Irene ay halos madaling araw na din at naisipan munang tabihan si Irenee habang naka-titig siya dito dahil alam niya na matagal na panahon muna ulit ang bibilangin bago sila muling mag-kita at magka-sama. Hanggang sa hindi na namalayan ni Imelda na dito na pala siya naka-tulog.
"Irene." Tawag ni Imee mula sa pinto ni Irene habang kumakatok ito.
Agad namang nagising si Irene at nagulat siya ng maramdaman si Imelda sa kanyang tabi. Hindi muna sana siya tatayo upang madama muna ang huling araw na gigising siya sa kanyang kwarto ngunit sadyang naririndi na siya sa katok ni Imee kaya pinag-buksan na niya ito ng pinto.
"Bilisan mo, nagagalit na ang daddy." Sabi ni Imee kaya nagising na din si Imelda.
"Sasama daw ba kami mag-hatid?" Tanong ni Imelda kay Imee habang nag-hihikab pa.
"Hindi na po ata mommy. Parang narinig ko po kanina na parang may meeting daw po ang daddy eh kasama po ata kayo don." Sabi ni Imee habang tinutulungan si Irene mag-hakot ng mga maleta. Nauna nag bumaba si Imelda upang puntahan si Macoy.
"Si Bonget?" Tanong ni Imelda kay Macoy.
"Nasa sasakyan na." Sagot ni Macoy.
"Walang balak magpa-alam?" Tanong ni Imelda.
"Wala."
"Daddy, htid ko lang si Irene." Sabi ni Imee habang dala-dala ang ilang maleta ni Irene.
"Irene wait." Pigil ni Macoy dito.
Tumigil lang sa pag-lalakad si Irene ngunit hindi ito lumingon kay Macoy. Nang maramdaman naman ni Irene na lalapit ito upang yakapin siya ay nag-patuloy na itong lumabas at hindi na binalingan pa ng tingin ang kanyang ama't ina. Ayaw mang gawin to ni Irene ngunit punong-puno ng sama ng loob ang kanyang kalooban, dahil maski kay Greggy ay hindi man lang siya nakapag-paalam o hindi man lang niya ito naka-usap dahil kinuha ng kanyang ama ang kanyang telepono.
"Ingat!" Naluluhang paalam ni Imee sa dalawa bago tuluyang paandarin ng kanilang driver ang sasakyan.
Maya-maya pa ay narating na nila ang airport. Agad silang pinalibutan ng limang bodyguard na pina-sama ng kanilang ama upang masiguradong makaka-sakay ang dalawa sa eroplano patungong Hawaii.
"Teka, teka muna.....Naiihi ako." Sabi ni Bong habang nag-lakad sila patungo sa gate kung saan nandon ang kanilang eroplao.
BINABASA MO ANG
Love in the dark
FanfictionPaano nila mapapag-patuloy ang kanilabg pag-sasama kung mismong pamilya na nila ang kanilang kinakalaban. Kakayanin kaya nila ang pag-subok na ito? A/N: lahat ng ito ay gawa-gawa ko lamang. Hindi ito ang tunay na ugali ng mga karakter na akong gina...