Chapter XII

547 26 4
                                    

Mabilis na lumipas ang mga linggo sa kanila. Halos hindi na din sila nag-kikita-kita dahil masyado na ding busy si ang apat sa kani-kanilang pangangampanya, habang si Irene naman ay busy sa kanyang pag-pipinta dahil mag-kakaron ng isang malaking exhibit na gaganapin sa Pinas at isa siya sa mag-bibigay ng anim na paintings. Halos kulang siya lagi sa tulog dahil madalas siyang nasa art studio niya. Kung minsan ay pinadadalhan nalang siya ng kanyang mga magulang at kapatid ng pagkain dahil nga madalang na din siyang umuwi at alam din nila na wala nang panahon pa si Irene para sa pag-luluto ng kanyang pagan. Kahit naman na gaanong ka-busy si Rio ay sinisigurao niyang kausapin si Irene tuwing may mga libre siyang oras. Kung minsan ay dadalan niya ito ng tanghalian at dito sla sabay manananghalian bago siya muling bumalik sa trabaho. Naging masaya at tahimik ang ugnayan ng dalawa maski na busy pa sila sa kani-kanilang mga ginagawa. Kung minsan ay may tampuhan ngunit hindi pumapayag i Rio na matulog silang dalawa ng may tampo sa kanya si Irene.

"Oo, naka-usap na namin si Bonget. Tutungo daw siya mamaya." Sabi ni Dawn habang kausap niya si Irene sa telepono.

"Hindi ko kasi sigurado kung kakayanin ko pang tumuloy eh." Nag-aalinlangang sabi ni Irene habang naka-higa ito sa sofa bed at may suot-suot na apron na punong-puno ng ink.

"Si Thirdy daw ba tutuloy?" Tanong ni Irene.

"Talagang sakin mo tinatanong yan?"

"Bakit hindi niyo pa ba siya tinatawagan??"

"Tinawagan naman na."

"Ano daw sabi?"

"Tutungo daw after ng office hours." Natatawang sagot ni Dawn. "Kaya sumama ka na, at andon naman ang jowa mo."

"FYI ano? Hindi ko siya jowa!"

"Huh?! Eh ano kayo?" Tanong ni Dawn.

"Wala, basta alam ko masaya kami.yun lang!" Sabi ni Irene.

"Ang komplikado naman niyan."

"Sa ngyon naman hindi pa naman komplikado kasi pareho pa. Kaming masaya, siguro pag may sumuko nalang na. Dun na siguro magiging komplikado."

"Ahh basta, pupunta ka mamaya."

"Dawn, gustuhin ko man, kaso hindi ko talaga alam kung kakayanin ko. Kaka-tapos ko lang ng huling painting, gusto ko muna magpa-hinga."

"Edi ibababa ko na tong tawag at may ilang oras ka pa para matulog at mamahinga." Sabi ni Dawn.

"Sige, pero ayokong magako ha."  Sabi ni Irene.

"Sige na nga. Mamahinga ka na muna."

Nang patayin ni Irene ang tawag ay hindi na siya nakapag-palit o kahiit mag-hugas man lang ng kanyang kamay na puno ng pintura dahil bigla nalang siyang naka-tulog. Kung hindi pa naka-ramdam ng gutom si Irene, hindi pa siya magigising. Pag-tayo niya ay agad muna siyang nag-liinis dahil napansin niya na napaka-dungis na ng kanyang buong katawan dahil sa mga pinturang ginamit niya. Nang matapos ay nag-hanap na siya ng pagkain ngunit sa kasamaang palad ay wala na siyang stock kaya naman kinuha niya ang telepono upang magpa-deliver nalang. Pag-bukas niya nito ay bumungad ang text ni Rio sa kanya.

"Alam kong pagod ka, kaya sa nag-text. Nalang ako para kung tulog ka pa, hindi kita magising. I'm on my way na kila Anton. If ever na magising ka at mabasa mo to at gusto mong pumunta, just call me para masundo kita. Love you."

Love in the darkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon