Chapter XXV

808 31 20
                                    

Masasabi naman ni Irene na naging masaya atmemorable at lalong sulit ang mga natitira niyang araw kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Kung noon ay araw-araw ang nagiging bisita sa kanilang bahay at nag-uuwian nalang tuwing gabi, ngunit ngayon ay haos hindi na sila nag-sisiuwian sa kkanilang mga bahay. Lalo na ngayon na halos hirap na ding gumalaw at kumilos si Irene dahil nalamon na ng kanyang sakit ang buong katawan niya. Dahil dito, minabuti ni Greggy na sa sala nalang sila matulog dahil dito sila laging naka-tambay kasama si ang kanilang mga kaibigan at ang magulangni Irene. Inayos nila ang mga gamit uppang maging maluwang ang salla ng bahay ni Greggy upang maging ang kanilang mga kaibigan ay kasama nilang matulog dito. Napag-usapan na ddin nila na sa darating na pasko ay dun sila sa bahay nina Irene. Si Imee naman ay dito na din umuuwi upang lalo pa nilang makka-sama si Irene. Lahat sila ay nahihirapang tingnan si Irene dahil halata kay Irene na pinipilit nalang nitong maging masaya at masigla ngunit sa loob ay hirap na hirap na din. Nanghihina sila sa tuwing makikita nila si Irene na nag-hihirap. Sa tuwing matutulog din si Irene ay dito na sila nag-lalabas ng mga emosyon dahil ayaw nila itong iakita kay Irene.

Ilang araw nalang ay ppasko na ngunit nangangamba pa rin sila dahil sa nakikita nila kay Irene ay hindi na it aabot ng pasko.

"Tito, hindi na po alaga maganda ang lagay ni Irene. Lalo na at hindi na din siya kumakain." Paliwanag ni Gonzales kay Macoy.

"So anong maganda?" Tanong ni Macoy.

"Siguro it's best na sa ospital na siya, para kung dumating man sa point na dun na talaga, hindi na siya mahihirapan." Sabi ni Gonzales.

"Hindi ba pweden dito nalang siya? Kahit kumuha ko ng personal nurse niya." Sabi ni Greggy.

"Greggy, mahirap ang gusto mong mangyari. Dadating sa point na posiblenng hindi na siya maka-hinga at kailangan natin siyang lagyang ng oxygen. Dahil din hindi siya kumaain, kailangan nating padaanin to sa ilong niya. Pwede, pero uunahan ko na kayo..... hindi magiging madali ang mga susunod na araw para kay Irene at para sa inyo. Magiging torture ito sa kanya at sa inyo."

"Sige, pag-uusapan nalang muna namin." Sabi ni Imelda dito.

"sige po, mauna na po ako." Sabi naman ni Gonzales.

"Tito, alam kong gusto niyo siya sa ospital.... kaso gusto ni Irene na sa bahay mamatay eh." Naluluhang sabi ni Greggy. "Ibigay na natin sa kanya yon."

"Hindi ako ang masusunod dito, tanungin nalang muna ulit natin siya." Sabi naman ni Macoy.

Pag-pasok ng tatlo ay pinipigilan nilang wag na munang umiyak dahil nag-tatawanan ang mag-kakaibigan sa loob dahil pina-tatawa nila si Irene. Sinabihan naman ni Greggy ang kanilang kaibigan na kakausapin muna nila si Irene kaya naman iniwan muna sila nito. Sa itsura palang nila Macoy ay alam na agad ni Irene na hindi na din maganda ang sasabihin nito.

"Pipilitin kong umabot ng pasko, tutal halos isang araw nalang din naman oh." Sabi ni Irene habang nag-pipigil ng luha. "Bukas, umuwi na tayo dun sa bahay, pra dun na tayo kumain sa pag-salubong." Sabi ni Irene. "Nahihirapan na din ako, pero kakayanin kng umabot." Sabi ni Irene habang nag-pupunas ng luha.

Hindi na nag-salita si Imelda at agad na niyang niyakap si Irene na naka-upo sa kama. Hindi na rin naitago ni Greggy at Macoy ang kanilang mga luha at kalungutan kya naman pati sila ay naiyak na din.

Love in the darkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon