A/N: so baka lang maguluuhan kayo. Yung scene na to is kasabay mismo nung scenemag-mula nung pumasoksi Greggy sa loob para kauapin si Irene.
__________________________________________________________________________________"I'm Sorry." Umiiyak na bungad ni Irene.
Agad naman itong nilapitan ni Greggy at dali-dalig niyakap.
"Ano bang problema?" Tanong ni Greggy dito.
"Huwag mo sanang isipin na ayaw kitang pakasalan" sabi ni Irene habangnaka-yakap parin kay Greggy at patuloy sa pag-iyak.
Hinahagod naman ni Grreggy ang likod ni Irene dahil hindi ito tumitigil sa pag-iyak.
"No, hindi ko naman iniisip yon. I just want to know if anong nangyari? Nabigla ba kita?"
"No, no. Hindi yun yung rason." Sabi ni Irene tsaka ito humiwalay ng yakap kay Greggy.
"So anong rason?" Tanong ni Greggy sabay abot kay Irene ng tubig.
Agad naman munang nag-punas ng luha si Irene at tsaka nito ininom ang tubig. Nang mahimasmasan ay muli siyang nag-salita.
"I want to marry you, but....."
"But?"
"Ayokong maiwan ka."
"Maiwan? Anong maiwan? Aalis ka?" Naguguluhang tanong ni Greggy dito.
"Remember the time na sinabi ko sayo na kaya ako nahilig mag-travel ay dahil gusto kong lumayo sa politika at publiko?"
"Yeah. Wala kong kinalimutang kahit ano sa mga sinabi mo mula nung magka-kilala tayo."
"Well, that's one of the reason lang kung bakit lagi akong nag-pupunta sa iba't ibang lugar."
"And?"
"A few years ago, nag-apply ako sa isang company. Nag-request sila ng medical, so nagpa-medical ako. So nung bumalik ako for the results, nalaan ko na I have breast Cancer. Stage 2 at that time, actually going stage 3 na daw."
"What?!" Sabi ni Imee na kalalabs lang ng banyo.
Nagulat naman si Irene dahil buong akala niya ay silang dalawa lang ni Greggy ang tao sa loob.
"I was about to ask if ako lang ba ang di nakaka-alam, but I guess nobody knows?" Tanong ni Greggy.
Tumango lamang si Irene dito bilang sagot.
"Anong nangyari?" Tanong ni Bong. Nahinihingal pa dahil tumakbo ito mula sa hardin papasok, kasama sina Dawn.
"And yet, hindi mo man lang kami sinabihan?" Sabi ni Imee habang naluluha na din.
"Manang..."
"Ano ba gusto mo? Malalamn nalang namin kapag patay ka na?!" Galit na tanong ni Imee habang may luha.
"Oo! Kaso nag-iba ang mga plano ko, dumating si Greggy."
"Teka nga! A-anong mamatay? Bakit mamatay?" Tanong ni Bong.
BINABASA MO ANG
Love in the dark
FanfictionPaano nila mapapag-patuloy ang kanilabg pag-sasama kung mismong pamilya na nila ang kanilang kinakalaban. Kakayanin kaya nila ang pag-subok na ito? A/N: lahat ng ito ay gawa-gawa ko lamang. Hindi ito ang tunay na ugali ng mga karakter na akong gina...