Chapter XI

540 29 5
                                    

"Irene tara na!" Tawag ni Rio dito habang kinakkatok ang pinto.

"Sige, sandali lang."

Nang matapos siyang mag-bihis ay agad na din siyang lumabas dahil tutungo na sila sa Vigan. Hindi naman ito ganong kalayuan kaya naman mabilis lanng din nila itong narating.

"Oh saan tayo?" Tanong ni Bong.

"Dun tayo sa Crisologo, at nang maexperience naman nug tatlo yung pinag-gagawa natin dito noon." Sabi ni Imee.

"Ohh, tara." Aya ni Bong tsaka nito hinawakan kamay ni Lizza habang nag-lalakad.

Ganun din naman ang ginawa ni Tommy sa kamay ni Imee dahil tatawid sa kalsada. Hindi man hinawakan ni Rio ang kamay ni Irene ay alam ni Irene na naka-alalay lang ito sa kanyang pag-tawid. Habang ang apat ay nag-lalakad-lakad si Rio at Irene naman ay naka-upo lang sa isang tabi habang nag-kukwentuhan at nag-tatawanan.

"May sariling mundo talaga yung dalawang yon." Napapa-iling na sabi ni Imee.

"Sinabi mo pa." Natatawang sabi ni Liza.

"Ganyan sila nung nag geto together kami nung saturday." Sabi ni Bong.

"Well, atleast masaya si Irene." Sabi ni Imee.

"That's why, hinayaan ko na." Sabi ni Bong.

"Sila na ba?" Tanong ni Tommy.

"Hindi." Sabi ni Liza sabay tirik ng mata.

"Hmmmm, wwalaang label yang dalawa na yan. Gusto lang talaga nilang maging masaya." Sabi ni Imee.

"So walang assurance si Irene na hindi siya iiwanan ni Thirdy?" Tanong ni Tommy.

"Parang ganun na nga, edi iyak nalang kapag iniwan." Sabi naman ni Imee.

"Pero Ime, sa itsura ni Thirdy? Mukang hindi niya iiwan si Irene. Edi ginera ko din siya kapag nagka-taon." Sabi naman ni Bong. "Sa Siargao lang, kung tutuusin.... pwede niyang iwan si Irene, pero nag-stay siya. Partida pa yon, hindi pa niya alam non na kapatid ko si Irene."

"Sa bagay, may point ka naman." Sabi ni Imee tsaka na siya nagpa-tuoy sa pag-lalakad.

"Hoy, ano ba kayong dalawa? Wala ba kayong balakk kumain?" Sigaw ni Bong kay Thirdy at Irene.

Agad namang tumayo si Irene at Rio at dali-daling nag-unahang tumungo sa kinaroroonan ng apat. Isang kainan naman sa rooftop ang kinainan nila na punong puno ng mga warm lights sa paligid. Napaka-relaxing at napaka-tahimik ng lugar na ito kaya naman tuwang-tuwa sila.

"Kinasal na pala si Dawn at Anton?" Gulat na tanong ni Imee habang na kumakain.

"Huh?" Tanong ni Irene.

Ngumuso naman si Imee sa Tv sa loob at agad silang napa-tingin.

"Akala ko ba sa isang buwan pa?" Sabi ni Irene.

"Kaya nga eh, hindi ba abay kayong lahat." Sabi ni Imee.

Hindi nila alam ang naging dahilan dahil hindi naman nila dinig ang sinasabi ni Anton habang nagpappa-interview ito dahil malayo ang Tv at hindi na ito masyadong dinig sa may gawi nila.

Love in the darkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon