Pagka-gising ng dalawa ay agad na silang nag-bihis dahil naririnig na nila ang iba nilang mga kaibigan sa may tabing dagat na nag-iingay na. Naka-suot lang naman si Irene ng isang simpleng dress at as usual ang kanyang araw-araw na accessry, ang singsing at bracelet na bigay sa kanya ni Greggy.
"Tara?" Aya ni Liza sa kanya.
Agad naman na silang lumabas at agad na pumunta si Liza sa kinaroroonan ni Bong at ganun din naman si Irene. Nagulat naman si Greggy ng yakapin siya mula sa likodni Irene dahil nga naka-tulala lang ito sa isang tabi habang may hawak na bote ng beer at naa-tanaw sa dagat.
"Tara don." Naka-ngiting sabi ni Irene.
Agad namang sumunod si Greggy kay Irene dahil si Irene lang din naman ang iniintay nito. Agad slang pumunta sa kanilang mga kaibigan na nanunuod ng mga nag-peperform sa beach kung saan madami ding nanunuod na mga tao. Habang nanunuod sila ay naka-alalay ang isang kamay ni Greggy sa balakang ni Irene dahil ang iba ay nag-kakatulakan na. Nang matapos ang performance ay agad na silang bumalik sa tapat ng rest house ni Anton, ngunit dahil nga hindi pa naman kakain ay tumayo muna ang dalawa sa isang parte ng dalampasigan kung saan inaabot lang ng tubig ang kanilang paa.
"Dance with me." Naka-ngiting sabi ni Irene habang ibinababa ang bote ng beer na hawak ni Greggy.
Natawa lang naman si Greggy kay Irene dahil nag-umpisa na itng kumembot.
(Sana naiimagine niyo jusko.)
"Bakit mo ko tinatawanan Mr. Araneta? Bakit hindi mo na ba kayang sumayaw?"
Agad namang sumabay si Greggy sa sayaw ni Irene at pinaiikot niya pa ito.
"Ano? Kulang pa ba yan?" Tanong ni Greggy.
Natawa naman si Irene sa sinabi ni Greggy at nag-patuloy sila sa kkanilang pag-sayaw.
(Basta yan yung parang chacha or salsa? If familiar kayo sa Chrdawn or kay Lucy at Goma, yan yung madalasnila sayawin. So sana maimagine niyo kasi mamatay na talaga ko sa kilig dine.)
"I love how your cousin makes my sister happy." Naka-ngiting sabi ni Bong habang naka-tanaw sa dalawang sumasayaw at may malalaking ngiti sa mga labi.
"Well, same." Sabi ni Liza na hawak ang kamay ni Bong.
"Mas sweet talaga yung walang label." Sabi naman ni Philip na nasa tabi lang din nila.
"Edi sana pala hindi nalang muna kita sinagot." Pag-bibiro ni Small.
"Bakit kaya din naman kita isayaw ng ganyan ah." Natatawang sabi ni Philip.
Nang mapagod naman ang dalawa sa kakasayaw ay agad na siyang niyakap ni Greggy agad din namang yumakap si Irene dito na halos ayaw ng kumalas. Kaya naman dahan-dahang nag-sway si Greggy na mulig sinabayan ni Irene habang magka-yakap ang dalawa.
"How I wish na ganito tayo lagi, everytime na uuwi ako from work." Bulong ni Greggy sa tenga ni Irene.
"Soon." Sabi ni Irene at muling hinigpitan ang yakap nito kay Greggy.
"Dinner is served!" Sigaw ni Anton.
Agad naman silang nag-punta sa may lamesang ihinanda ni Dawn at Anton kung saan sila kakain. Sumunod din naman si Greggy sa likod ni Irene dahil iniwan siya nito gaya ng lagi nitong ginagawa sa kanya.
"My dear lord! Ang sasarap!" Sigaw na sabi ni Small.
"Hinay-hinay lang Smally." Natatawang sabi ni Dawn.
Agad namang ipinag-hila ni Greggy si Irene ng upuan nito bago siya naupo. Nang maka-upo na ang lahat ay agad na silang nag-umpisang kumin habang nagkukwentuhan.
"So bukod sa birthday ni Anton, may isa pang dahilan kung bakit tayo nandito." Masayang sabi ni Dawn.
"Ano?" Philip.
"Imposible namang wedding anniversary niyo." Sabi naman ni Small.
"Dawn and I are expecting a baby!" Masayang sabi ni Anton.
Lahat sila ay binati ito sa sobrang tuwa.
"Ikaw ha, lagi mo talaga kaming nauunahan." Sabi ni Irene kay Dawn.
"Edi sumunod na din kayo at ng sabay-sabay na lumaki ang mga anka natin." Natatawang sabi naman ni Anton.
"Hoy, tigilan niyo yan. Gusto ng daddy kasal muna." Sabi ni Bong sabay subo ng kanyang steak.
"Ayun naman pala. Pakasalan mo na kasi Greggy." Sabi naman ni Anton.
Nagulat naman si Dawn, Liza, at Small sa sinabi ni Bong dahil alam nila na gusto nang pakasalan at niyayaya na ni Greggy si Irene na magpa-kasal.
"Label ng wala, kasal pa kaya?" Natatawang sabi ni Bong.
"Paano kung ayain ni Greggy na magoa-kasal?" Tanong ni Liza.
Natahimik ang lahat dahil iniintay ang magiging sagot ni Bong habang si Irene ay nagpa-tuloy lang sakanyang pagkain na parang hindi interesado sa isasaot ni Bong. Tumingin naman sa kanya si Bong at huminga ng malalim.
"The question is..... do you want to marry Greggy?" Tanong ni Bong kay Irene na hindi inasahan ng lahat.
Natigilan naman si Irene at natingin ito kay Greggy bago ibinaling ang tingin kay Bong.
"Bakit hindi?" Tanong ni Irene kay Bong.
"So you want to marry him nga?" Bong.
"Oo nga!" Sagot ni Irene at muling bumalik sa pagkain.
"Bro, do you want to marry her ba?" Tanong ni Anton kay Greggy.
"The first time I met her, I already told myself na I want to marry this girl." Sabi ni Greggy ng walang pag-aalilangn.
Agad namng kinilig ang tatlong babae sa sinaabi ni Greggy ngunit kinimkim nalang nila ito.
"So bakit hindi pa kayo magpa-kasal?" Tanong ni Anton.
"Bro, ano ka ba naman? Ni hindi nga alam ng daddy ang tungkol dito eh." Sabi ni Bong.
"Eh bakit hindi ipaalam?" Tanong ni Small.
"Para namang hindi niyo kilala ang daddy at mommy. Ano ipakikilala ko tapos ano? Pag-laayuin kami? Edi ang ending mapipilitan nalang din kaming magpa-kasal ng patago." Sabi ni Irene.
"Pero hindi ba kayo nahihirapan sa sitwasyon niyong lagi nalang nag-tatago?" Tanong ni Dawn.
"Syempre mahirap din, kaso the fact na nalaman kong anak si Irene ng kalaban ni dad sa politika, alam ko na agad at tinanggap ko na agad na kailanman hinding-hindi magiging madali ang lahat para saming dalawa." Sabi ni Greggy.
Nang matapos kumain ay agad na silang nag-party sa may tabing dagat. Dun sila sumayaw habang may mga hawak na alak ang lahat maliban kay Dawn na nag-dadalang tao na. Natapos ang kanilang gabi ng masaya at punong-puno ng tawanan. Ang ilan ay nalasing man ngunit nacontrol pa rin naman nila ang kanilang mga kalasingan.
So ayon, salamat muli sa pag-babasa at pag-suporta... nawa'y nagustuhan niyo. Maraming salamat at mag-iingat kayong lahat palagi. Mahal ko kayo <3 kung nagustuhan niyo naman ito ay mag-vote na rin kayo para masaya tayong lahat.
BINABASA MO ANG
Love in the dark
FanfictionPaano nila mapapag-patuloy ang kanilabg pag-sasama kung mismong pamilya na nila ang kanilang kinakalaban. Kakayanin kaya nila ang pag-subok na ito? A/N: lahat ng ito ay gawa-gawa ko lamang. Hindi ito ang tunay na ugali ng mga karakter na akong gina...