Epilogue

1K 39 18
                                    

Hindi na rin pinatagal ng pamilya Marcos ang lamay kay Irene dahil nga ayaw diin naman nila itong abutan ng bagong taon. Hindi naging madali. Sa kanila ang nangyare, lalong-lalo na kay Greggy pero sama-sama silang nagiging matatag dahil alam nila na hindi matutuwang umalis si Irene kung ganito ang lagay nila. Hindi nakapag bilin si Irene ng gusto niya sa kanyang libing kaya napag-kasunduan nalang na siya'y ipa cremate upang maka-sama pa rin siya sa bahay ng mga Marcos. Halos araw-araw ay dinadalaw ito ni Greggy at tinutulusan. Dahil nga mag-babagong taon na din, minabuti ni Bong na imbitahan si Greggy na sumama sa kanilang mag-bgong taon dahil nga iisa-isa nalang din ito sa bahay at wala din namang balak ang kanyang ama na samahan siya.

Umaga ng huling araw ng december ay naka-tanggap si Greggy ng tawag mula sa isang imbestigador niyang kaibigan. Buong akala ni Greggy ay itinigil na nito ang pag-hahanap sa kanyang ina, ngunit nag-patuloy pa pala ang kanyang kaibigan. Ibinalita nito na kauuwi lang nito galing London at susubukan din siyang hanapin at nagka-taong nahanap ito ng kanyang imbestigador na kaibigan. Nakiki-usap daw ang ina ni Greggy na kung pupwede ay sumama ito sa kanyang mag-bagong taon dahil nabalitaan din nito ang nangyare kay Irene. Dahil sa kalungkutan ni Greggy at sa pag-hahanap ng kalinga ng isang ina ay hindi na siya nag-dalawang isip pa na puntahan ang kanyang ina at samahan itong mag-diwwang ng bagong taon. Kahit na anong galit ni Greggy sa kanyang ina ay nawala ang lahat ng iyon ng yakapin niya ito at maalala ang sinabi ni Irene sa kanya noon.

Alam niya na kung nasan man si Irene ngayo ay magiging masaya ito dahil kasama na niya ang kanyang ina na mataga na din naman niyang hinahanap. Ngayon ay nabigyang linaw na si Greggy kung ano ba talaga ang nangyare sa kanyang mga magulang at kung bakit ito ang-hiwalay.

Samantala, ang pamilya Marcos naman ay sama-samang nag diwang ng bagong taon sa kanilang bahay kasama si Liza na dun na din naka-tira sa kanila. Mahirap, pero kinakaya naman nila at patuloy na lumalaban sa araw-araw. Tuluyan na ding umatras sa pag-takbo si Imelda, Macoy, at Imee at mas piinili na lamang na manahimik at mauhay ng payapa at walang gulo.

Dahil sa pagka-matay ni irene ay maraming nag-bago. Marami na ring nangyari, yung mga bagay na dapat ginawa nila nuon ay ngayon nila pinag-sisisihan. Aminado sila na malaki ang naging pag-kukulang nila kay Irene kaya mas lalo na nilang pinatitibay ang kailang pamilya ngayon upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Kahit na ilang buwan at taon na rin ang naka-lilipas ay hindi pa rin nakakalimutan ni Greggy na bisitahin si Irene sa mga arawna hindi siya masyadong busy at mga araw na importante kay Irene at sa kanya. Lalong-lalo na sa tuwing pasko at kaarawan nito. Kasama ng pamilyang Marcos si Greggy at ang ina nito sa tuwing sasapit ang pasko dahil ito ang kamamatayan ni Irene.

Sa huli, ay nanaig nalamang ang pag-kakaibigan ng dalawang pamilyang mortal na mag-aaway dahil sa politika. Hindi man nila naka-kausap ang ama ni Greggy ngunit alam nila na wala na ang awayan nila nuon.

-the end!

Maraming-maraming salamat sa inyog suporta! Nawa'y ipag-patuloy niyo lang ang pag-suporta sa akin at pinapangako kong mas lalo ko pang gagalinga hHAHAHAHAHAHA. Balak kong mag publish ulit ng isa ang story bago matapos ang taon, peo titingnan ko pa din kung aabot. Sana'y suportahan niyo iyon kung sakali mang makapag-publish ako agad mamayang gabi. Yun lang at salamat muli! Mahal ko kayong lahat at lagi kayong mag-iingat. Merry Christmas and Happy New Year everyone!

Love in the darkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon