Chapter 1 . Proposal
"Marry me"
Pagkabitaw ko ng mga salitang 'yon, biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Nakangiti lang sya habang tinititigan ako.
"Alam mo ba na we can get marry sa new hampshire even if we're underage? kailangan lang natin ng parents concent"
Nakangiti pa rin sya.
"I'm sure papayagan ako ni mom and dad, wala naman silang pakialam sakin eh. Si Tita, yung mom mo, boto sya sa akin, gustong gusto nya ko para sayo, I can please her. Finally, magagamit ko na rin yung regalo sa akin noong 13th birthday ko, yun bahay sa greenhills. Doon tayo pwedeng tumira kasama ng mama mo. Hindi naman mababago yun buhay natin eh kaso nga lang we're commited to each other forever."
Di pa rin nagbabago yung expression niya.
"Will you marry me?"
Nilabas ko yung diamond ring na binili ko nung nag-one year kami. Nakangiti pa rin sya.
"Jiyong" panimula niya gamit ang boses nyang malambing. Ansarap pakinggan kapag sinasabi nya ang pangalan ko.
Nginitian ko sya at itinaas yung singsing.
"Jiyong, I'm sorry."
Nagbago na yung expression nya.
"Sorry, pero di ko matatanggap yan" tinitigan niya lang ako sa mata. Halatang pinipigilan nyang umiyak.
"Kung di ka pa ready ok lang naman eh!" Natataranta kong sinabi sabay ngiti sa kaniya.
"Jiyong... "
"I should be the one to apologize! Sorry kung minamadali kita! Alam kong masyado pa tayong bata. I love you so much kaya nakakapag isip ako ng mga ganito. Corny man but I want to grow old with you."
" I love you too,and I also want to marry you right now, but..." Yumuko sya at huminga ng malalim.
"But what?"
Binalik niya yung tingin sa mata ko. "I love my- career and yes, I accepted the offer from America. I'm staying there- for good- with my mom. Don't think about following me, you've already set your goals here. Ayokong sirain yun"
"Are you-?"
She just nod.
"Please, don't leave me. I can bear the long distance relationship."
"It's not that easy as you think. Magiging busy tayo sa career natin, giving time to each other will be hard. So now, I'm letting you go. If we're really destined for each other, magkikita at magkikita pa rin naman tayo"
I pulled her hand and hug her na ikinabigla niya.
"I'll wait for you"bulong ko sa kaniya.
She pushed me and offers her hand. Inabot ko naman yung sakin at nag shake hands kamin
"Friends?" Tanong niya.
Pucha. After ng break up sabay ganto? Pero di ko na sya sinagot at hinila ko na yung kamay ko.
Ngumiti lang siya at lumabas na.
"Goodbye Kiko." Yan na lang ang nasabi ko. Ayokong magpakabitter. Alam ko naman na magiging kami ulit. Sisiguraduhin ko iyon dahil sya lang ang babae para sakin. Sya ang nakatadhana sa akin.
Pagkatapos ng limang minuto ay lumabas na ko.
"Oh" Di ko namalayan na naiwan ko yung ipad ko sa loob ng classroom. 'Di iyon maaaring mawala dahil naroon lahat ng memory naming dalawa ni Kiko.
Pagkabukas ko ng pinto.
Isang babae ang nakita ko ngayon sa harap ko at halatang gulat na gulat.
"Fvck! Who are you?! Did you heard everything?" Bulalas ko sa sobrang pagkabigla.
She didn't answer,instead, she pushed me and run away.
Lagot ka sakin.