Chapter 3 . Introduction

2.5K 61 9
                                    

Chapter 3 . Introduction

Dara's pov

"Grabe naman Dara! First day of school magcucut ka! Please naman! Isang year na lang magtatapos ka na ng high school! Konting tiis na lang! Ibabalik na kita ng korea pagtapos mo ng high school! blahblahblah....."

Ayun nagtatalak na naman si Chaerin. Daig niya pa si eomma!  Kung di lang talaga naging busy sila eomma and appa- napabuntong hininga na lang ako ng maalala 'yon. 보고 십어.(I miss you)

Naiwan pala ko kay Chaerin na pinsan ko. 1yr lang naman yun tanda niya sakin eh, pero sobrang mature na niya.

Pumunta siya ng philippines mag-isa to find herself daw at ito na nga yung bunga, iniwan pa ko sa kanya.

"Dara nakikinig ka ba ha?"

"Opo, papasok na ko."

"By the way, magkaklase tayo. Pero mauna ka na sa classroom, aayusin ko lang yun papers natin. Tsaka ito, naiwan mo"

Inabot niya yung jacket ko.

"Sige, una na ko."

Umalis na ko at ngayon hinahanap ko na yun room ko.

Ano nga bang room number yun?

Ah! 305!

305 305 305...ayun!

Habang papalapit ako sa pintuan ay nakaramdam ako ng lamig. Sinuot ko 'yong jacket na binigay ni Chaerin.

Pagpasok ko ng room, may nakita kong di kanais nais.

Si JIYONG. Tinaas ko yung hood ko at dali daling pumunta sa likod.

Ang malas ko talaga. Bakit kaklase ko siya?

Lamunin na ko ng lupa puh-lease! Sana di niya ko namukaan! Pero di naman siya umimik nung pumasok ako. Feeling ko di niya ko nakikilala! Kailangan kong umalis dito!

Sakto pumasok na rin yun teacher. Oh my gahd. I'm so dead.

"Good morning class! I'm a new teacher here so please be good to me! I'm Sunshine Cariza but call me, Ms. Shine. Okay?" Mukha naman syang mabait. Wala namang sigurong masamang mangyayari. Tiisin ko na nga lang to!

"YEEES!" Sagot namin sa kanya.

Ngumiti muna sya samin bago nagsalita."And because I'm new here, I have a request for you, guys. I understand that you all are graduating students and I'm sure that you are already close with each other but I want to know all of you." Tumingin si Miss sa akin. "Sige na, let's start."

Nako lagot! Please wag muna ko!

Kumalabog ang puso ko. Para akong mahihimatay dito.

"Let's start from the first row. Mister, please stand in the front."

Muntik ng malaglag yun puso 'ko. Akala ko ako na! Thank god.

Tumayo naman yun guy sa harap at ngumiti.

"Wahh!"

Biglang naghiyawan yun mga babae. Feeling ko mababasag yun eardrums ko!

"Ang gwapo mo talaga Youngbae!"

"Nakakalusaw yun ngiti mo!"

 Tinaas niya yung kamay niya at..

*snap*

Tumahimik yun mga babaeng palaka. Well, di sila mukang palaka, boses palaka lang. I'm so bad.

"Kilala niyo na ko pero si miss, hindi pa"

That Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon