Chapter 5. Classmates
Dara's POV
Naglakad lakad lang kami dito sa school. Parang tour na rin.
Sobrang laki ng school na 'to, pang mayaman talaga.
"Dara-ya~" Tawag ni Bom.
"왜?"(Why)
"배고파요(i'm hungry). Saan ba yung cafeteria?"
"Ako pa talaga yung tinanong mo. New student lang din ako dito, remember? Ikaw talaga lagi kang gutom. Tara hanapin na lang natin yung cafeteria "
1 hour daw yung break so we have so much time.
Kung saan saan kami naghahanap.
Liko dito, liko doon.
Nawawala na ata kami!
Nasan na ba yun?
Nagmamadali na kami sa paglalakad.
And after 98232431218291 years! Nakarating din kami!
Finally!
"Dara-ya~let's eat na." Sabay hila ni Bom sa braso ko.
"Maghanap muna tayo ng table." Awat ko sa kanya.
Halos wala ng vacant na table pero may dalawang table na natira, yun isa may nakalagay na reserve at yung isa nakapwesto sa dulo.
WAIT.
Bakit parang iniiwasan nila yung table sa dulo.
Nakita ko yung mukang nerd na may dalang tray at di alam kung saan uupo.
Nakita nya yung table at-
Talagang iniiwasan nila! Anong meron?
Bahala na nga! Basta makakain kami!
Buffet ang food dito kaya pumila kami. Di naman gaanong kahaba kaya after 10 minutes nakaupo na rin kami.
"So Minji, buti pinayagan ka ni Tita na mag aral dito." Panimula ko.
"Well, she loves me so much eh! She can't say no to me!" Hagikgik nya ngunit sumeryoso rin pagkatapos. "Actually mag bubukas kasi sya ng boutique dito sa Philippines. Okay lang naman na iwan niya ko kay Appa eh. Kaso lagi namang late yun umuwi kaya ito sinama na niya lang ako."
"Bom?" Sabay tingin sa kaniya.
"Joke lang na sumama ko kay Minji. Di ba may hotel kami dito sa Manila? Last month ko pa nalaman na ipapadala nila ko dito para daw mag train. I'm the heiress of our company, remember? Kaya ayon, hangga't maaga raw, mag train na ko."
"Bakit di mo sinabi samin?"
"Alam ko kasing malulungkot kayo pag nalaman niyo. Pero unexpectedly, lahat pala tayo pupunta dito." Sabay tawa ng malakas.
"This is going to be fun! By the way ano-"
"Can I join you?"
Nilingon ko kung sino yon,
"Oo naman!" Sagot ko.
Umupo sya sa tabi ko. "Ok ka na ba?" tanong niya.
Noong una ay hindi ko nakuha kung anong sinasabi niya ngunit napagtanto ko rin na ang tinutukoy nya ay yung pagkabangga ko sa kanya kanina. "Yup! Di naman ako nasaktan"
"Dara anong meron?" Tanong ni Bom habang nagpapalipat lipat ng tingin sa aming dalawa.
"Nagkabanggaan kami kanina sa hallway"