"Can you get your hands off me?" Kaunti na lang masasapak ko na 'to. "Sasama naman ako sa 'yo kaya bitawan mo na 'ko! You're so freaking clingy!" Naglalakad kami sa hallway ngayon. Buti na lang walang students dahil kakatapos lang ng lunch break.
"Ito naman, naglalambing lang naman ako. It's been two years since I saw you! I miss you so much baby J. Don't you miss your noona?(big sister)." She gave me her sweetest smile.
Tsk. Nagpacute pa. Gross.
We stepped out of the building. A guy greeted us and ushered us to the back seat of our car.
"Ano na namang kailangan nila sa 'kin?" Baling ko kay noona na ngayon ay busy sa pagtetext.
"You'll know it when we get there."
"Tsk. Lagi naman ganito. Uuwi lang sila kapag may kailangan sa 'kin."
"Para sa 'yo naman lahat ng ginagawa nila." Not this topic again kaya nanahimik na lang ako.
Sa kalagitnaan ng byahe ay 'di ko inaasahan ang tanong niya.
"How's Kiko?"
Napatingin ako sa kanya. "We broke up." Of all the people I trusted, she's on the top of my list. Kahit na matagal kaming hindi magkita I know na pagkakatiwalaan ko siya.
She knows about Kiko and I. Actually she's the first person to know. But, they haven't met yet.
"Good for you." Mahinang sabi niya.
"What? You know that I love her so much and-" napataas ang tono ko dahil sa sinabi niya pero tinignan niya lang ako with guilty eyes.
'Di ko alam kung bakit niya sinabi iyon.
Napatingin na lang ako sa labas ng bintana at nagpatuloy. "I-I don't know how will I continue my life without her. I've already laid my plans for the future. Everything includes her." I can feel the hot liquid pooling in my eyes. Pero bago iyon bumagsak ay pinunasan ko na ito.
Nagpatuloy ang byahe hanggang makarating kami sa bahay ng walang imikan.
"Nasa sala na sila Jiyong." Ani manang paglabas namin ng sasakyan.
Dumiretso kaming dalawa doon.
"아들, 요즘 어떻게 지내니? 밥 먹었어요?(son, how are you? Did you eat?)" Bungad sa akin ni Eomma.
"잘 지내.(I'm fine)" Lalapitan niya sana ako para yakapin pero umupo kaagad ako sa sofa. "여기서 뭐하는거지?(What are you doing here?)"
Nakita kong napangiwi lang si appa. "Since you don't want us here, we're gonna cut the chase." Umupo muna siya sa upuan sa tapat ko at sumunod naman si eomma sa tabi niya. Si noona naman ay tumabi sa akin.
"You'll wed in two months." Walang kagatol gatol niyang sinabi.
Ilang segundo bago mag sink in sa 'kin ang sinabi niya.
"What the hell are you talking about? 농담이지? (You're joking, right?)" Napaabante ako ng bahagya sa kinauupuan ko. Tinignan ko ang ibang taong nandito ngayon. Si noona ay nakayuko lang habang pinaglalaruan ang mga daliri niya at si eomma naman ay nakatingin lang sa 'kin na walang emosyong pinapakita.