"Sige Miss iwan muna kita dyan" Sabi nung nurse.
Pumasok naman ang mukhang hinihingal na sila Bom and Minji.
"Dara, okay ka na ba?" Bungad ni Bom.
"Yup, sabi nung nurse gagaling din kaagad to"
"Ah. 다행이다(what a relief). Sorry Dara antagal ka naming iniwan doon"
"괜찮아(it's okay). Nasan pala si Chaerin? Baka sabihin niya pa to kila Eomma mag-alala pa sila sakin"
"Nandiyan lang sya sa labas kausap yung nurse"
Tinanguan ko sya.
"Buti kinaya mong maglakad papunta dito"
"Ah , oo"
Tumayo na kami para makalabas na.
*flashback
Pag angat ko ng ulo ko.
Si Jiyong.
Bigla kong napaalis sa ibabaw niya at napaupo ako sa gilid ng pader. Napaupo rin sya.
"Tsk. Para kang nakakita ng multo"
Bigla niya kong hinawakan sa chin.
"Sara mo yung bibig mo, baka mapasukan ng langaw"
Tumalikod sya sakin at-
"Piggyback"sabi niya.
Huh?
Ano daw?
Wait lang ha, buffering pa.
Piggyback?
*TING
Ah.
Pero.
Sabi niya.
Baliw ata to!
"Ano ba? Napakatagal naman oh!" Iritadong sabi niya.
"Akala ko ba di mo ko tutulungan!"
"Tsk. Dami pang arte! Kumapit ka na nga lang!" Habang tinuturo ang likod niya.
Ang gulo nitong guy na 'to! After niya kong iwan kanina bigla na lang siyang susulpot!
"Hello? Gusto mo talagang maiwan dito at lumala yan noh?"
No choice na at sobrang tagal nila Bom. Kumapit na ko sa kaniya.
Tumayo sya at nag start ng maglakad.
Omo! Nakakahiya! Buti na lang walang tao dito!
After 201318923581 years! Nakarating din kami ng clinic!
Grabe! Ang awkward non!
"Uhm...고-고마워(thank you)"
Smirk. "Anong thank you? Eh idadagdag ko to sa utang mo"
"Huh?"
Smirk.
Tumalikod sya at lumabas na ng clinic.
"AH!"
Akala ko ba naman sincere yung pagtulong niya! Idadagdag niya lang pala to sa UTANG KO sa kaniya! Ugh.
*end of flashback
Pabalik na kami sa room.
Pagpasok namin sa loob, medyo madilim pero medyo naaaninag ko naman yung mga kaklase ko.