Chapter 9. Hottie and Cutie

1.6K 52 2
                                    

Chapter 9

riiiiiiiiiiiiiing.

"Hmmm"

Pagkapatay niya sa alarm clock ay tumayo sya at umupo sa tapat ng glass window. That's his routine every morning, to catch sight and gauge the beauty of nature.

He pressed the intercom, "Manang, breakfast"

Kumuha sya ng libro at nagbasa.

"Hmmm? May nakatira na pala doon sa tapat" pansin nya.

Tinignan nya lamang yung babaeng paikot ikot sa garden nila-

"Eh?" Nanlaki ang mata niya sa nakita niyang usok mula sa likod bahay ng kapitbahay nila.

"Shit!"

Napatakbo sya pababa at kumuha ng fire extinguisher. Lumabas sya papunta sa kabilang bahay at nakita niya yung babaeng nakatalikod at nakaupo na sa damo. Dali dali niya itong nilagpasan at pumasok na sa loob ng bahay.

After 5 minutes lumabas na sya at nakita nya ang isang pamilyar na mukha, nagkatitigan silang dalawa.

Dara's pov

JIYONG.

Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon.

Bakit topless sya?

Omg! He's hotter than the fire!

"HOY" Sigaw ni Jiyong."What do you think you're doing?"

Kinakabahan ako dahil napakaseryoso ng mukha niya."Uhhm I--I was baking and then-"

"Di ka marunong magluto?"

"Marunong ako!" Di ko lang talaga alam kung bakit nagkaganoon!

"Ano?" Iritang sabi niya. "You could have at least called at the fire station!"

"Naiwan ko yung phone ko sa loob! Natakot na kong pumasok!" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sigawan siya pabalik.

"I thought you're crazy." Sabi niya sabay iwas ng tingin sakin.

"Huh?" Anong sinasabi ng ungas na 'to?

Tumingin ulit sya sa akin at nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang bewang. "You're running in circles earlier that's why I thought our new neighbor was a newly checked out patient from mental!"

"Nakita mo ko?" Nakakahiya!

"Malamang, pupunta ba ko dito kung di kita nakita? Tsaka ayan lang yung bahay ko" Sabay turo sa malaking bahay na nasa tapat namin.

"Bahay niyo yan?"

"Do I need to repeat that?" Sarkastiko nyang sabi.

Grabe kapitbahay ko lang pala sya!

Tinignan nya lamang ako sa mata pero ako-napatingin pababa sa katawan niya. Wala syang abs pero ang sexy nyang tignan *gulp* ang hot nya.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Singhal niya.

Without knowing, tinuro ko yung topless nyang katawan.

Napatingin sya sa tinuro ko kaya nabigla ako at binawi kagad yung kamay ko. Goodness! Anong ginawa ko?

"Perv" Sabay smirk.

"No I'm not! Why aren't you wearing a shirt kasi? Sana nagbihis ka muna bago pumunta dito!" Bigla kong nilayo yun tingin ko. Turning crimson.

That Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon