Chapter 2 . Them

2.7K 56 0
                                    

Chapter 2 . Them

Dara's Pov

Lagot ako kay Chaerin kapag naabutan nya ko!

Pinahid ko ang tumatagaktak na pawis sa noo ko gamit ang aking palad. Di ko namalayan na malayo na pala ang narating ko sa kakatakbo mula kay Chaerin.

Makapagtago nga muna.

Nilingon ko mga nadadaanan kong mga silid hanggang sa narating ko ang isang walang taong classroom.

Mukha namang walang gagamit nito. Makaupo nga dun sa teachers table! Bwahaha! First time ko to ah! Ano kaya feeling?

Lahat pala talaga nakikita dito ng teacher!

*creek*

Omo! Bakit ba ko nagtago sa ilalim ng table? Pano na ko makakalabas dito?

May pumasok ba talaga? Bakit parang ang tahimik naman? Di kaya guni-guni ko lang yung pag bukas ng pinto kanina? Silipin ko nga muna.

"Let's get married"

Ay palaka! Mga teachers siguro to. Nakaka curious naman.

"Alam mo ba na we can get marry sa new hampshire even if we're underage? Kailangan lang natin ng parents concent"

Say whut? Underage! Wagas naman talaga yung mga kabataan ngayon oh! Grabe! Ano ba 'to!

Wahh! Gusto ko ng lumabas!!!

Pero nakakacurious talaga! hohoho!

"...we're committed forever"

Ano ba yan bakit puro lalaki yun nagsasalita, di kaya pipi yun girl?? Wah! Ang bad ko.

"Jiyong,"

Finally!

Wait, Jiyong daw ba?? Parang familiar.

"...di ko matatanggap yan."

Aww. Basted si kuya.

"I love you too, and I also want to marry you right now, but..."

Yun naman pala eh!

"I love my ...career..and yes,I accepted the offer from America. I'm staying there .. for good..with my mom. Don't think about following me . You've already set your goals here. Ayokong sirain yun"

"Are you...??"

Grabee! Magbbreak na ata 'to! Parang kanina lang kasalan yung pinaguusapan ngayon break up na! Ang bilis ng mga pangyayari! Di ko na ata kaya!

"Please, don't leave me, I can bear the long distance relationship."

Go koya! Ipaglaban mo si ati!

"......I'm letting you go......"

Wahh Ayaw na talaga ni ati.

Narinig kong bumukas yung pinto. Lalabas na rin sana ako kaso may biglang nagsalita.

"Goodbye, Kiko."

Kiko??...Jiyong..??

Jiyong and Kiko??? THE COUPLE JIKO?!

Omo! Kalat sa internet yung love story nilang dalawa ah! Nagttrend pa sila minsan! Para silang artista! Omg! Malulungkot yung mga friends ko sa korea! Super fan pa naman sila! Halos pagalitan nga sila ng mga teachers namin kasi pag naka open yung laptop namin lagi silang nahuhuling nakaopen yung website ng JiKo.

Ano ng gagawin ko?

Nasa tapat na ko ng pinto ngayon at papalabas na sana ng biglang may nagbukas ng pinto.

SI JIYONG!

"Fvck! Who are you?! Did you heard everything???"

Sa gulat ko, tinulak ko sya at tumakbo palayo.

Wahh! Sana di niya ko namukaan! Pleasepleaseplease!

Lagot ako! Ahh! Pagtinanong ako deny lang! Oo deny lang! Eh kaso baka torturin ako pag di ako umamin. Hmm, sabihin ko bingi ako! tamatama! Sabihin kong mahina yun pandinig ko!! Wait! Tinulak ko sya at tumakbo palayo! Pinatunayan ko lang talaga na may narinig ako! Wahh! Lumipat na lang kaya ko ng school! Now na! Para wala na talagang problema!!

"DARA!!!!!"

Naku lagot na talaga, nakita na ko ni  Chaerin! what a day-_-'

That Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon