So we get to settled some things earlier.
I won't be leaving Chaerin's house. Napakiusapan ko si Jiyong na di ako titira sa bahay niya. Instead, pupunta lang ako doon kapag may importanteng ganap. Katulad bukas, pupunta ang parents niya and they're gonna check us out. Alam nilang bukas ako lilipat. Kailangan ay makita nila ako doon.
Second, I don't want anyone to know about what's going on between us. For now. Sasabihin ko rin ito kila Chaerin in right time.
Kainis lang kanina kasi nalaman ni Youngbae. We told him everything. At ako 'tong si gaga napaluhod pa sa harap niya huwag niya lang sabihin kahit kanino. Ayokong pangunahan niya ako sa pagbalita sa mga kaibigan ko. Pero itong kuya mo di nakuha sa pag luhod luhod ko na parang dinadasalan siya sa Quiapo!
Papayag lang daw siya sa sinabi ko kapag sumayaw daw ako sa gitna ng dance floor kasama siya! Kainis! Akala ko mabait siya! May tinatago rin palang sungay! Bagay talaga silang magkaibigan ni Jiyong!
Syempre for the sake of my love for Aiden--este Chaerin pala, pumayag ako. Wala naman sigurong nakakakilala sakin doon.
Pababa kaming dalawa ngayon ni Youngbae at naiwan ang mokong na Jiyong na 'yon. 'Di man lamang ako tinulungan sa kaibigan niya!
Habang papunta kami sa gitna, nahati ang crowd sa gitna. Kitang kita sa mukha ng mga babae na kilig na kilig sila dahil sa kasama khho ngayon. The other girls are staring at me. If looks can kill, nakabaon na ko sa lupa ngayon.
[np: full house(붐벼)]
Pagkarating namin sa gitna ay biglang sumayaw ng napakasexy si Youngbae. Juskolord. Buti na lang at medyo madilim dito dahil alam kong namumula na ako hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa kahihiyan.
Hindi ko alam kung paano siya sasabayan. May pataas taas pa sya ng shirt!
Bakit di niya na lang tanggalin?
Kundi lang naghihihiyaw 'tong mga babae dito ay baka ako na ang nagtanggal ng pantaas niya.
Sandy! Utak mo na naman!
Huminga ako ng malalim. Ayoko mang sumayaw pero kailangan. Konting kembot lang naman siguro ay okay na 'no?
Pahakbang na ako para bumwelo pero may naramdaman akong malamig na kamay na kumapit sa braso ko. Napahinto si Youngbae sa pagsayaw at napatingin na lang sa taong nakahawak sa akin ngayon.
"Dude, let go." Medyo maangas na sabi ni Youngbae. Halatang nagpipigil ng iritasyon.
Napatingin ako sa taong nakahawak sa akin.
Saktong paglingon ko ay sa mata niya tumama ang paningin ko.
I swear, I literally stop breathing.
99 percent, I thought (and wished) that is was Jiyong. Pero ito na nga, nasa harap ko ngayon ang 1 percent.
"A-aiden-"
"I saw you from afar," ngiti niya sa akin. "You looked so uncomfortable so I decided to come to you."
"Ye-yes. I-I mean no." Anong ginagawa niya dito?
"Dara." Pagtawag sa akin ni Youngbae. Nilingon ko siya at umiling sa akin.
Nakuha ko kaagad kung ano ang ibig sabihin noon.
Bumalik ang tingin ko kay Aiden. "We-we're just having fun hehe." Ngayon lang 'to. Kailangan ko ng sabihin kay Chaerin yung tungkol sa amin ni Jiyong so Youngbae will stop blackmailing me.
Napawi ang ngiti niya."Are you sure?"
"Y-yup I'm sure." Marahan kong hinila ang braso ko para makalayo sa kanya. Pero lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin.
"Dude, the girl said it. So please let her go." Sabay hawak din sa akin ni Youngbae sa kabilang braso.
My goodness. This looks like a scene from a crappy romance telenovela!
Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Takang taka na siguro sila kung bakit ang isang babaeng katulad ko ay pinag aagawan ng dalawang hottie na 'to.
"Dara-" naputol sa pagsasalita si Aiden ng bigla na lang sumulpot sa harap ko si Jiyong. He's just inches away from me and looking straightly into my eyes.
Gahd help me.
"You both let her go." Utos niya sa dalawang lalaki habang matiim paring nakatitig sa akin.
Naramdaman ko na lang na lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Youngbae hanggang sa bumitaw ito.
"I'll take her home now. I brought her here so I should be the one to bring her home." Napatingin si Jiyong kay Aiden na hanggang ngayong ay 'di parin bumibitaw. "Pare, let her go."
Naramdaman ko na ang pag luwag ang pagkakahawak niya sa akin.
"I don't know what relationship you two have, but I swear, we weren't doing anything to harm her and we aren't planning to do so." Napakacool na sabi ni Jiyong.
Tumingin sa akin si Aiden. "Dara, call me when you get home. Alright?" Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang pag aalala niya sa akin. Hindi naman kami ganoon kaclose. Hmm siguro ay dahil kaklase niya ako at siya ay isang concerned citizen.
Tumango na lang ako at ngumiti ng di umaabot sa mata.
Hinawakan ni Jiyong ang kamay ko. Tinalikuran naming sila at nagsimula ng tahakin ang daan papuntang exit.
"Let's parteeeh!" Sigaw ng isang lalaki galing sa pinanggalingan naming pwesto. Umingay ulit sa loob.
Dinala ako ni Jiyong sa sasakyan niya.
Akala ko ay pagbubuksan niya na ako ng pinto pero hinarap niya lang ako sa kanya.
"Kayo ba?"
"Huh?"
"If you two are dating, end it."
"Dating? Sino nag-ddate?" Ano bang sinasabi nito?
"You and that fish-looking guy, moron."
"Fish-loo-- si Aiden?!" Tsaka ko lang nagets yung pinagsasabi niya.
"예, 바보. (Yes, stupid)"
"Aba't- first of all, don't call me stupid! Second, heller? Si Aiden mukhang isda? Eh ikaw nga mukhang unggoy! Bwisit ka!" Tinalikuran ko siya. Bahala siya diyan. Uuwi na ako mag isa.
"Where do you think you're going?" Medyo pasigaw niyang tanong.
"Uuwi, malamang!" Sagot ko sa kaniya
"Ihahatid nga kita."
"Hindi na! Nakakahiya naman sa 'yo eh!"
Hindi na siya sumagot at narinig ko na lang ang pagbagsak ng pintuan ng sasakyan niya kasunod ay ang pagbukas ng makina nito.m
Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya umaalis doon. Kahit hindi ako lumilingon sa sasakyan niya, alam kong nandoon pa rin siya dahil dito mismo ako sa tapat ng exit nakatayo at nag aabang ng taxi.
Bakit walang dumadaan? Pinapapak na ko ng lamok dito.
Mag-iisang oras na ay hindi pa rin ako nakakasakay. Hindi rin ako makapag uber or grab dahil dead batt na ang phone ko.
Gusto ko ng makauwi! But I don't even know where is this place kaya kung maglalakad ako ay baka mawala ako.
Lumunok muna ako ng laway bago lumingon ulit kay Jiyong.
Tinahak ko ang daan pabalik sa sasakyan niya at sumakay sa passenger seat.
"Hindi ako magpapahatid. Sasabay lang ako pauwi." Magkaiba 'yon 'di ba? Kasi parehas lang kami ng way at bawas pollution pa 'to. Save the mother earth guys!
"Whatever." Sabay paandar ng sasakyan niya palabas.