CHAPTER 13

8 3 0
                                    

Levigy's POV

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, at sa Vibration ng selpon, agad akong bumangon para tignan ang oras, Pero halos mapatalon ako nang makitang 9:39 na!!!!!! Jusko! Dali dali akong Pumuntang banyo para maligo, Syempre hindi na ako nag arte pa, Gagstok, Late na ako!

Tinignan ko kung sino yung tawag ng tawag sa akin, Si Keen, At Angel pala.

Dali dali akong bumaba nang matapos na ako sa mga pinangagawa ko sa katawan ko, Para magpaalam na hindi na ako kakain, Kase Kailangan ko na talagang Umalis

"Ma! Pa! Alis na ako!" Sambit ko nang makita ko silang naguusap sa sala, Hindi na ako nagbigay ng pansin pa sa mga taong nandun, Tsk, ayokong ma-bad trip.

Agad akong sumakay sa Kotse, Si Manong Lester ang maghahatid saakin sa school ngayon.

"Ah Ma'am? Late na po kayo ah" Sambit ni Mang Lester nang makapasok ako sa Kotse

"Oo nga po Manong e" Nagaalala kong sambit. Ramdam siguro ni Manong ang takot kong mapagalitan ng Prof namin ay bigla nyang nalang pinaharurot ang Kotse! Naku jusko ko po!

"Manong madami pa po akong pangarap! Jusko! Dahan dahan sa Pagmamaneho manong! Wag sana akong kunin ni God ng Maaga! Manong!" Natataranta kong sambit, Napapikit ako at nagsimula ng Magdasal.  mga santo ng simbahan, Halaman, Kanto, Bahay, Puno, Tao, papel, Lapis, Ballpen, Kahoy, Langit, Lupa, Metal, At mga Santo santo lang, Gabayan nyo po ako, Sana po ay Hindi pa po ako malagutan ng hininga sa murang edad, Marami pa po akong Pangarap, Tinatawag kopo lahat ng elemento na sana ako— hindi ko natapos ang aking pagdadasal ng Biglang narinig kong matawa si Manong Lester, Idinilat ko ang aking mga mata at nakita itong tawa ng tawa. Ngayon ay nasa normal na speed na ang sasakyan.

"Naku Manong, Wag nyo naman akong gulatin ng ganon!" kabado ko paring sambit

"Ay naku ma'am, pasensya na po.. Akala ko po kasi'y ako'y inyong uutusan na magmadali, Kaya ginawa ko nalang po bago nyo sabihin" Sambit ni Manong. Ay naku, Oo gusto kong magmadali pero hindi sa pagmamadali ng pagkitil ng buhay ko.  Jusko manong, Ayoko nalang mag talk

Naging masaya at maganda ang byahe papuntang skwelahan, Nung una ay parang ayaw akong papasukin ng guard pero kalaaunan din ay naniwala sila sa Rason ko.

Patakbo takbo akong pumunta ng Building, Ahh! Nakakainis.

Nang makita na may iilan na nakatingin sa akin ay agad kong inayos ang lakad ko, at Hinawi ang buhok. Oo badtrip ako, Pero dapat astig parin. Pero anyways!!! Bat ba andito ang mga studyanteng ito? Wala ba silang mga klase?

Nang malapit na ako sa Building ng mga engineering, ay Patakbo takbo akong pumunta ng room, Gagstok, Sino ba ang nag desisyon na sa 3rd Floor kami ilalagay diba? De joke lang, Worth it naman na dun ilagay kase Presco.

Pagdating ko ng room ay saktong nag iingayan ang mga kaklase ko, Pahiwatig na wala kaming Teacher, agad akong pumasok sa loob at lahat ay napansin iyon, Agad akong umupo sa upuan ko, Which is katabi ko si Keen, Si Kinini.

"Bat ngayon kalang? Swerte ka yung first and Second Sub, Hindi nakapag turo dahil sa Urgent meeting." Kenini said, I looked at him and smiled

"Desisyon kase ako kenini" Sambit ko sabay smirk at hawi sa buhok, Nakita ko naman ang Pagtaaas nito ng kilay.

"Ha? Kenini? At kailan pa kita binigyan ng permiso na Babuyin ako?" sambit nito, Na parang naapakan talaga ang boung pagkatao nya

"Pangalan mo lang Binaboy ko, Hindi ikaw. Kadiri"  Sambit ko sabay Roll eyes

"GUYS!!!" nagulat ako sa biglaang pasigaw ni Gwen, Our Pabida. Pero oks lang, Pabida na matalino naman tong si Gwen.

"Oh?" Sambit ni Rodman, Si Rodman ang matalino naming kaklase, Madalas nyang Pagtripan si Gwen at prangkahin tuwing nagpapabida ito.

The Reincarnated LoversWhere stories live. Discover now