CHAPTER 27

2 2 0
                                    

Hade's POV

Flashback

Umuulan na naman, Gusto kong maligo ng ulan kaya naman ay nagmamadali akong pumasok sa kwarto ni Mama.

"Ma!" Pag aagaw pansin ko kay Mama na kasalukuyang nag tatap sa kanyang Laptop, Mama is a Journalist kaya hindi na bago saakin ang makita syang busy'ng busy sa laptop

"Hmm?" Maikling sagot nito

"Pwede pong maligo ng ulan? Hehehe" Paghihingi ko ng permiso, Napatingin naman saakin si Mama, Ilang minuto pa kami nag staring Contest. Tumango naman si Mama, agad agad akong tumakbo palabas ng bahay at pumunta sa bahay nila Erwin

Tumingin ako sa kwarto nito, at saktong bukas ang bintana, Agad akong naghanap ng di gaanong kalakong bato para itapon sa loob ng kwarto nito, nang makahanap na ako ay agad ko itong itinapon sa bintana ng kwarto nya, Hindi kalaunan ay nagpakita ang dugyot na Erwin.

"Ano?" Sambit nya ngunit walang tunog.

"Ligo tayo ulan!! Baba ka diyan!" Sigaw ko, Tumango naman ito at sumenyas ng 'Wait', Saaming Lima, si Erwin ay may pinaka strict na magulang, Hindi ito basta basta nakakalabas ng bahay. Halos apat na minuto akong naghintay sa labas ng bahay nila.

Sampung taong gulang na ako, Habang si Erwin ay labing isa.

Pagkalabas ni Erwin parang baboy ramo ito, ang lakas kung magtatalon.

"Hahaha hoy! Puntahan muna natin si Liam!" Pagtatawag ko kay Erwin, Sabay naman Kaming nagtawanan at sabay na itinahak ang Direksyon papunta sa bahay nila Liam.

Pagdating namin sa labas ng bahay nila Liam, naliligo na pala ang gago kasama si Levigy, patakbo Kaming pumunta sa pwesto nila, at itong si Erwin, Hindi magkamayaw, sigaw kase ng sigaw.

"Hahaha hoy! Ang ingay nyo!" Sambit ni Levigy ng makalapit kami.

"Lev, mas maingay ang ulan" laha kami ay napatingin kay Liam nang magsalita ito. Ito na naman sya.

"Kung pagbabasehan natin, Ang mga taong nasa loob ng bahat ay hindi naririnig ang sigaw natin, O kahit ano, Kahit ang taong nasa dalawang metros ang layo sa atin ay imposibleng  marinig nito ang sigaw—" Bago pa man nya ito ,matapos ay binatukan na sya ni Levigy

"Wala naman akong sinabi na maririnig tayo ng iba, anyare sayo?" Pagtataray ni Levigy kay Liam, Lahat naman kami ay napataw bukod kay Liam, Saaming Lima, si Liam ang pinaka matalino at seryoso sa buhay, Matalino at seryoso naman kami sa buhay pero hindi tulad ni Liam, Isipin nalang natin na sobrang taas n ng Mental age nya, Like hula ko mga nasa 24 ang Mental age nya. Si Levigy naman ang laging malungkot saaming lahat, Hindi na kase umuuwi ang tatay nya, Matagal na rin yun, Pero nakakalungkot Parin isipin.

"Hoy san si Carl?" Pagtatanong ko

"Ayaw lumabas, kanina pa nga namin kinukulit ni Liam e" Levigy said while pouting.

"Ah talaga ba hahahaha" napatingin kami kay Erwin nang bigla nalamg itong tumakbo, Mga ilang hakbang pa ang layo nya saamin ay tumigil ito sa pagtakbo sabay tingin saamin.

"Hoy! Ano ba, Samahan nyoko" pag aaya nya, patakbo naman kaming lumapit sa kanya. Erwin has two personalities for two different groups of people, Sa pamilya nya ay isa syang tahimik, matalino at laging walang emosyon, Habang sa aming mga kaibigan nya ang personalidad nya ay sobrang layo sa pinapakita nya sa pamilya nito, Sa amin kase ay para syang ungoy na ngayon lang nakita ang mundo.

The Reincarnated LoversWhere stories live. Discover now