Levigy's POV
Nag stay kami sa bahay ng halos tatlong oras, Nagkwentuhan at nagbondingan pa sila papa Keen at Mama.
"Love, Let's go? Simba na tayo?" Pagtatanong ni Keen nang makapasok kami sa Kotse, Inimbitahan namin sila na sumama nalang saamin magsimba, But sadly they refuse. Tumango ako kay Keen, Keen Hold my hand.
"Love, Date tayo pagkatapos mwehehe" Sambit nito at kinikilig ba, Naku nababakla na naman
Napatawa ako ng bahagya sa Cute nyang reaksyon "Haha oo na, Mag drive kana dyan!"
Nang pinaandar na nya ang kotse ay kinuha ko ang phone ko at tinext si Princess.
You: Pano bayan magmumuka na naman akong mayabang nito, Mag dedate na naman kami
Sambit ko tapos may nilagay pa akong maraming Smirking Emoji
Sineen nya lang ako at nag like react, akala ko hindi na ito mag rereply nang bigla nitong chinange ang Nickname nya
Princess Delagado changed her nickname into
"Hindi kita rereplyan, ito ang tunay na astig"Ayan, nagsisimula na naman kalokohan nya, Tuwing binabara nya ako, Hindi ito nag rereply, parang nag rereply lang ito gamit Nickname para magmukang ako ang last chat, Pakshit
Hindi ko na ito nereplayan, Nagmumuka akong ulol. Napatingin ako sa labas ng bintana, May mga taong naglalakad habang nagseselpon— Sila yung mga taong hinihiling mamatay sa daan. Naku, Ayaw ko talaga sa mga taong nagseselpon sa Daan, para silang mga Zombie'ng naglalakad, Alam mo yun? Walang pakealam sa paligid, ang atensyon ay nasa selpon lang.
Napapansin ko rin yung mga taong nilalagay ang Cellphone sa bulsa sa bandang likod— Mostly sila yung mga taong nanakawan agad. Sino ba namang tanga ang maglalagay ng Selpon sa likod? Tapos pag nanakaw iiyak iyak.
May mga tao namang aakbay akbay sa kaibigan sa daan— sila yung muntikan ng masagasaan pero hindi parin bumibitaw sa pagaakbay, Mamatay ng magkasama ata ang Goal nila.
Syempre may mga tao din namang matino sa daan.— sila yung mga taong laging may sout na sling bag, Sa loob ng Sling bag nayun, andun nayung mga selpon nila, at iba pang importante tulad ng pera.Pero teka nga? Wala na ba talaga akong magawa sa buhay at nang Judge nalang ng mga tao?
"Babe andito na tayo" nabaling ang atensyon ko kay Keen, Nang magasalita ito, Lumabas na kami ng Kotse at bumungad ang malaki at may katandaan ng simbahan.
"Dito kita papakasalan" halos manindig ang balahibo ko ng ibulong saakin iyon ni Keen, Ang hangin nito ay nagdampi sa aking balat.
"Alam mo, pasok nalang tayo" Pagiiba ko ng topic.
Pagpasok namin, Marami na ang naka kanya kanyang upo, Naisipan namin ni Keen na umupo sa harapan para makita namin ang mga verse doon sa malaking TV, at para narin marinig namin ng mabuti ang sinasabi ni Father.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago nag start ang Misa. Father is talking about Generosity.
"Ate, Bat po hindi nakatali buhok nyo?" Sa kalagitnaan ng Misa, isang bata ang nakaagaw ng pansin ko, Nasa likuran namin ito, Ngumiti nalang ako rito at hindi na pinansin. Maya maya pa ay inanounce nang magbibigay na daw ng Ostia si Father, tatayo na sana ako nang muling magsalita ang bata
"Ate, nag Confess na pala kayo? Hehe" Sambit ulit nito, She has this hair na naka ponytail both side—Hindi ko alam ang tawag nang hair style nayun, Basta noong bata pa ako tinatawag ko yung Hairstyle nayun na demonyo demonyo hehe sorry na, Yan lang talaga tawag ko dun.
YOU ARE READING
The Reincarnated Lovers
Novela Juvenil1685 "Let's end the suffering together, and Start a new one, When it's our time" You said. I will never forget that. it was all started in a Little weird dream, And then I met you. the man That I love in the past, But I'll make sure that I'm going t...