Levigy's POV
Hindi na ako nagpahatid sa Driver, ayoko namang makaabala, Ako nalang mag isa.
Habang nag dridrive, Hindi ko alam ang Mararamdamn, Gusto ko maging malungkot pero hindi talaga, Parang normal lang saakin, Ni halos wala akong maramdaman na kahit ano, Maybe this is Numbness.. Oh it's scary.
Napapaisip ako kung bakit agad agad na nangyari kay tito iyon? Maayos naman sya nung iniwanan namin, Actually sabi ng doctor mabilis syang makakarecover dahil sa Palakas na palakas nitong immune system, Tapos ganon lang pala ang mangyayari?Sa dami kong iniisip, Ngayon ko lang napansin na nasa Highway na ako banda. Isang malakas na busina ang bumungad saakin, nang papaliko ako, Agad kong iniba ng Direksyon ang kotse, Pero mas lalo lang itong napapalala.
Keen's POV
"Tinawagan ko na po si Ma'am Lev Sir" I looked at Aling Tin when she said those, Dapat mag protest ako at sabihing hindi nya dapat ginawa yun, Ayokong mahawa ng negative energy si Lev, Pero halos wala akong lakas na magsalita. Nasa labas kami ng Morgue ngayon, Hindi ko alam kung aalis ba ako Dito o Hindi, Basta ang alam ko gusto ko magpahinga. Hanggang Ngayon hindi parin ako makapaniwala, Pilit akong kinakauusap ng maayos ng mga doktor pero wala talaga akong maisagot na matino sa kanila, kaya pansamantala nilang dinala sa Morgue si Dad.
Someone's POV
Tila nasa racing ang puso ko, Ang bilis kung tumibok, Napatingin ako sa kotse na ngayon ay tila Lata na, Sobrang napuruhan. Dalawa kaming driver na nakasagasa, Hindi ko kase napansin na paparating ang Kotse nito, habang ang isang Truck naman ay nakasagasa sa bandang likuran nito, Siguro dahil sa biglaang pag stop ng driver ng kotse, kaya nabanga ito ng Kapwa truck Driver, Lumabas ako ng Truck, Aaminin ko, Kung ako ang nasa Posisyon ng driver ng kotse, malalagutan ako ng hininga, Pero umaasa ako na sana ayos lang ang nagmamaneho ng kotseng nasagasaan ko.
"Jusko.." napatingin ako sa tagiliran ko, Nang makita ang katandaang lalaki, Tila natatakot sa nangyayari.
"Ikaw ba ang driver ng kabilang Truck?" Pagtatanong ko rito.
"Kasalanan moto! Kung huminto ka muna at tinignan ang mga paparating, e hindi magkakaganto!" Naiinis na sambit ni Manong, Ayoko ko itong patulan kaya nanahimik nalang ako. Actually, Nasa edad bente lang ako... maaga akong kumayod para sa pamilya, Gusto ko sanang Ipagpatuloy ang Pag aaral pero kapos na talaga kami, Meron pa akong magulang na sobrang Irresponsible.
Narinig ko na ang 'wang wang' ng sasakyan ng Pulis, Nais kong tumakbo at tumakas, Pero nagaalala ako na baka mas mapalala ko ang sitwasyon, Nagulat ako nang biglang tumakbo ang matandan papuntang truck nito, agad ko itong hinabol at hinawakan sa braso.
"Bitawan mo ako!" Naiinis na sambit nito, Alam kong natatakot ito
"Manong hindi pwede, Kailangan mong—nating harapin ang nagawa natin" Pageexplain ko, pero mas lalo lang itong nagalit at diniin ako sa nangyari
"Ikaw ang gumawa nyan! Ikaw ang may kasalanan!" Galit nitong sambit, Nagsimula narin akong mainis.
"Manong, kung ako nga po ang may kasalanan, Bakit hindi nyo patunayan sa Pulis iyon? At kung napatunayan nyo, Edi malaya na kayo!" Pasensya na pero hindi ko talaga mapigilang sigawan ang matanda, Tumingin ito sa akin at napabuntong hininga, Senyales na iyon ay 'Sigh of defeat'
Hindi pa katagalan, Nakarating ang pulis sa kinaroroonan namin.
"Kayo ba ang driver—" hindi natapos ng pulis ang nais sabihin.
"Sya ang may kasalanan!" Nang bigla nalang sumabat si Manong, at tinuro turo ako.
"Teka lang po.. Kumalma po tayo" sambit ng pulis "Isang tanong, isang sagot po tayo, Maliwanag?" Pagtatanong ulit ng pulis, Parehas kaming tumango ni Manong ngunit ito ay nalayuko lamang. "Kayo ba ang Driver ng Dalawang truck na ito?" Muling pagtatanong ng Pulis.
YOU ARE READING
The Reincarnated Lovers
Teen Fiction1685 "Let's end the suffering together, and Start a new one, When it's our time" You said. I will never forget that. it was all started in a Little weird dream, And then I met you. the man That I love in the past, But I'll make sure that I'm going t...