CHAPTER 04

874 38 2
                                    


EDEN SAINE FLORIDA

“Ako na lang magtuturo sa 'yo, Eden.”

Ngumiti ako ng tipid kay Ophelia. “Hindi na kailangan, sis. May pupuntahan ako ngayon,” dahilan ko kahit hindi naman talaga importante ang pupuntahan ko.

Kahit gusto n'ya akong pilitin ay sa huli wala na s'yang nagawa kundi tumango na lamang. Niyakap ko s'ya bago lumabas ng classroom.

Inayos ko naman ang bag kong nakasabit sa 'king braso bago nagsimulang maglakad, magkikita kami ngayon ng pangatlo kong boytoy, he just texted me while ago na nando'n na s'ya sa basketball court.

'Di ko alam na isa pala s'yang basketball player sa eskwelahan namin, hindi kasi halata. Napangisi ulit ako, I like basketball player pa naman, sakto.

Kahit oras pa lang ng klase ngayon ay ito pa rin ako nagcu-cutting, simple lang naman siguro ang ipapagawa ng teacher namin at hindi naman mahirap ang lesson di'ba?

Pagkarating ko sa basketball court ay kaagad umagaw ng atensiyon ko si Morven, 'yong cashier sa Mall.

Nakatuon lamang ang tingin ko sa kan'ya habang papaupo ako sa gilid ng bench na sigurado akong malapit lamang sa mga bags nila na kinalalagyan.

'Di pa n'ya ako napansin dahil abala pa ito sa kaka-practice. Strict pa naman ang captain nila.

Inilapag ko ang aking bag sa gilid ko bago napadekwatro ang aking binti. Ang tataas pala nila, kumusta naman ako na kahit one inch man lang hindi ako binigyan ng kataasan.

“Focus kayo sa game! Hindi 'yong patingin-tingin pa kayo sa tabi!” sigaw ng kanilang captain dahilan para mapatingin ako rito.

Napataas ang kilay ko nang makitang napatingin din s'ya sa 'kin, napangisi na lang ako nang ngumisi s'ya pagkatapos sa 'kin saka binalik ang atensiyon sa ka-team mates n'ya.

Hinihingal na ang mga kasama n'ya habang s'ya naman ay nakatayo lamang. Sarap naman ng buhay n'ya, s'ya yata 'yong mas kailangan ng training, buong magdamag ba namang nakatayo at nakatingin lamang sa kanila.

Napailing ako. Ayaw ko pa naman sa katulad n'yang pinapahirapan ang kasama habang s'ya ay nakatunganga. Ang unfair lang, eh.

“Break muna,” sigaw n'ya sa kasama para marinig.

Ang iba ay nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ko, nasa gilid ko kasi ang kanilang mga gamit.

Napangiti na lang ako nang makitang gulat pa ang mga mata ni Morven, kalaunan ay napangiti na lamang s'ya saka pa-jogging na tumungo sa 'kin.

“H-Hindi pa ako nagtext, ah,” bungad n'ya sa 'kin nang makalapit.

Saglit akong napatingin sa mga kasama n'ya nang pumito ito, ang iba naman ay makahulugang tinignan kami.

Napaangat ako sa kan'ya ng tingin. Pawis na pawis na ito at mukhang hindi sila pinainom man lang ng kanilang captain.

“Bawal ba?” mabagal kong sambit at kinuha ang water bottle ko sa bag, buti na lang ay may dala ako nito.

Ramdam ko namang umupo s'ya sa tabi ko. Lumingon ako sa kan'ya saka inilahad sa kan'ya ang bote.

Kinuha naman n'ya ito saka ngitian ako. “Thanks.” Binuksan at nilagok kaagad n'ya ang tubig saka napabuga ng hininga.

Bahagyang tinabingi ko ang aking ulo at tinitigan ng mabuti ang kan'yang mukha. He have this nice body at sigurado akong dahil sa kaka-practice n'ya sa basketball training, siguro ay may iba pa itong tinatarbaho.

Mukhang napansin n'ya ang pagtitig dahilan para pumula ang kan'yang taenga. Masyado namang mabilis s'yang kiligin.

“Do you have a family business?” tanong ko, hindi ko inalis ang tingin sa kan'ya.

Napakurap ang kan'yang mata ng dalawang beses. “Why?” balik tanong n'ya, napaikot tuloy ang mata ko.

“Ako unang nagtanong kaya sagutin mo ako,” madiin kong sambit, ayaw ko pa naman 'yong ako nga 'yong unang nagtanong pero magtatanong naman s'ya.

Ibinalik n'ya sa 'kin ang bote. “Yes, we have. Ngayon sagutin mo ako, bakit?” Pilit n'yang hinahalungkat sa 'king mata kung bakit ko ba iyon natanong.

Pumalakpak ako ng dalawang beses. “What kind of business? Hindi pa ako tapos.”

“We owned Malls and Hotels.” May pagtataka pa rin sa kan'yang boses.

Napabilog tuloy ang bibig ko. Hindi talaga halata dahil akala ko no'ng una ay isa s'ya sa mahirap, cashier kasi s'ya no'ng makita ko.

“Then why are you working at the Mall?” sunod ko na namang tanong.

Dahil sa tanong ko ay napangiti s'ya. “Gusto ko kasing subukan na maging independent naman at 'wag umasa sa magulang,” sagot n'ya na, proud na proud pa s'ya.

Napailing na lang ako at 'di maiwasang mamangha. Kung ako sa kalagayan n'ya ay baka bilihin ko na lahat ang mga dress sa Mall. Sadly, resorts lang ang business namin at 'di naman kami gano'n kayaman masyado.

“That's what I like it!” masaya kong sambit na mas lalo n'yang ikinayabang, natawa na lang tuloy ako.

“Bumalik kayo mamaya sa practice, ah!”

Napatingin ulit ako sa Captain nila na kanina ko pa naririnig ang sigaw nito. Hindi naman mga bingi ang mga ka-team mate n'ya, kung makasigaw kasi parang aabot sa ilabas ng basketball court.

Nakatingin pa rin ako sa Captain nila na mukhang may pinaririnigang tao. Hindi naman sa nag-a-assume pero mukhang napatingin kasi s'ya sa kinaroroonan namin at sinamaan pa ng tingin.

Napansin siguro ni Morven na nakatingin ako sa kung saan kaya binalingan din n'ya ito ng tingin.

“Gan'yan ba talaga ang captain n'yo? Hindi ko gusto ang mga trato nila sa inyo.” Puna ko at tinignan ang reaction ni Morven.

Wala namang kakaiba sa kan'yang mata, nagkibat-balikat s'ya saka ngitian akong binalingan. “Ewan ko rin dahil minsan lang naman n'ya kami sinisigawan, wala lang siguro s'ya sa mood.”

Napatango tango naman ako. “Pwede ka 'bang lumabas? Wala ka na 'bang practice?” sunod-sunod kong tanong.

Napaisip naman s'ya. “Hindi mo pa nga nasagot 'yong tanong ko kanina. Why did you ask about our business?” Inilapit n'ya ang kan'yang mukha sa 'kin, nabigla naman ako.

“H-Hey!” Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kan'yang nakakalokong ngisi.

“Hindi ko talaga gusto 'yong role ko bilang isang boytoy mo. Pero dahil isa ako sa taong hindi sumusuko, I'll make you fall in love with me.” Kinindatan pa n'ya ako at ginulo ang buhok kong nanahimik.

Inis na inayos ko ang buhok ko. “Don't touch my hair! Hindi ako pusa, ah?!” Paalala ko sa kan'ya na ikinatawa lamang n'ya.

Kinuha n'ya ang bag kong nasa gilid at tumayo. Sinundan ko naman s'ya ng tingin nang tumungo s'ya sa kinaroroonan ng mga kagrupo n'ya, kinuha lang pala n'ya ang kan'yang bag.

Tahimik na pinagmasdan s'ya ng ilang kagrupo n'ya at napasunod pa ang tingin nila hanggang sa makarating sa 'king harapan si Morven.

“Kain muna tayo sa canteen, I'm hungry.” Bahagyang hinimas pa nito ang kan'yang tiyan.

Inikutan ko s'ya ng mata. “Dapat kasi nagrereklamo kayo sa Captain n'yo.” Dapat hindi sila matakot sa Captain nila, pare-pareho naman silang basketball player.

Umiling s'ya at biglang hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako roon saka napangisi. Actually may plano na talaga ako sa set-up namin.

“Tara na,” yaya n'ya bago ako hinila papaalis sa basketball court na hindi man lang nakapagpaalam.

Saglit akong napatingin sa likuran ko at gano'n na lang ang kinabigla ko nang makitang lahat sila nakatingin sa 'min at mas lalong mapanganib na ang tingin ni Khoen, the basketball captain.


The Fatty Nerd (Nerd Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon