EDEN SAINE FLORIDA“Saan ka galing? Kagabi hindi ka kumain tapos kaninang agahan gano'n din.”
Napatigil ako sa paghakbang ko at nilingon si Daddy. 'Di na maipinta ang kan'yang mukha habang nakatingin sa 'kin na para 'bang nakaka-disappoint ako.
“Malamang sa school ako galing,” mahina kong bulong.
“At talagang sumasagot ka pa!” singhal n'ya sa 'kin saka ito lumapit sa 'king pwesto. Narinig pala n'ya.
Umiwas lamang ako ng tingin, para kasing sinusunog n'ya ang kademonyuhan ko sa klase pa lamang ng kan'yang titig.
“Nagtanong ka, sumagot ako. Ngayong sumagot ako, galit ka naman dahil doon.” Dahan-dahan akong bumaling sa kan'ya. “Nakakapagod lang, Dad. Pwede ba 'wag mo na lang akong pansinin?” mapakla kong saad.
'Di naman s'ya makapaniwalang nakatingin sa 'kin. “Ano na naman ang nangyayari sa 'yo, ah?! Hindi ka naman gan'yan dati!” Napahilamos s'ya sa kan'yang mukha. “Anong dahilan kung bakit ka nagkagan'yan?”
Dahil sa huling tanong n'ya ay mapait akong tumawa bago tinitigan s'ya ng matalim. “Talagang tinanong mo pa sa 'kin, Dad, huh? Akala ko pa naman matalino ka. Bahala ka mag-isip ku—” naputol ang sasabihin ko nang lumapat ang kan'yang matigas na kamay sa 'king pisngi dahilan para bahagyang natabingi ang aking mukha.
Hindi ako iiyak. Kailan nga ako huling umiyak? Matagal-tagal na rin kaya hindi ko sasayangin ang isang parak na luha sa kan'ya.
Nagngingitngit ang mga ngipin kong nakatingin sa sahig. Ramdam ko namang natigilan s'ya sa kan'yang ginawa at para 'bang hindi n'ya sinasadya.
“A-Anak...”
Itinaas ko ang aking kamay sa ere upang patigilin s'ya. “H'wag mo akong tatawaging anak kung may anak ka sa labas.” Hindi ko hinawakan ang pisngi ko na siguradong namumula na ngayon. Nilingon ko s'ya. “At mas lalong h'wag mo akong tatawaging anak kung puro matataas na grado at medal ang kailangan mo sa 'kin.”
Hindi s'ya nakapagsalita dahil sa binitawan kong kataga. Mabilis kong nilisan s'ya at umakyat sa kwarto ko.
Pero 'di pa man ako nakapasok sa kwarto nang makitang nakaupo si Downy sa tabi ng pintuan ng kwarto ko. Mabilis s'yang tumayo nang makita ako.
“Q-Queen...” I hate how she acts like an innocent.
Masama ang loob kong lumapit sa kan'ya at nakipagpatayan ng tingin na kaagad n'yang ikinasuko, napayuko s'ya sa tensiyong namamagitan.
“Hangga't maaga pa ay umalis ka na at tigilan mo na kung ano man ang kailangan mo sa 'min.” Sinuri ko kabuuan n'ya bago napatingin sa kan'yang kwentas na mukhang mamahalin.
I'm sure hindi n'ya kayang bumili ng ganito kamahal na accessory. Pakiramdam ko ay hindi s'ya tapat kay Daddy. Kahit gusto kong makarma si Dad ay hindi ko magawa. Mas lalo akong galit sa babaeng 'to.
Tinabingi ko ang aking ulo sa kanan. “Where did you get that necklace?” tanong ko, mabilis s'yang umangat ng tingin at nanlalaking mata ang pinakita.
Napangisi na lang ako sa isipan. Mukhang nahuli ko s'ya basi lamang sa kan'yang mukha at tila nag-iisip ng dahilan ang babaeng 'to.
Napahawak s'ya sa leeg kong saan ang kan'yang necklace. “R-Regalo lang po ito, Q-Queen...” Liar!
Napahalukipkip ako. “Sino nagregalo? Mayaman ba?” sunod kong tanong.
“Bakit tinatanong n'yo pa?” May bahid na inis sa kan'yang boses at umiwas ng tingin para 'di ko makita ang totoong s'ya.
BINABASA MO ANG
The Fatty Nerd (Nerd Boys Series #3)
Romance(COMPLETED) (NERD BOYS SERIES #3) Eden Saine Florida does not have a reputation for being friendly to others, and she is unconcerned with what they may think of her. She fulfills all of her desires, with the exception of a high grade, which she is u...