EDEN SAINE FLORIDA“A-Ano?” utal n'yang tanong at 'di makapaniwalang nakatingin sa 'kin.
Inaantok na kinuha ko ang cellphone sa bulsa saka binuksan ito kung anong oras na. Agad ko namang isinilid sa bulsa bago bagot na tinignan si Khoen.
“Ayaw mo? Hindi naman ako namimilit. Hindi ka naman kawalan kung hindi ka papayag.” Aalis na sana ako dahil mukhang ayaw naman n'ya nang humabol s'ya sa 'kin saka ako hinawakan sa balikat para pigilan.
Tinignan ko ng matalim ang kan'yang kamay na nakahawak sa 'kin. Agad naman n'ya itong inalis nang makita ang masama kong tingin.
Napataas ang tingin ko sa kan'ya at tinaasan s'ya ng isang kilay. Hinihintay kung ano pa ang kailangan n'ya. Kaya lang naman ako sumama sa kan'ya para alokin s'ya na maging boytoy ko.
Kita ko ang pagiging problemado n'ya. Bahagya pa n'yang sinabunutan ang kan'yang sarili at napakagat labi.
“'Y-Yon ba ang gusto mo?” Napatingin ang kan'yang matang kumikinang. Hindi ko alam kung bakit gano'n 'yong nakita ko.
Sinawalang bahala ko iyon. “Depende kung gusto mo rin naman. Gaya nga sa sinabi ko, hindi kita pipilitin. Marami namang ibang lala—”
“Fine!” Mabilis n'yang usal at seryosong tinignan ako sa mata. “I will do everything para mapatawad mo ako. Alam kong galit ka lang sa 'kin kaya mo ako ginaganito.”
Malakas na umismid ako sa kan'yang sinabi. “Edi mag-back-out ka na! Mukhang napipilitan ka pa, eh!” inis kong singhal sa kan'ya. Gulo rin kausap ang lalaking 'to.
Nagsalubong ang kan'yang kilay. “Pumayag na nga ako di'ba? If this is the only way para lang mapatawad mo ako, I am willing to be played with you.” Huminga s'ya ng malalim. “Alam mong minahal kita.” mahina n'yang dugtong.
Inis na napangisi ako sa kan'ya. “Sorry 'di ko alam. All I know pinaglaruan mo lang ako at kailan man peke lang ang pinapakita mo.” Gusto ko 'pang sabihin sa kan'ya ang mga hinanakit ko pero masyadong kumikirot ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan.
Nandito pa rin ba? Akala ko ba nawala na? Kaya ayaw kong magmahal, eh. Love is scariest thing in this world. Hindi mo alam kung tunay ba o peke ang kan'yang nararamdaman sa 'yo. Hindi ko alam kung sigurado ka na ba kasi may baka sakali palagi.
Natigilan s'ya sa sinabi ko. Parang gusto pa n'yang magpaliwanag pero umiling lamang ako rito.
Sabi ko nga 'di ako iiyak at nagawa ko namang pigilan iyon hanggang sa talikuran ko s'ya. Ilang hakbang pa lang ang ginawad ko nang mapahinto ako.
“Next week,” huling saad ko bago tinuloy ang hakbang ko hanggang sa makaalis sa lugar na iyon. Alam naman n'ya kung anong ibig sabihin ko.
Do'n din n'ya pala ako noon iniwan at do'n ko rin nalaman na pinaglalaruan lang pala n'ya ako.
Tama nga sila, basta basketball player nambobola na nga ang galing pa maglaro ng feelings ng mga babae. 'Di ko naman nilalahat, alam ko naman ang pinagsasabi ko.
'Di man halata sa paningin ng iba, mahina rin ako pagdating sa mahal ko. Kahit palagi kaming nag-aaway ni Dad, hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sa kan'ya. Gaya nga sa sinabi ni Lola Selya, nag-iisa ko na lang s'yang pamilya.
Tinabunan ng galit at sakit ang dibdib ko kaya nagagawa kong makasakit ng damdamin ng iba. Nagagawa kong pagsalitaan ang Daddy ko. Kahit alam ko sa sariling mali ang ginawa ko, tinuloy ko pa rin. Ayaw kong tinatapak-tapakan lang ko, hindi ko hahayaang palagpasin ang ginawa ng Daddy ko.
BINABASA MO ANG
The Fatty Nerd (Nerd Boys Series #3)
Romantizm(COMPLETED) (NERD BOYS SERIES #3) Eden Saine Florida does not have a reputation for being friendly to others, and she is unconcerned with what they may think of her. She fulfills all of her desires, with the exception of a high grade, which she is u...