CHAPTER 18

714 35 0
                                    


EDEN SAINE FLORIDA

Mabilis akong lumapit sa kan'ya. Napansin naman n'ya ako kaya agad s'yang tumayo sa pagkakaupo at inayos pa ang kan'yang damit. Nakapolo s'ya at bago lang iyon sa 'kin.

Alanganin s'yang ngumiti sa 'kin. “Uhmm... Hi?”

“Anong ginagawa mo rito?” mahina kong tanong at pinaupo s'ya sa sofa at tumabi sa kan'ya.

Napakamot s'ya sa batok. “Gusto ko, eh.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Anong gusto mo?!” Pinanlakihan ko s'ya ng mata.

Umiling-iling naman s'ya na tila mali ang kan'yang binanggit. “A-Ang ibig ko palang sabihin ay gusto kong makuha na ang jersey k-ko. 'Yon n-nga.”

Hindi makapaghintay, ah. Akala ko pa naman makakapunta pa ako sa kanilang bahay. Sayang lang kung hindi dahil hindi ko na makikita pa ang chinitong lalaking iyon.

Napatango-tango naman ako. “Mamaya ibabalik ko sa 'yo. Pupunta kami sa bahay mo mamaya,” sabi ko sa kan'ya.

Linggo ngayon kaya wala kaming klase. Bukas na naman ay makikita ko na si Khoen. Do'n na s'ya magsisimula bilang boytoy ko.

Mabilis s'yang ngumiti at tumango. “Welcome na welcome kayo roon. Akala ko nga 'di ka makakapunta.” Namula pa ang kan'yang taenga. Ang cute lang.

Napahagikgik naman akong napatingin sa itaas. “Gusto ko rin kasi makilala ang kapit-bahay mo,” masaya ko 'pang dagdag na kaagad ikinabagsak ng kan'yang balikat.

Biglang nawala ang masaya nitong ngiti. Napatawa s'ya ng mahina pero labag sa loob naman dahil hindi naman totoong tawa.

“G-Gusto mo pala s'yang makilala?” alanganin n'yang tanong at umiwas pa sa 'kin ng tingin. Natawa tuloy ako dahil mas lalo s'yang naging cute sa paningin ko. Ang taba ng pisngi kasi.

“Ang gwapo kasi!” Tinignan ko pa kung ano ang magiging reaksiyon n'ya. Ang sarap lang pagselosin, eh.

Napasimangot s'ya. “Pumunta lang pala ako rito para marinig lang ang tungkol sa kan'ya.” Napatingin ako sa inilahad n'ya sa 'kin na donut na kaagad kong tinagggap.

“Akin ba 'to?” Baka kasi kulang pa sa kan'ya at pinapahawak lamang sa 'kin.

Tumango s'ya at ngitian ako ng tipid. 'Di pa rin maka-get over. “Aalis na ako.”

Agad akong napatayo nang makitang mabilis s'yang tumayo at dire-diretso ang lakad palabas ng bahay.

Hinabol ko s'ya nang matauhan. “Croy!” tawag ko sa kan'ya dahilan para mapahinto ito sa labas ng pintuan.

Agad ko s'yang hinawakan sa braso at pilit na pinaharap sa 'kin. Inaasar ko lang naman tapos walk-out kaagad. Gusto kong matawa pero 'wag muna, baka kasi sumimangot kaagad.

Napakurap-kurap ang kan'yang mata. “Tinawag mo na ako sa pangalan ko?” 'di mapaniwalang tanong n'ya.

“Alangan naman oink ang itawag ko sa 'yo.” Inikutan ko s'ya ng mata. Fatty kasi ang tawag ko sa kan'ya nang nakaraang araw at ngayon ko lamang s'ya tinawag sa pangalan o baka naman ngayon lang n'ya napansin?

'Di kalauna'y napangiti s'ya sa sinabi ko. Pinipigilang 'wag lumabas ang kan'yang ngipin.

“Magandang pakinggan ang pangalan ko mula sa iyong boses. Sana Croy na lang ang itawag mo sa 'kin.”

Napangisi ako. “Cheesy mo, Croy.” Natawa na lang din kami. Ewan ko ba kung bakit natatawa kami ngayon. Parang wala naman kasing nakakatawa.


The Fatty Nerd (Nerd Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon