CHAPTER 29

899 36 0
                                    

Warning: R-18 mature scenes!


EDEN SAINE FLORIDA

Kita ko ang pagkasabik at paglaki ng kan'yang bilugang mata. Ang dami n'yang pinagbago pero nakasuot pa rin ito ng salamin. Pumayat s'ya...

Naiyukom ko ang aking kamao sa nakita. Hindi na ako nag-abala 'pang tignan s'ya at pumasok lamang sa Cr. Kahit nawala na 'yong pagkaihi ko ay kailangan ko munang makasigurado na wala na s'ya sa hallway.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang biglang sumara ang pintuan ng Cr. Mabilis akong napabaling ng tingin sa likuran at nanlaki ang matang nakatingin sa kan'ya. Sinundan n'ya ako!

“Leave,” diin kong utos.

Papasok na sana ako sa cubicle nang mabilis n'ya akong hinila at sinandal sa pintuan. Halos kapusin ang hininga ko sa sobrang lapit ng mukha namin.

Naiinis ako sa mukha n'ya. Anong nangyari sa mataba n'yang pisngi at katawan?! Bakit naging matcho at naging malakas ito?! Hindi s'ya si Croy!

“Mag-usap tayo, sweetie.” Mahigpit n'yang hinawakan ang dalawa kong kamay na bahagyang nakalagay sa gilid ng mukha ko.

Mas lalo lang umusbong ang galit ko sa kan'ya. Gano'n lang 'yon? Hindi man lang s'ya nagpaalam at iniwan n'ya ako na parang isang bagay lang. Madali lang sabihin sa kan'ya ang lahat.

“Bitawan mo ako, Croy!” Inis na binabawi ko ang aking kamay pero masyado s'yang malakas. Bakit kasi lumaki ang kan'yang kamay at braso?! “Umalis ka na at do'n ka sa babae mo!”

Nakita kong may kasama itong babae at talagang inakbayan pa n'ya! Kita mo na! Lumaki lang ang katawan, nambabae na!

Sisipain ko sana ang gitna n'ya nang napatili ako nang mas lalo n'yang inilapit ang kan'yang katawan sa 'kin at inipit ang aking hita. Bwiset!

Lumamlam ang kan'yang mukha. “Sweetie, hindi ko s'ya babae, ikaw lang ang babae ko.”

Napasinghap ako. “Babae?! Babae lang?! T*ngina mo!” nangangalaiti kong sigaw. Napamura s'ya kaya mas lalo kong pinanlakihan ito ng mata. “Nagmumura ka na sa 'kin—”

Nanginig ang aking katawan nang lumapat ang kan'yang labi sa 'kin. Ilang buwan ko ng 'di natitikman ito. Aaminin kong marupok ako pagdating sa kan'ya pero hindi ako magpapatalo! Pinabayaan n'ya ako!

Iniwas ko ang aking mukha sa kan'ya. Mabilis na namulat ang kan'yang mata at balisa ang mukhang tinignan ako. Napalunok pa ito ng sariling laway na para 'bang takot na takot sa susunod kong gawin.

“Nandidilim ang paningin ko sa 'yo, Croy kaya umalis ka sa harapan ko,” banta ko pero hindi n'ya sinunod.

“Sweetie, please...” Sinubukan ulit n'ya akong halikan. Binitawan n'ya ang aking kamay at mahigpit na hinawakan ako sa beywang na ikinanginig ko.

Sa puntong 'to ay hindi ko napigilang pag-initan ng katawan sa haplos at halik n'ya. Traidor ang katawan ko, imbes na gusto ko s'yang tulakin ay kusang pinulupot ko ang aking braso sa kan'yang leeg at tinugon ang kan'yang halik.

Parang nakahinga pa s'ya ng maluwag sa ginawa ko. Pinalandas n'ya ang kan'yang kamay sa 'king tagiliran habang hinahalikan na para 'bang sabik na sabik sa pagsipsip nito sa 'king labi.

Kumawala ako sa halik at lumanghap ng hangin. Gano'n din ang ginawa n'ya at hindi ako  pinakawalan.

Napalunok ito at nagmamakaawang nakatingin sa 'kin. “I-I love you and it will always be the same forever, sweetie. Makinig ka muna.” Hinawakan n'ya ang isa kong pisngi. “Please, mahal kita.”

The Fatty Nerd (Nerd Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon