EDEN SAINE FLORIDANapatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. Bagay naman sa 'kin dahil isa naman akong sexy na babae. Tsk, ang yabang ko talaga.
Hanggang tuhod ko ang kan'yang jersey. Ngayon ko lang napagtanto na isa itong basketball jersey, nakasali na ba s'ya o kasali na ba talaga s'ya ng basketball? Hindi ko kasi nakita.
Tsk, malamang hindi ko pa alam ang ilang impormasyon mula sa kan'ya dahil kakakilala lamang namin. Pero basi lamang sa nakikita ko ay mukhang matagal na n'ya akong kilala. Ewan ko ba kung bakit iyon ang naramdaman ko.
Lumabas ako ng banyo at nakitang humahalungkat pa rin s'ya sa kan'yang aparador. Akala ko pa naman sinunod n'ya ako.
“Lalabas na ako,” paalam ko sa kan'ya habang hawak-hawak ko ang nakaputos na dress at doll shoes ko. Nakapaa lamang ako at sigurado naman akong may tsinelas sila.
Bigla s'yang napalingon sa 'kin. Bahagyang natigilan pa nang makita ako, pinalandas pa n'ya ang kan'yang tingin sa kabuoan ko. Naglulumikot ang kan'yang matang umiwas at mabilis na nilapitan ako.
“B-Bagay sa 'yo ang jersey ko,” puna n'ya at tinignan ulit ang suot kong damit n'ya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mukha n'ya. Namumula kasi ang kan'yang taenga at pinipilit na h'wag ngumiti sa harapan ko. Malala na s'ya.
Kunwari ko namang sinuri ang kabuoan ko. “Salamat sa paghiram. Ibabalik ko na lang bukas kung sakaling pumunta ulit kami rito.”
Tumango naman s'ya ng dalawang beses. “Sana nga ay makapunta pa kayo.” Nakatingin pa rin sa suot ko. Napataas tuloy ang aking kilay.
Masyado naman s'yang halata na patay na patay sa 'kin. Kapag talaga lumabas ako ng bahay ay baka mag-flip hair ako wala sa oras. Ang ganda ko lang talaga kaya hindi n'ya ako matiis.
Kaso ayaw ko sa kan'ya, sorry s'ya. Hanap na lang s'ya ng babaeng bagay sa kan'ya. Ang harsh ko na ba?
“Labas na ako,” ulit kong paalam at hindi na naghintay na sumabay sa 'kin.
'Di ko napansin na napangisi na pala ako habang naglalakad sa pasilyo. Nakasunod s'ya sa 'kin, muntik pa nga s'yang madulas sa kakamadali. 'Di kasi napansin na umalis ako sa kan'yang harapan. Para tuloy s'yang aso na sunod ng sunod. Sorry sa sinabi ko.
Pagdating namin sa kusina ay naagaw kaagad kami ng pansin ng mga tao, mas lalo na 'yong Lolo ni Croy pati na rin si Dad. Nagtataka kung bakit kami magkasama.
“Anong nangyari sa suot mo, Eden?” takang tanong ni Dad nang makalapit ako sa kanila. Sumunod din si Croy sa likuran ko.
“Nabasa po at saka malapok 'yong paa ko kanina.” Napangiwi pa ako nang maalala ang kahihiyan kanina.
“Apo, magkakilala ba kayo?” tanong ng Lolo ni Croy at patingin-tingin pa sa 'ming dalawa.
“Opo.”
“Hindi.”
Nagkatinginan kami ni Croy nang sabay kaming sumagot. Pinanliksikan ko s'ya ng mata na 'di n'ya man lang pinansin. Ayaw n'yang bawiin!
Napatango-tango naman ang kan'yang Lolo at may dumaan na ngiti sa kan'yang labi. “Maupo na kayo at makakain na.”
Kaagad naman naming sinunod at tahimik na sinimulan kumain. Ayaw kong mag-talk lalo pa't nandito si Dad at ang kan'yang Lolo. Sasabunutan ko talaga s'ya mamaya.
BINABASA MO ANG
The Fatty Nerd (Nerd Boys Series #3)
Romance(COMPLETED) (NERD BOYS SERIES #3) Eden Saine Florida does not have a reputation for being friendly to others, and she is unconcerned with what they may think of her. She fulfills all of her desires, with the exception of a high grade, which she is u...