CHAPTER 30

935 32 0
                                    


EDEN SAINE FLORIDA

Kaagad n'ya akong hinatid sa classroom ko pagkatapos na nangyari sa 'min. Namumula pa nga 'yong mukha ko sa kahihiyan. Nag-make love lang naman kami sa Cr at sa eskwelahan pa! Gosh!

Kaya ako ito hindi na naman maiwasang mapangiti habang nakikinig sa 'king guro. Pinipilit ko namang makinig kahit minsan lumalayo ang isipan ko sa ibang planeta. Pakiramdam ko kasi ay ang ganda-ganda ko,  pinuri pa ba naman ako.

Bigla ko lang naalala ang huli naming napag-usapan. Kaya s'ya hindi nakapagpaalam sa 'kin ay para raw i-surprise ako, totoong nagulat ako pero kalaunan nagalit din. Ayaw ko nga kasi sa abs n'ya, chubby tummy ang gusto ko ngayon!

Isa sa rason kung bakit s'ya nagpapayat ay dahil sa hinamon s'ya ni Khoen. Bigla tuloy nagngitngit ang ngipin ko sa nalaman. Hindi talaga n'ya kami tinigilan, ngayon ay alam kong wala na s'yang magagawa 'pang paraan para kaayawan ko si Croy. Akala n'ya siguro ayaw ko sa chubby at pangit, then nagbago na taste ko.

Ang chochoy, naniwala at natakot naman sa hamon ni Khoen. 'Di ba n'ya naisip na tanggap ko s'ya sa kung anong meron s'ya? Kaya ko nga s'ya sinagot dahil mahal ko s'ya at wala ng iba.

Gaya ng dati naming gawi ay hinatid n'ya ako pauwi sa bahay namin. Inaya ko s'yang pumasok na kaagad naman n'yang tinanggap. Plano ko rin s'ya ipakilala kay Dad bilang boyfriend ko.


Kaaagad kong natanaw si Dad na nakaupo sa wooden chair banda sa terrace ng bahay namin. Nakatanaw sa mahabang garden na naging paborito noon ni Mom na tambayan. Hindi ko alam kung bakit nandito s'ya ngayon nakatitig sa garden gayong iniiwasan n'yang mapatungo rito.

Maybe he miss his wife? Iyan ang nakikita ko sa kan'yang mata.

Umangat ako ng tingin kay Croy at wala man lang akong mabasang emosyon sa kan'yang mata. “Are you scared?”

Bumaba ang kan'yang tingin sa 'kin. “Konti.” Hinawakan n'ya kamay ko para ro'n kumuha ng lakas. “Let's go.”

Nagpahila lamang ako sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa tabi ni Dad. Napansin n'ya sigurong may tao kaya napabaling ang kan'yang tingin sa 'min.

Kaagad s'yang nagtaka pero tumayo ito para batiin si Croy. “Good afternoon, hijo. Napabisita ka.” Sinuri pa ang kabuuan ni Croy. “Hindi na mataba, ah.”

Ngitian s'ya ng alanganin ni Cro. “Good afternoon po, T-Tito at s-salamat.” 'Di pa nasanay sa Tito. “Actually, may sasabihin po kami ni Eden.”

Napansin naman ni Dad na may kakaiba sa 'min. Bumaba ang kan'yang tingin sa magkahawak naming kamay at do'n pa lang ay kinabahan na ako. Mas lalong humigpit ang pagkahawak ni Croy sa 'kin.

“'Di na ako magpaligoy-ligoy pa, Tito.” Saglit s'yang natigilan bago tinuloy ang kan'yang sasabihin. “Gusto ko sanang hingiin ang kamay ni Eden, kami na po at sana makasal na kami soon.”

Nanlaki ang mata kong binalingan si Croy at pasimpleng kinurot ito sa kamay pero mukhang hindi nga s'ya nagbibiro. Gosh! Ako ang kinakabahan sa pinagsasabi n'ya! Paano na lang kapag hindi papayag si Dad?!

Napakurap-kurap si Dad at mukhang nabigla rin sa diretsong pag-amin ni Croy. Tumikhim ito bago ako tinignan. “Kailan naging kayo, anak?”

Kagat-labi akong nakatingin sa labas. “Tatlong buwan na kami, Dad.”

Saglit s'yang natigilan at pagkuwan ay napatango rin. “Walang problema sa 'kin dahil kilala ko naman si Croy.”

Gulat naman kaming napatingin kay Dad. Akala ko hindi s'ya papayag. Palagi n'ya akong pinapagalitan dahil sa mga naging boytoy ko noon. Nakakabigla lang dahil biglang umamo ang kan'yang mukha at mukhang masaya pa nga.

Nang makabawi si Croy ay kaagad n'yang niyakap si Dad na ikinatawa naman nito. Tinapik-tapik ni Dad ang balikat n'ya nang humiwalay na sila.

“Hindi ko po lolokohin si Eden, Tito. Wala nang bawian po, ah? Fiance ko ma s'ya,” mabilis at masayang usal ni Croy bago ako hinapit sa beywang.

Tumango-tango naman si Dad bago napamulsa. “Alam mo naman siguro ugali ni Eden, hijo? Matigas ang ulo at hindi sumusunod sa utos.”

Napapadyak tuloy ako sa sahig na ikinatawa ni Croy. Mas lalo n'ya akong hinapit sa kan'ya.

“Alam ko po, Tito. Pero kahit gano'n, mahal ko pa rin ang anak n'yo,” walang hiya n'yang sabi kay Dad kahit kanina ay nangingig na ang kamay nito sa nerbyos. Saan ang taranta nito sa katawan?!

“Alam kong mapagmahal si Eden at mabait na bata kahit gan'yan 'yan.” Nakangiting tinignan ako ni Dad.

Wala sa sariling napangiti rin ako. Ito lang naman ang gusto kong marinig sa kan'ya, kahit konting puri lang.

Naging maayos na kami Dad at dahil iyon kay Croy. Blessing talaga s'ya para sa 'kin. Hindj tuloy maipaliwanag ang saya ko ngayon.

Hinatid ko sa labas si Croy dahil gabi na rin. Kakatapos lang namin kumain ng dinner at napahaba ang kuwentuhan naming tatlo. Minsan kaming dalawa ni Dad at minsan silang dalawa ni Croy ang nag-uusap.

“Matulog ka na pagkatapos, ah?” Paalala n'ya bago sumampa sa motor.

Tumango ako at hinalikan s'ya sa labi na ikinasinghap n'ya. “Thank you for everything, sweetie.” Nakangiting lumayo ako sa kan'ya.

Napakagat s'ya sa labi. “Para sa 'yo, sweetie ko,” malambing n'yang sagot. “Hintayin mo, babalik ako sa dati.”

“Dating ano?” taka kong tanong.

Kinindatan n'ya ako bago sumuot ng helmet. Pinaandar din ang kan'yang motor. “Dating chubby. Naisip kong wala namang mawawala sa 'kin kahit mataba ako. Nasa akin ka pa rin kahit maging bola ang katawan ko.”

Napangiti tuloy ako. That's right, Croy. Gusto kong h'wag mong ido-down ang iyong sarili dahil sa insecurities mo sa katawan.





The Fatty Nerd (Nerd Boys Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon